Chapter Three

35 3 0
                                        

Habang hinihintay ang kapatid na nasa operating room ay nagload sya at nagbrowse sa internet tungkol kay EJ Trinidad.  Halos isang linggo pa lang syang hindi nakapag load ay marami na palang ganap dito.  Maraming espekulasyon ang lumabas nang hindi ito siputin ng bride.  At ngayong nawawala ito, lalong naging hindi kapani paniwala ang mga naglalabasang espekulasyon.  Kesyo pinatay daw ni EJ Trinidad si Crystal at ngayon ay nagtatago na.  Kesyo nakipagtanan sa iba si Crystal at ngayon ay pinatay naman si EJ Trinidad ng lover nito.
“Nasa Cagayan ka ba?” wala sa loob na kausap nya sa larawan nito.  Nakangiti ito sa camera.  His eyes twinkling in mischief.  May dalawang mababaw na dimples sa magkabilang pisngi nito.  His hair tousled as if from a wild night of passion.  At kahit marahil hindi nito sadyain, he exudes an appeal that makes you think about sex.  
Paano nga ba nya hahanapin si EJ Trinidad?  Nakuha na nya mula sa sekretarya ni Monique lahat ng impormasyong nalalaman nito. Pero gaya nga nang sinabi nya kay Monique, ni Baguio ay hindi pa nya nararating.  Well, there’s always a first time.  Madali na nyang maipagtatanong kung saan nakatira si EJ Trinidad.  Sikat ito at imposibleng walang nakakikilala rito.  Maliban sa kailangang planuhin nya kung paano makakalapit sa binata na hindi ito nagdududa sa intensyon nya, what could go wrong?

“Cagayan?  Sa Norte?”  sunod sunod nyang tinanguan ang sunod sunod ding tanong ni Ma’am Flor.  Last day nya ngayon sa coffee shop.  “Ano nga uli’ng trabaho mo?”
“Researcher sa magazine.”  Nabanggit na nya rito ang offer ni Monique.
“Sigurado ka ba riyan?” 
“Malaking bagay ‘to, ma’am Flor.  At least hindi na ako isang kahig isang tuka.  Saka may kontrata kami ni Monique.”
Nakakaunawang tumango ang kaharap.  “Oo para mabawasan ang stress mo.”  Hindi nila naisip na mai-stress sya sa paghahanap kay EJ Trinidad. 

Gaya ng inaasahan nya, nahirapan syang magpaalam sa inay nya.  Nagalit din ito na lumapit sya kay Monique nang hindi isinasangguni rito. 
“Wala naman ho tayong ibang malalapitan, inay.  Alam ninyo kung gaano kahirap din sa akin na magbakasakali sa kanya pero may karapatan din naman ako sa pera ng papa.”
Lalo lang napuno ng galit ang mukha nito nang mabanggit ang papa nya.  Kesyo matagal syang itinaguyod mag isa ng ina bago ito biglang sumulpot ulit sa buhay nila.
“Matagal ng patay ang papa, nay.  At hindi ba Elementary ko na nalaman na buhay pa sya?  Itinago nyo sa akin.  Ipinagdamot nyo kay papa yung pagkakataon na maging ama sa akin.”  Ngayon lang nya sinabi sa ina ang hinanakit nya.  “Saka makakatulong ‘to sa atin.  Higit sa akin.” Tila lumambot ang ekspresyon ng ina sa huling sinabi nya. 
Bago pa ito nakapagsalita muli ay nagtungo na sya sa kwarto at nagsimulang mag empake. 

Kinabukasan ay wala silang imikang mag ina.  Tanghalian nang magpasya syang umalis ng bahay at gabi na nakauwi mula sa pag asikaso ng clearance para sa backpay nya.   
Naabutan nya si Andrew sa sala na gumagawa ng assignment nito.  Masipag sa eskuwela ang kapatid at hindi sya nanghihinayang na pag aralin ito. 
“Tuloy ka bukas ate?” alam nito ang bagong trabaho nya kay Monique.
Tumango sya.  “Ang nanay?”
“Nasa kusina.  Nagluluto ng hapunan.”
Agad syang nagtungo sa kusina.  Hindi rin naman nya gustong umalis na may sama ng loob ang inay nya.  Kahit naghihinanakit sya rito minsan, mahal nya ang nanay nya.  Hindi nya ito kayang tiisin.
Naghahain ito nang pumasok sya sa kusina. 
“Kumain ka na ba?”  tanong nito.  “Paborito mo ang ulam.”  Nangiti sya sa tinola na nasa mesa.
“Sige ho, tatawagin ko na si Andrew.” Akmang tatalikod sya ngunit muling nagsalita ang ina.
“Sera…” nilingon nya ito.  “Sorry, anak…”
Humakbang sya palapit dito at yumakap.  “Alam kong napapagod ka na rin.  Tama ka, ipinagdamot kita sa papa mo.  At hindi ko naman napanindigan  na mabibigyan kita ng magandang buhay.  Nag aalala lang din ako na baka mapahamak ka sa Cagayan, o kaya ay tuluyan kang agawin ni Monique sa amin.”
Natawa sya.  “Nay, hindi naman ho kami close ni Monique. Trabaho lang ho ito.  Malaking tulong ho ito sa atin.  At sinasamantala ko na rin kasi pumayag syang ibalik ang allowance ko.” Hangga nagpirmahan sila ng kontrata ay hindi sya makapaniwalang pumapayag ito sa lahat ng kondisyon nya.  Dapat nga yata ay hingin na nya ulit ang mana mula sa ama.
“Alam ko, anak.  Hayaan mo at tutulungan na kita.  Hindi naman ako imbalido.  Inuuna ko lang kaawaan ang sarili ko kesa ang maging nanay mo.  Ninyo ni Andrew.”
“Salamat, nay.”
“Ano ba’ng trabaho mo ulit?  At sinong EJ Trinidad ang hahanapin mo, kapangalan pa nung artista.”
“Researcher ho ng magazine ni Monique. At hindi ho kapangalan lang ng artista, iyong artista mismong si EJ Trinidad ang hahanapin ko.”
“Eh paano mo makikita kung nagtatago nga?”
“Sikat naman sya, nay.  Makakapagtago ba sya ng totoo?  Walang hindi makakakilala sa kanya.”
“Pero kung gusto nyang magpakita ay hindi ba dapat may balita na sa kanya ngayon?  Saka sa kasintahan nya?”
“Ex, nay.  Iniwan nya si EJ.” Sumimangot sya.  Tila may simpatiya syang naramdaman para sa lalaki.  Mas lumakas ang paniniwala nyang nagtatago lang ito para gamutin ang sugatang puso. 
“Baka naman totoong pinatay sila?” bumakas ang takot sa mga mata ng ina.  “Paano kung ikaw ang isunod ng killer!”
“Nay naman, konting support…” ngumiti sya.  “Chicken na chicken lang ‘to sa akin.”  Kung alam lang nya ang komplikasyong dala ng tinanggap nyang trabaho, sana tumambay na lang sya.

When A Star FallsWhere stories live. Discover now