Chapter 42

380 16 8
                                    

Dahil sa biglaang break up nina Hanamichi at Kumi ibinuhos ni Hanamichi lahat ng atensyon nya sa basketball. Lalo syang gumaling dito, at the same time lalong dumami ang mga fans nya. Napadalas din ang video call nila ni Ivy, kahit nasaktan sya ng sobra dahil sa pakikipagbreak ni Kumi, sumasaya naman sya sa tuwing kausap nya si Ivy, pero bumabalik din yung sakit sa tuwing nakikita nya si Kumi na kasama si Rukawa. Kahit nasasaktan si Hanamichi pinipili nyang maging mahinahon at kalmado para makapag isip sya ng tama.


"Oi gong gong, gusto kong ligawan si Kumi." Sabi ni Rukawa kay Hanamichi

Nabalot ng katahimikan ang court, dahil lahat ay nagulat sa sinabing iyon ni Rukawa, hinihintay nila ang magiging sagot ni Hanamichi.

Tiningnan ni Hanamichi si Kumi sa mata at saka sumagot "Go ahead, I don't care" deretsong sagot ni Hanamichi

Kitang kita ni Hanamichi ang pagtulo ng luha ni Kumi dahil sa sinabi nya. Nilapitan nya si Kumi at sinabi dito "Ano yan Kumi tears of joy?" sabay tapik sa balikat ni Kumi


"Ano bayan nawawala na ang respetohan ng makakateam dahil sa babae." Inis na sabi ni Mitsui

"Ang bilis naman maka move on, magpapaligaw na agad harap harapan pa." sabi naman ni Miyagi

"Ano ba yan boys? Tama na yan, laro na!" sigaw ni Hanamichi


After ng practice niyaya ni Mitsui si Hanamichi sa isang party.

"Hanamichi tara sumama ka saken sa party ngayong gabi, tyak hindi mo pagsisisihan." Pag aaya ni Mitsui

"Party?" paglilinaw ni Hanamichi

"Oo tol, masaya dun." Sagot ni Mitsui

"Baka kasi di ako payagan, ay wala na nga pala akong girlfriend."sabi ni Hanamichi

"Ano tara?" yaya ni Mitsui

"Sige sama ako." Sagot ni Hanamichi


Sa Party

"Hanamichi hindi mo kailangang uminom just enjoy the place, the food at mga babae." Bulong ni Mitsui

"Sige hindi naman talaga ako nainom." Sabi ni Hanamichi

"Wag kang KJ mamaya ha." Bilin ni Mitsui

At nakarating nga sila sa party. Ang daming tao, halos puro high school ng ibat ibang school sa Kanagawa. Dahil matatangkad madaling nakita ng mga babae sina Mitsui at Hanamichi.

"Hi Mitsui" bati ni Ynah

"Wow Mitsui tinotoo mo ang promiss mo samen na dadalhin mo dito ang bet na bet naming si Hanamichi Sakuragi. Grabe ang hot nya girls." Sabi naman ni Icy at nagsigawa naman ang mga babae na nakapaligid sa kanila

At nagsilapitan nga ang mga babae sa dalawa. Laging tinitingnan ni Mitsui si Hanamichi kung nag eenjoy ba ito.

"Tol ano? Kumusta ka naman?" tanong ni Mitsui kay Hanamichi

"Ito ba ng dahilan kaya wala kang girlfriend?"tanong ni Hanamichi

"Oo at hindi ko kailangan ng girlfriend. Gabi gabi may party dito at hindi nauubos ang mga fan girls na gusto akong makasama. Napapasaya nila ako pero di nila ako kayang saktan." Sabi ni Mitsui

"Ganon bay un Mitsui?" tanong ni Hanamichi

"Tol nag enjoy ka ba?" tanong ni Mitsui

Tumango naman si Hanamichi

"Yan lang naman ang mahalaga ang maging masaya tayo. Pero sympre bukas back to normal tayo." Sagot ni Mitsui


Mito' Residence

E-mail from Hanamichi Sakuragi

Hi Ivy, how are you. Alam mo si Kumi liligawan na sya ni Rukawa. Masakit sa puso ko, sobra akong nasasaktan pero kung dun sya masaya okey na saken yun. Kung pede lang sana kitang pauwiin dito or ako ang pumunta jan. lahat ng sakit na ito mawawala. I miss you so mush.. Kissess

E-mail from Ivy Kagero

Hi Hanamichi, nakakasad naman ang nangyare sa inyo ni Kumi. But always think positive, everything happened for a reason. Lets wait for 3 more years I will be with you na. I miss you too. Kissess


Kinabukasan sa Gym ng Shohoku

Laking gulat nina Hanamichi at Mitsui na nagpuntahan sa gym yung mga babae sa party last night para magcheer sa kanila.

"Oi Mitsui bakit sila nandito?" tanong ni Hanamichi

"Ano pa edi para magcheer" sagot ni Mitsui

"Alam mo namang ayoko ng mga ganon." Sabi ni Hanamichi

"Ayaw mo kasi ayaw ni Kumi, ikaw ba Hanamichi alam mo ba kung ano ang gusto mo. Sa nakikita ko sayo ang alam mo lang ay ang ayaw at gusto ni Kumi. Tol wake up! Ipinagpalit ka na nya at harap harapan pa." nagagalit na sabi ni Miyagi

"Tama si Miyagi, sa mga yan hindi mahalaga kung susundin mo sila, masaya na nga sila pagpinansin mo sila. Kaya wag mong parusahan ang sarili mo Hanamichi." Sabi ni Mitsui

Napa isip si Hanamichi, tama ang mga kaibigan nya. Na sa dalawang taong dumaan lahat ng bagay na ginagawa nya ay dapat gusto ni Kumi. Sinunod nya sina Mitsui at Miyagi kaya kahit papano nabawasan yung sakit at sumaya sya.

Dumating naman sina Kumi at Rukawa. Napansin nilang ang dameng babae sa gym at nagchi-cheer ang mga ito para kina Mitsui at Hanamichi. Gusto umiyak ni Kumi sa tuwing may nakikita syang babaeng yumayakap sa ex-boyfriend nya.

"Dati ako lang nakakayakap sa kanya, nilapit hindi sila makalapit sa kanya. Pero ngayon ako na ang hindi makalapit kahit gusting gusto ko." Sabi ni Kumis a sarili Habang umiiyak

"Oi iyakin, Ok ka lang ba?"tanong ni Rukawa

"Hindi, hindi ako ok pero kailangan kong ituloy to." Sagot ni Kumi

Hanamichi Sakuragi's 51st HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon