Chapter 104 Pagsintang tunay!

348 11 2
                                    

Princess Pov's
Si boss talaga napaka ano talaga at nakakatawa ang joke niya.
Tawang tawa ako kanina at hanggang ngayon.
" Oh, ba't masaya ka ata? Sino na naman ang napagtripan mo? " usisa ni papa sa akin.
" Pa, si boss kasi nakakatawa. " tawa ko pa habang nakaupo.
" Marunong bang magbiro iyon? Hindi naman ah! Seryoso kaya iyon! " sabat ni papa sa akin.
" Paano mo nasabi papa? " usisa ko naman. Parang biro kasi ang dating sa akin eh.
" Ano bang sinabi niya sayo? " usisa naman ni papa sa akin.
" Nagtanong po ako sa kaniya kung bakit wala pa siyang nobya? Tugon niya po ay hinihintay daw niya ako. " balita ko kay papa.
" Ano? Sinabi niya iyon? " usisang gulat ni papa.
" Oo papa! "
" Isa lang ang ibig sabihin ng sinabi niya. Iyon ay ang gusto ka niyang pakasalan. " wika ni papa na ikinakaba ko bigla.
" Papa, sorry po at hindi ko alam na iyon pala ang gusto niyang iparating. " paumanhin ko kay papa na ikinayuko ko.

Ayaw kong magalit si papa sa akin. Masyado pa akong bata para sa relasyon.
" Halika at kakausapin natin iyang boss mo. Tingnan lang natin kung hindi siya aamin sa harapan naming lahat. " sabi ni papa.
" Pa, natatakot ako! " sambit ko.
" Don't be afraid! Sasalangin lang namin ang boss mo. " tugon ni papa at pumunta kami sa sala.

Ayan, tamang tama at andoon si boss at may hawak siyang laptop. Kasama nila sina lola at lolo. " Pa, may sasalangin tayo. " sabi agad ni papa na ikinalapit nina Lolo Fierce.
" Sino ba? " usisa naman nila ng ganun. Nag upuan sina lola sa tabi namin.
" Mr. Leandro de los Santos IV. Magtatanong kami sayo at oo or hindi lang ang isasagot mo." prangka ni papa sa kaniya.
" Ano iyon sir Carllex? " usisa ni boss. Hala, mukhang malalagay siya sa alanganin ngayon.
" May gusto ka ba sa anak ko? " usisa ni papa ng ganun.
" Oo, " tugon ni boss na ikinatitig ng lahat sa akin. Ay, kasalanan ko ba iyon?
" Alam mo naman siguro na bata ang anak ko. " usisa pa ni papa.
" Alam ko iyon, sir Carllex. " tugon ni boss.
" Teka, gusto mo ba ang apo ko simula noong nakilala mo siya? " usisa ni lolo Fierce sa kaniya. Ay, patay na talaga! Lagot na!
" Oo, sir Fierce! " hala, nahihibang na siya.
" Sa tingin mo ba ay gusto kita para sa anak ko? " usisa ni mama ng ganun sa kaniya. Napaka kaba nalang ako dahil mukhang galit ata si mama.
" Sa tingin ko ay hindi, ma'am Jen. " tugon ni boss kay mama.
" Well, bata pa si Princess kaya hindi pa siya pwedeng ligawan. " tugon ni mama ng ganun.
" Leandro, andito ka para gampanan ang tungkulin mo. Makakasuhan ka talaga dahil sa 16 palang si Princess. She's not allowed to have a relationship. " paliwanag pa ni lola Jena.
" Alam ko ho iyon kaya napaghandaan ko na. Hindi naman siguro mali ang magmahal ng palihim hindi ho ba? " katwiran ni boss.

Napatawa na lamang sina papa at sabay na nag aperan. Hala, pinagkaisahan na naman nila si boss. " Iyon oh, dito ka lang pala mapapaamin. " kantiyawan nina papa.
" Ay, kinabahan kaya ako at dumugo na naman ang sugat ko. " sambit ko ng ganun na ikinatahimik nila.
" What do you mean, anak? " usisang lapit ni papa sa akin.
" Kayo kasi pinakaba niyo ako. " tugon ko ng ganun sabay tingin ni papa sa sugat ko.
" Damned, Doc. Leandro anong gagawin ko dito? " pagpapanic ni papa na hindi rin mapakali ang lahat.
" Ihiga niyo ho siya at kukunin ko ang gamot. " tugon ni boss.
" Papa, dumugo lang naman eh. Nabigla lang naman ako kanina sa pagsalang niyo kay boss. Hindi naman masakit at parang kagat lang ng langgam. " sabi ko kay papa ng ganun.
" Kagat pala ng langgam. Ikaw talaga dinadaan mo sa biro ang lahat. " wika ni papa sa akin.
" Papa, matapang anak niyo kaya kayang - kaya ko ito! " sabi ko naman.

Ang lakas - lakas ko kaya at walang tatalo sa akin. Si Princess ata ito!
" Señorita, iwasan niyo muna ang masyadong pag alala at nakaka apekto ito sa sugat niyo. Kapag lagi iyang dumudugo ay malaki ang tiyansang matagal pa siya hihilum. Ang maipapayo ko ay magrest kayo ng magrest para mapadali ang paggaling ng sugat niyo. Uminom ng maraming tubig at on time ang pag inum ng gamot. Iwasan niyo muna ang paggagalaw. " payo ni dok boss sa akin.
" Ok sige, salamar doc! " tugon ko.

Paakyat na ako sa hagdan ng bigla akong tawagin nina kuya.
" Princess, sasamahan ka namin. " sabay nilang sambit. Aba, hindi ata magka away ang dalawa kong kuya at sasamahan daw nila ako.
" Wala ba kayong gagawin? Baka pag awayan niyo naman ako. " sabi ko ng ganun.
" Hindi kaya saka may kasunduan kami ni Llex. " tugon ni kuya Carll. Hala, gumawa na talaga sila ng kasunduan eh.
" Sige, basta wag niyo akong disturbuhin at magpapahinga ako. " payag ko.
" Oo nga pala, sabi ni papa ay sasamahan ka namin sa pagpapagaling mo. Abala din kasi ang doktor mo kaya sa halip na siya ay kami nalang. " balita nina kuya.
" Talaga ba? "akma kong lukso sa tuwa na ikinahinto ko. Ay, bawal pala akong maggagalaw masyado.
" Oo, kaya may time na kami na bumawi sayo. " sabi pa ni kuya Carll at hinawakan ang kanang kamay ko.
" Aalagaan ka namin, Princess. " hawak naman ni kuya Llex ng kaliwa kong kamay.

Para akong naging prinsesa sa puso ng dalawa kong kuya sa sandaling iyon. They are holding my hands habang inaalalayan ako paakyat sa hagdan.

Habang sa labas ng mansiyon ay naroon si sir Carllex at masinsinang kinakausap ang binatang nagmamahal sa anak niya.
" Leandro, seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kanina? Bata pa ang anak ko at masyado pang maaga para mahalin mo siya. " usisa sa kaniya nito.
" Sir Carllex, seryoso ho ako sa sinabi ko. Si Princess lang ho ang babaeng gusto ko kaya nauunawaan ko kayo bilang ama. " tugon ng binata.
" Handa ka bang gawin lahat para sa kaligtasan niya? Gaano mo ba siya kamahal? Hanggang saan ang kaya mo? " paulan niyang tanong sa binata.
" Hindi ko ho alam sir Carllex. Ang alam ko lang ay mahal ko siya at handa akong ibuwis ang sarili kong buhay para sa kaniya. " tugon niya.
" Ito lang ang masasabi ko kung mahal mo talaga ang anak ko ay ipakita mo ito sa gawi at hindi sa salita. Bata pa si Princess kaya ituri mo siyang prinsesa tulad ng sinumpaan ninyo sa Spanya. Hahayaan ko ang panahon na magdesesyon kung para talaga kayo sa isa't - isa. " tapik nito sa balikat ng binta.

Leandro IV Pov's
Tama si sir Carllex at ipapaubaya ko nalang sa tadhana. Hayst, basta nasabi ko ang nilalaman ng puso ko. Kaya malaya na akong makakagalaw.
" Sir Carllex, uwi muna ako at tawagan niyo nalang ho ako pag may nagka problema. " paalam ko naman.
" Oh sige, malapit lang naman ang bayan mo. " tugon niya.
" Pakisabi ho kay Princess na magpagaling siya. " pahabol kong sabi kay sir Carllex.

Pumasok na ako ng sasakyan at uuwi ako ngayon ng bahay. Alam kong mis na ako ni mom doon at ang sermun niya sa akin. Dinampot ko iyong phone ko at may tinawagan. " Hi mom, pauwi na ako. Lutuan niyo naman ako ng paborito. " sabi ko sa kabilang linya at nagmaneho na.

After 20 minutes ay nakarating na ako sa border ng bayan ko. Welcome to San de los santos! Ang bayan kong mahal.

Ayan, tinatabas na iyong mga talahib at balak kong ayusin itong pinama sa akin ni dad. Malawak siya at maraming ligaw na mya bulaklak kung saan ay may nabuburol na mga bangkay. Pinaaayos ko na ang mga libing ng mga iyan. Ayoko namang nakatiwangwang itong malawak na lupain. Dad, kung andito ka sana ay matutuwa ka sa akin.

Nalinis na ang angkan namin at hinahanap na ang may sala. Hay, excited na akong makasama si Princess at maalagaan sa sarili kong bahay. Pangarap ko talaga iyon at sana matupad. Handa na ang lahat at naghihintay ako sa pag sang ayon ng panahon sa aming dalawa. I can't wait to imagine na buhat - buhat ko siya palagi at palaging pauupuin sa kandungan ko. Habang nagbabasa kaming dalawa ng paborito naming libro.


**///***
Thank u po.☺😘

ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETEDWhere stories live. Discover now