Chapter 14

35 7 0
                                    


KIARA's POV

Ang hapdi ng mata ko at ang sakit ng likod ko di ko namalayan nakatulog pala ako dito sa may pinto. Ang sakit tuloy ng katawan ko tumayo ako ng dahan-dahan urgh ang sakit para na akong senior citizen nito kahit mabagal ang kilos ko pinilit ko paring pumunta sa banyo di pa pala ako naka bihis, kahit maaga pa naligo nalang ako pagkatapos bumaba na ako at pumunta sa hapag kainan tumingin ako kay nanang pareho kaming namumugto ang mga mata.

"Ang aga mo yata kumain ka na," tumango lang ako kay nanang sumubo na ako ng pagkain. "Mamaya tuturuan kitang mag luto kung babalik man ako dito ikaw naman ang magluluto ng kakainin ko." napatigil ako sa pag subo ng pagkain kailangan po bang ulit-ulitin na aalis ka? Oo alam ko aalis ka at wala akong magagawa.

"Nanang 'wag mo nang ulitin Oo alam kong aalis ka sana wag mo namang ipa mukha sa akin na gusto kong iwan mo ko."

"Sinasabi ko lang ito para ma tanggap mo na aalis na ako."

"Taggap ko na nanang kailangan eh kung hindi ko tatanggapin wala pa ring mag babago aalis ka parin." naluluhang sabi ko bakit ngayon naging emotional na ako? "Nanang kung sasabihin kong wag kayong aalis pabigyan mo ba ako?" hindi siya sumagot nakatitig lang siya sa akin. "Oh diba hindi tanggap ko man o hindi iiwan mo parin ako."

"Mahirap din 'to sa akin hija."

"Oo alam ko nanang pero masakit sa akin kasi ako yung iiwan mo."

"Hindi lahat na nang iiwan hindi nasasaktan hija mas doble yung sakit nila dahil kahit alam nilang puwede silang manatili pero mapipilitan silang umalis kasi kailangan," nag baba ako ng tingin mas nasasaktan pa pala siya kaysa sa akin. "Sana maintindihan mo 'ko."

Tumango ako sa kaniya. "Sabihan mo lang ako nanang kung kailan ka aalis para maihatid kita." yan nalang yung magagawa ko sa'yo nanang.

"'Wag na baka hindi pa ako maka alis."

"Mas okay nga ho yan."

"Basta lage mong tandaan na aalis ako hindi dahil gusto ko dahil kailangan." tumulo na yung luhang kanina ko pang pinipigilang umagos.

Tumayo ako at pinunasan yung luha ko. "Una ho ako." nagmamadali akong pumasok sa kotse ko at du'n ko nilabas yung nararamdaman ko. Ang kailangan ko lang gawin ay yung tanggapin kahit labag man sa loob ko hindi ko nalang ipipilit ang gusto ko. Alam ko sa sarili ko na talo na ako hindi ako madaling susuko pero ngayon kailangan kong sumuko para na rin sa pamilyang umaasa kay nanang. Bakit parang lahat ng tao sa paligid ko umaalis?

Pagkadating ko sa V.U. pinunasan ko muna yung mukha ko bago lumabas at suot na rin ako ng headset para malimutan ko sandali yung nararamdaman ko ngayon pero kahit anong lakas ko pa sa volume wala paring nag babago. Fresh parin sa memory ko yung nangyari yung sakit sa puso ko nandito parin bigla nalang may nag text sa akin.

-Kain ka ulit sa cafeteria n'yo. 'Wag mong kalimutang kumain baka masanay kang hindi ka kakain at sanayin mo narin ang sarili mo na wala ako lage sa tabi mo.

Paano ko sasanayin yung sarili ko kung ikaw naman ang hinahanap kong mag aruga sa akin? Napasandal ako sa kotse ko, naghihina yung tuhod ko. Oo siguro ngang sanayin ko na ang sarili ko na wala ka pero paano? Sa'n ako magsisimula? Makakaya ko kaya? Pa'nong di ko kaya? At kaya ko bang sanayin ang sarili ko? No I can't, di ko masasabing makakaya ko kung wala ka. Paano ba ako mag sisimula?

"Kia okay ka lang?" mabilis kong pinahid yung mga luha ko.

"Oo okay lang ako." ningitian ko si Thally nandito rin silang lahat nakita kaya nila akong umiyak?

LOVE IN WARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon