Chapter 22

83 3 0
                                    

"Hello?"


7:00 PM na ng gabi nung tumawag sa akin si Azumane.


"Tara daw dito kila Shimizu. Susunduin ka nila Tanaka jan gabi na. May pa barbecue party. Tayong mga second at third year lang kasi bawal pa ang mga bagets."


"Omg you mean may ano?!!! Sige gayak na ako papuntahin mo na sila Tanaka." Gumayak na ako. Nagsuot ako ng pants at sweater saka ako nagsapatos at nagsuot ng coat dahil malamig sa labas ngayong gabi. Sinundo naman ako nila Tanaka at Chikara saka kami naglakad papunta kila Shimizu. Malapit lapit lang naman ang bahay nila dahil isang sakay lang ng bus at kaunting lakad.


Nadatnan ko naman sila Daichi, Azumane, Suga, Shimizu, Narita, Kinoshita, Nishinoya na nakaupo sa sala nila Shimizu. Bumati naman ako sa parents niya bago makiupo sa kanila.

"Anak ng pating Nishinoya, chill party lang daw bakit ka naglalasing!" Hawak hawak kasi nito ang isang boteng alak.

"Ganito ako, kinakabahan kasi ako sa nationals kailangan ko ng pampakalma." Sagot nito. Hinyaan ko naman siya saka sila pinagihaw na ng karne.

"Umiinom pala kayo. Hoy ikaw Suga akala ko hindi ka umiinom pati si Daichi." I felt so betrayed!

"Luh? Mukha ba akong santo." Asik ni Suga. Inabutan naman ako ng shot glass ni Shimizu at saka sinalinan ng alak. Ininom ko naman kaagad 'yun saka kumain ng BBQ.


'wow super marinated'


Sinalinan naman kaming lahat ni Daichi saka kami nagsipagtaas ng baso para ipagdikit dikit. Pinicturan muna namin ni Suga dahil pareho kaming mahilig magpost bago inumin ng sabay sabay. Mataas naman ang tolerance ko sa alcohol pero nagdahan dahan lang ako sa pag-inom dahil dalawa lang kami ni Shimizu na babae. Hayaan ng mga boys ang malasing basta may magliligpit ng kalat dahil dito sila sa sala matutulog.


"Oh Kumusta kayo ni Oikawa?"


Anak ng! kaya nga ako pumunta dito para hindi ko na maisip e. Nagsalin ako ng alak sa baso saka ito tinungga bago sumagot.

"I guess okay naman kami"

"Liar. Alam mo kapag hindi mo nilabas 'yan maiipon 'yang sama ng loob mo sa dibdib mo." Sambit ni Tanaka.

"Ewan, okay naman kasi kami kahapon saka kaninang bago magstart 'yung match tapos biglang hindi na kami okay. Wala naman akong ginagawang masama. Hindi niya naman sinasabi kung anong problema. Nangangapa ako sa wala." Malungkot kong sabi.

"Oh tagayan nyo Tagayan nyo!" Malokong sabi ni Nishinoya. Tinagayan nga nila ako saka kami sabay sabay ulit na nagsiinom.

"Ako ha sa part naming lalaki nakakahiya magreklamo sa babae" Wow Azumane. "Nakakahiya magdemand kaya tahimik nalang."


Demand? Magreklamo? Bakit? Wala naman akong natatandaang may pinagtalunan kami. Hindi ko mapinpoint kung ano ang ikinasasama ba ng loob o ikinapangit ng mood niya. Wala akong alam.

"Nandun na tayo sa wala kang alam pero sinubukan mo naba siyang tanungin kung anong problema?"

Duon ako napatahimik. Mula kanina hindi ko man naitanong kung bakit? Basta lang kami hindi nagpansinan. Hinayaan ko naman. Hanggang sa makauwi ako at makaalis siya hinayaan ko lang siya.

One Special MeetingWhere stories live. Discover now