PROLOGUE

5.2K 32 8
                                    

A/N:
5 chapters na lang po ang nandito. Sundan n'yo na lang ako sa Dr e ame. Andun na po lahat ng stories ko.

-CJ1016

****

"Wow, anak! Bagay na bagay sa iyo yang gown na yan!" excited na komento ni Mommy.

"Ito nga din ang type ko, Mommy." sabi ko, at saka umikot-ikot pa ako sa harap ng full-size mirror dito sa shop na kakilala ni Ninang Hannah.

"True, inaanak! May konting pagka-daring pero carry mo naman. May dalaga ka na talaga, Clover! Look at Cassandra! Ilang taon pa, mag-aasawa na yan." sabi naman ni Ninang Hannah.

"Yun eh kung makakalusot ang manliligaw niya sa Daddy niya. Eh daig pa si Jaworski kung magbantay kay Cassandra." sagot dito ni Mommy.

Napasimangot ako sa narinig ko. Humarap ako kina Mommy at Ninang Hannah.

"Mommy, hindi ba talaga pwede mag-invite ng ibang boys sa debut ko? Di ba sabi ko nga sa iyo I want to invite Sean. Yung crush ko sa school?"

"Kung ako lang ang masusunod, okay lang sa akin." sagot ni Mommy.

"Pero, Mommy! Lagi namang ikaw ang nasusunod sa inyo ni Daddy, di ba?" nakanguso kong sagot.

"Cassandra, alam mo namang kapag tungkol sa iyo, ipinapaubaya ko na ang decisions sa Daddy mo. Agreement namin iyun nung magpakasal kami uli. Alam mo namang malaki ang kasalanan ko dun nung itago kita sa kanya." paliwanag ni Mommy.

Hindi kasi maganda ang umpisa ng love story nila Mommy at Daddy. Biktima sila ng arranged marriage pero beside that, totoo naman silang may pagtingin sa isa't isa. Iyun nga lang, since napangunahan ng arranged marriage, hindi ganun katibay ang pundasyon ng love nila. Mabuway. Kulang sa trust. Maraming issues.

Lalo pa at si Daddy ay isang certified playboy. Kaya hindi maalis ni Mommy na magduda sa sincerity ni Daddy sa kanya. Ito namang si Daddy may trust issue din kay Mommy, lalo na nung umalis si Mommy at pumunta ng ibang bansa. Ang matindi pa, hindi niya alam na buntis na si Mommy noon. Nagulat na lang siya nang bumalik si Mommy sa Pilipinas na may kasamang bata, ako nga yun.

Pero mas nagulat siya nang may sumunod sa amin ni Mommy dito sa Pilipinas at tinatawag kong Daddy.

Ang tagal din bago naka-move on si Daddy kay Ninong Harvey, kahit pa nagpakasal uli sa kanya si Mommy. Pero mula naman noon ay okay na uli sila. O sadyang macho-nurin lang talaga si Daddy kay Mommy kaya going strong pa din sila hanggang ngayon.

Minsan nga, para pa rin silang mga teenagers na nagliligawan. I hope someday, makatagpo din ako ng katulad ni Daddy. Iyong lalaking mamahalin ako ng buong-buo. Iyong hindi siya magsasawang mahalin ako. Kahit pa tumaba ako. O tumanda ako.

Pero paano naman ako makakahanap ng ganung lalaki? Eh bantay sarado sa akin si Daddy! Sa edad ko ngang ito hindi ko pa naranasang may umakyat ng ligaw sa bahay namin. Paano, sa gate pa lang ng subdivision nahaharang na sila ni Daddy kaya hindi na nakakapasok.

"Princess, ayoko niyang suot mo!"

Napalingon kaming tatlo nila Mommy at Ninang Hannah sa gawi ng pintuan ng fitting room.

"Palitan mo yan. Masyadong malaswa iyang suot mo. Humanap ka na lang ng ibang style." dagdag pa nito.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Mommy,

"Sige na, anak. Humanap ka na lang ng ibang stye. Hindi din naman tayo mananalo sa Daddy mo," sabi sa akin ni Mommy.

Malungkot na nagtungo ako sa hanay ng mga gowns na naroroon at saka tumingin-tingin. Minsan tuloy, hindi ko maalis na mainggit sa mga kapatid ko. Sila Josh at Jett. Malaya nilang nagagawa ang gusto nila.

MADRIGAL SERIES: One Night Stand  (MS#2)Where stories live. Discover now