Chapter Fourteen

2 1 0
                                    

Her P.o.v.

Gabi na ng maiuwi ako ni Yna galing sa kanila. Kasi daw parati nya akong naikkwento sa nanay nya kaya gusto raw akong makita.

Hanggang doon nga sakanila eh pilit akong pinagsasalita ni Mitch. Panay pang sabi na ang kyut daw ng boses ko, gusto nya pa daw marinig. Palibhasa boses nya raw eh pang kargador ayon Kay Yna.

"Iwan na kita dito Yoona ahh. Babalik ako bukas , uhm siguro tanghali na kasi diba may trabaho ako hehe. Bye" sabi ni Yna ng maihatid nya ako sa pintuan ng mansion ng mga La fuerte. Humalik muna sya sa pisngi ko bago sya umalis.

"Tss, tomboy." Dinig kong bulong ng isang lalaki sa likuran ko.
Nilingon ko ito. Ahh si kuyang kwago.
Tinaasan ko lang ito ng kilay habang sya ay nakatanaw sa papalayong si Yna.

"Hinahanap ka na ni Mommy. Dinner na." Sabi nya ,bago hilahin ako sa kamay.

Nakarating kami sa kusina na hawak nya pa rin ang kamay ko. Bago nya iyon bitawan ay marahan nya pa itong pinisil.
Naiinis na ko sa lalaking to.
Kanina pa syang ganyan.

"Oh hi Yoona. Let's eat?" Bungad sakin ni misis Ida na kasalukuyang naka upo sa kanang bahagi ng lamesa katabi si mister la fuerte na syang nasa dulo ng lamesa.

Naupo naman ako sa tapat nya,kasunod si kuyang kwago ay naupo naman ito sa tabi ni misis la fuerte.
Kaya kitang kita ko magmula sa puwesto ko ang pagtitig nito sakin.

Ano bang gusto nito?
Sumalok na ako ng pagkain na nasa harap at nagsimulang kumain.
Uhmm masarap, di tulad ng dating  luto . Naiba yata.

"Does it taste good?" Napatingin ako kay Zion na ngayon ay nakatingin din sakin.

Ngumiti lang ako bago tumango dito.

"Si Zion ang nagluto nyan , He's a great chef ." sabi ni misis La fuerte na may pag Tapik pa sa balikat ni Zion.

"Yeah, anyway Zion. How's your enrollment?" Tanong ni Mister La fuerte.

"Okay naman Dad. Actually mag ka block kami ni Adeline. " sagot ni Zion.

"Great, may magbabantay sayo." Bungisngis ni Misis la fuerte.

"Mom, di na ako bata. " naka ngusong sagot ni Zion. " and anyway, mag wo-work sana ko sa resto while studying , is it fine with you mom? Dad?"

Tumango lang sila misis at Mister La fuerte habang ngumunguya .
Palipat lipat lang ang tingin ko sakanila ,kasi naman ... Ano namang malay ko sa pinag uusapan nila. -_-

Napadako ang tingin ko kay Zion na marahang ngumunguya, parang yung mga napapanood ko dun sa maliit na kwadradong may nagalaw na imahe. at t.v. pala ang tawag dun. Narinig ko kasing minsan pinagalitan ni Manang si Jesly na abala sa kapapanood nung Yokai.

*Huk*
o_o
Nahirinan ako ng mahuli nya akong nakatingin sa kanya. Agh nakakahiya.
Kumindat muna ito sakin bago ibinalik ang atensyon sa pagkain.

"Im done. Una na ako sa taas mom ,dad.. Yoona." Paalam ni zion ng makatayo ito habang nag pupunas ng labi.

Bakit ba hindi ko maialis ang paningin ko sa lalaking to?

"Sama ka sakin sa resort bukas,Yoona?"
Napalingon ako kay misis la fuerte ng magsalita ito. Ngayon ko lang napansing nakatitig pa rin pala ako sa pinag upuan ni Zion. Ano ba nangyayari sakin? Pati pagkain ko eh halos hindi ko pa nagagalaw.

Tumango naman ako kay misis la fuerte kahit na di ko masyado naintindihan ang sinabi nya.

Pamaya maya pa ay sabay sabay na kaming lumabas ng kusina at nagtungo sa sala para doon magpababa ng kinain.
Wala doon si Zion.
Nakakapanghinayang.

Her Tale [ON-GOING]Where stories live. Discover now