Shot 2

2.8K 83 32
                                    

A Short story.


Shot 2: Lovely Pain

Niyaya ni Kate na maglaro ang mga kaibigan dahil nakakaramdam na siya ng boredom sa paghihintay na tumila ang ulan.

"Guys, laro tayo!" sigaw niya sa mga kasama niya dahilan upang matuon ang mga atensyon nito sa kanya.

"Sige ba! Anong lalaruin?" excited na tanong naman ni Yazie.

"Truth or Dare!" suggestion naman ni Mia.

Nagsi-upo naman sila sa lapag ngunit may isa sa mga kasama nila ang ayaw sumali. Si Jom, ang KJ sa magbabarkada. Medyo may pagka-cold at serious kase siya kung titingnan.

"Yazie, lapitan mo na nga 'yon! Ang daming arte eh!" angal naman ni Eliza.

Nilapitan naman ni Yazie si Jom upang yayaing maglaro.

"Huy, tama na 'yan. Ipagpabukas mo na lang muna 'yan. Masyado ka ng masipag eh." sabi naman ni Yazie kay Jom nang makalapit ito sa kaniya.

"Ayoko, marami pa akong gagawin." sabi naman ni Jom kay Yazie at itinutok muli sa laptop ang atensyon.

"Bilis naaa....pleasee." pagpapacute naman ni Yazie sa kanya kaya naman hindi na nakatanggi si Jom. Mayroon kase siyang pagtingin kay Yazie.

Sabay na pumwesto ang dalawa kung saan sila maglalaro ng Truth or Dare. Nagsi-upo naman na sila at inaasahan ni Jom na makakatabi niya si Yazie ngunit sa kamalas-malasan ay hindi nangyari ang inaasahan niya.

"Simulan na natin!" sigaw ni Kate at sinimulang paikutin ang bote.

Tumigil naman ang bote kay Yazie....

"Kay Yazie! HAHAHA." sigaw ni Niko habang tatawa-tawang nakaturo sa nakasimangot na Yazie.

"Ako ang magtatanong!" prisinta ni Mia at nagtaas pa ng kamay. "Truth or Dare?" tanong niya naman kay Yazie.

"Truth." lakas loob na sagot niya naman.

"Anu-ano ang mga ideal type mo sa isang lalaki?" tanong ulit ni Mia at naalarma naman si Jom sa tanong nito.

"Ahm...siguro...yung matalino, para matulungan niya ako sa studies ko. Matured, na kayang sakyan yung mga trip ko. Masipag, dahil ayoko ng tamad." sunod-sunod na sagot naman ni Yazie kay Mia.

"Arte!" angal ni Niko.

"Tumahimik ka!" inis na sigaw sa kanya ni Yazie.

Mapang-asar kase!

"Wooahh! Mukang si Jom ata yung pinaparinggan mo ah!" mapanuksong sigaw naman ni Kate.

Namula naman si Yazie dahil sa sinabi ni Kate. Hindi niya naman kase maitatanggi na si Jom talaga ang pinaparinggan niya dahil may gusto rin siya rito ngunit hindi nga lang nila ito pinapaalam sa isa't isa.

-----

Lumipas ang mga araw, na-ikwento ni Yazie sa mga kaibigan niya na si Jom talaga ang tinutukoy niya noong naglaro sila ng Truth or Dare.

Nang malaman iyon ng mga kaibigan nila, pinupush nila ang dalawa na maging sila. Minsan pa nga ay tinutukso silang dalawa at sinasabing bagay daw sila.

Supportive na mga kaibigan!

Dumating ang araw na nagtapat ng totoong nararamdaman ang dalawa sa isa't isa. Niligawan ni Jom si Yazie at sinagot naman siya nito.

MY ONE SHIT✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon