• • • • • •
"Alas-siyete na pala, uuwi na ako." Nagpasya si Tala na umuwi na sa kanyang bahay sa isang subdivision sa Quezon City. Hindi siya naging masaya sa naging resulta ng kanyang pagsisinungaling kay Bagwis. Dahil nakita ni Tala na naging malungkot ang mga mata ng lalaking tinitibok ng kanyang puso, pagkatapos niyang sabihin na magpapakasal na siya. Kung kailan handa na si Bagsiw pumasok sa isang relasyon at kaya na nitong panindigan ang mga magiging desisyon.
Habang naglalakad sa kalsada si Tala, nakita nito ang parke sa lugar nila Bagwis. Nagmuni-muni muna siya at umupo sa isang bench sa ilalim ng puno. Malamig ang simoy ng hangin ng mga oras na 'yon. Naisip niya ang naging usapan nilang dalawa ni Bagwis sa repair shop.
"Bagwis.. hanggang ngayon ba mahal mo pa rin ako?"
"Oo naman Tala mahal pa rin kita."
"Gaano mo ako kamahal? Higit pa ba sa repair shop?"
"Bakit mo naman kinukumpara sa isang repair shop ang pagmamahal ko sayo?"
Seryoso at malalim ang usapan nila Bagwis at Tala sa repair shop na malapit sa bahay nila Bagsiw.
"Kase..."
"Kase.. ano?"
"Ano kase.."
"Tala--" naglakad papalapit si Bagwis kay Tala at hinawakan nito ang dalawang kamay. "Sabihin mo sa akin. Ako ba mahal mo pa? Kasi kung mahal mo pa ako, sasabihin ko sa'yo na han--"
Mabilis ang naging sagot ni Tala sa hindi pa natatapos na pagsalita ni Bagwis. Inalis niya ang kamay niya at tumalikod ito kay Bagwis. "Mahal pa kita Bagwis.. pero may asawa na ako. Magpapakasal na kami sa susunod na taon." Seryosong sabi nito.
"Matagal pa pala Tala. Marami pang pwedeng magbago, pag-isipan mo muna ang magiging desisyon mo. Pag-isipan mo pa ng mga ilang buwan. Saka napansin ko wala ka pang singsing. Kaya sana.. pag-isipan mo muna. Handa na ako pumasok sa isang relasyon ngayon."
Pasimpleng kinuha ni Tala ang singsing na nasa kanyang bulsa at palihim na isinuot ito. "Bulag ka ba Bagwis?" mahinang sabi nito at pinakita ang singsing na nasa kanang kamay niya.
"Wala 'yan kanina no'ng nag-uusap kayo ni mommy." Nagtatakang sagot ni Bagwis.
"So, pinagmasdan mo ako mula ulo hanggang paa? Ganun ba?"
"Hindi naman sa ganun Tala--"
"Alas-siyete na pala, sige na uuwi na ako. Pumunta lang naman ako dito para sabihin sa'yo na ikakasal na ako. Maraming salamat sa miryenda at pakikinig, Bagwis."
Natigil sa pagbabalik tanaw si Tala nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag si Bagwis sa kanya. Hindi nito alam kung sasagutin ba niya ang tawag o magkikibit balikat na lang siya na hindi niya naririnig ang tunog ng kanyang cellphone.
Nakatingin lang siya sa kanyang cellphone hanggang sa matapos ang ringtone. Napansin niyang may tumulo na tubig sa screen ng cellphone niya. Tumingala siya at inilahad ang kamay. Akala niya ay umaambon. Idinampi niya ang palad sa pisngi. Naramdaman niyang basa ito at kinuha ang salamin sa maliit na bag na dala para tingan ang sarili. Kanina pa pala siya umiiyak, hindi man lang niya nararamdaman at napapansin.
Habang nagpupunas ng luha si Tala, isang nakakasilaw at umaapoy na bagay mula sa kalangitan ang babagsak malapit sa kinaroonan niya. Akala nito ay isang malaking bulalakaw lang ang babagsak sa parke. Kaya, bago pa man humalik ang umaapoy na bagay sa lupa. Nagwish agad itong si Tala.
'Sana po ay hanapin ako ni Bagwis at kapag nahanap niya ako, sasabihin ko sa kanya na hindi totoo ang mga sinabi ko, nagsinungaling lang ako na ikakasal na ako. Siya talaga ang gusto kong mapangasawa at makasama hanggang sa pagtanda. Mahal na mahal ko si Bagwis!'
Pagkatapos na magwish ni Tala, tinignan niya kung anong oras na. 'Alas otso na pala.' Mahinang sabi nito. Isang malaking pagsabog ang yumanig sa buong parke. Tumilapon sa malayo si Tala na nakaupo lang sa isang bench na nasa ilalim ng puno, bago pa man mangyari ang pagbagsak ng isang bato na umuusok at nag-aapoy. Pinilit bumangon ni Tala para humingi ng saklolo, pero hindi siya makatayo dahil sa sanga ng puno na nakadagan sa kanya. Hanggang sa--mawalan ito ng malay.
• • • • • •

YOU ARE READING
QWIMI (ɘƚɘlqmoƆ) - Revising/Editing
Science FictionMorgan II: Mortal Planet is my Dream Place! Here is my first science fiction story. #QWIMI