ONS Chapter 3 - Retirement

35.3K 787 4
                                    

Dedicated to user66701094

.

.
"Good morning, Miss Xandra!"bati sa kin ng guard ng Syjuco Shipping.

Nginitian ko lang to. Nagmamadali na kong naglakad papasok. Muntik na naman ako ma-late. Sinusumpong na naman kasi kanina si Xander at ako lang ang gustong maghatid sa kanya sa school.

Agad kong binuksan ang kuwarto ng boss ko. Pagkatapos ay isinunod ko ang pag-on ng aircon. Nagsalang na din ako ng kape sa coffee maker. Pagkatapos ay binanlawan ko ang gagamitin kong tasa at kutsarita.

"Good morning, Xandra!"

Napalingon ako sa bagong dating.

"Good morning, boss."bahagya pa akong yumukod at saka ko kinuha ang insulated bag na may lamang pananghalian nito.

Pinagbabaon kasi ito ng asawa niya para siguradong healthy ang kakainin nito.

"Mukhang tinanghali ka ng pasok ah. Naglambing na naman ba ang anak mo?"nakangiti nitong sabi.

"Opo, boss. Ayaw pumasok sa school nang hindi ako ang maghahatid."nahihiya kong sabi.

"Ganyan talaga pag lalaki, malambing sa nanay..."mahina pa itong natawa.

Inilapag ko na sa mesa nito ang kapeng tinimpla ko at saka lumabas na sa kuwarto ni Alexander Syjuco, ang presidente ng Syjuco Shipping.

Halos dalawang taon na din ako sa opisinang to.

Idinilat ko ang mata ko. Nagulat ako nang marealize kong nasa kuwarto ako ng isang hospital. Ang mas nakakagulat ay sa isang private room na kuwarto ako nakahiga.

Pilit kong inalala kung ano ang nangyari nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.

"Mabuti at gising ka na!"malapad ang ngiting bungad ni Mr. Syjuco habang nasa likuran niya ang asawa niya.

Bigla kong naalala kung anong nangyari. Wala sa loob kong napahawak ako sa tiyan ko sabay tingin dito. Napanatag naman ang loob ko nang makita ko ang umbok ko pa ring tiyan.

"Okay naman kayo ng baby mo. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom sa kondisyon mong yan."sabi ni Mr. Syjuco.

"Pasensiya na po sa abala. Gusto ko lang po talagang iabot ng personal sa inyo yung dokumento. Alam ko pong kung gaano kaimportante yun sa inyo at baka po hindi makarating sa inyo kung iiwanan ko lang kung kanino."nahihiya kong sabi.

Si Mrs. Syjuco ay nakayuko lang at ayaw akong tingnan.

"Yeah. Nung Saturday pa ko hindi mapakali. Buong akala ko ay nawala na yung kontrata ko with Japan Shipping. Kaya medyo ilang araw nang mainit ang ulo ko. Anyway, maraming salamat."

"Naku. Wala po iyon. Nagkataon lang din po na day off ko ngayon kaya sinadya ko na po sa opisina nio."

At saka ako nag umpisang kumilos para bumaba sa kama.

"Oh! Teka. Saan ka pupunta?"tanong nito sa akin.

"Uuwi na po ako. Wala po akong ibabayad sa kuwartong to."

Pinigilan ako nito.

"Hey! Magpahinga ka lang muna. The bill is on me. Makabayad man lang ako sa kabutihang ginawa mo para sa akin at sa kumpanya ko."

"Ginawa ko lang po ang tama."kiming ngiti ko.

"And...my wife wants to say sorry to you, iha..."saka ito tumingin sa asawa niya na naiwan sa kinatatayuan nito kanina.

MADRIGAL SERIES: One Night Stand  (MS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon