CHAPTER 18

4.2K 96 1
                                    

Sabado iyon ng umaga ng maisipan niyang magjogging sa labas ng mansion. Malaki naman ang espasyo kaya malaya siyang makakapagjogging.

Dala ang bote ng tubig ay nagpaikot ikot siya habang nagjojogging. Hindi na niya kailangan umiwas kay Zion dahil umalis na ito kaninang maaga para sa team building nila.

Ilang beses pa siyang kinulit ng babaeng Secretary nito ng nakaraang gabi pero tumanggi siya. Naiinis siya sa lalaki at umiiwas siya dahil kahit ano nalang ang pinapagawa nito sa kanya. She was deceived by him at ayaw niyang maulit iyon. Kahit naman mabait ang nasa kompanya nito, except for that Mrs. Alvarez hindi pa rin siya pupunta.

Bigla namang may bumusina sa tapat niya kaya tiningnan niya ito. Di siya pamilyar sa sasakyan kaya nagtataka siya kung bakit ito nakapasok. She was just wearing a lose shirt and a jogging pants.

Naisip niya na baka ang maglilinis ito bukas pero napaaga lang ang dating.

Di na niya ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pagjojogging. Ngunit sadyang malas talaga ang buhay niya ng may biglang humablot sa kamay niya at tinakpan ang mata niya ng tela.

"Sorry, Miss trabaho lang!" bulog nang pamilyar na boses. Nagpupumiglas naman siya ngunit di na niya nagawa pa dahil apat na kamay na ang pumipigil sa kanya.

"Ano ba? Bitiwan niyo ako!"sigaw niya pero walang ginawa ang kumuha sa kanya. Piniringan nila ang mata niya saka tinali ang dalawang kamay niya sa likod. Inakay pa siya nito paakyat sa sasakyan. Naramdaman naman niyang umandar ang sasakyan kaya lalo naman siyang kinabahan.She already heard that man's voice before, san ba niya ito narinig?

"Ano ba?" sigaw niya ng may humawak sa kamay niya.

"Lalagyan ba natin ng panyo bunganga niya?" tanong ng pamilyar na boses.

"Wag na baka mapatay pa tayo sa isa! Saka di naman to serious kidnapping." anang isang boses. Napipikon na siya kaya sinipa-sipa niya ang kung ano anong bagay sa paanan niya at sa paligid niya.

Naiiyak na siya sa sobrang takot.

Nagdarasal na lamang siya na sana ay may makarinig sa sigaw niya at tulungan siya. Katapusan naba niya ito?

"Please, parang awa niyo na. Pababain niyo na ako. Ano bang ginawa ko sa inyo ha?" naiiyak na wika niya pero wala yatang naririnig ang nandoon at di siya pinansin.

"Pag ako nakatakas, hukayin niyo na ang libingan niyo. Siguraduhin niyo lang na hindi ko kayo makikilala dahil papatayin ko kayo."nagboboses matapang siya kahit nanginginig ang mga kamay niya.

"Miss Kurade, magiging maayos ka rin pagdating natin sa pupuntahan natin!"

Paulit ulit na umeecho sa isip niya ang pagsabi nito ng Miss Kurade.

Naririnig na niya ito dati. San ba?

"Miss Kurade!"

Nag-iisip pa siya bago niya maalala bigla. That friend of Zion na dumalaw noon nung mabugbog si Zion. David ang pangalan nun. Naalala niya nung tinawag siya nitong Ms. Kurade.

"Wait? Zion's friend? Putangena ano na naman bang kalokohan to?"

"How did she--"

"Di ko alam!"

Nakikinig lang siya sa sagutan ng dalawang kasama. Nawawala na kunti ang takot niya ng malamang si David lang ito. Di naman siguro siya nito gawan ng masama dahil kaibigan ito ni Zion.

"Anong plano niyo? Ibaba niyo na ako!"

May humawak naman sa kanya at tinanggal ang tela sa mata niya. Nakangiting bumungad sa kanya ang mukha ni David.

BILLIONAIRE'S SERIES #1 : BILLIONAIRE'S WIFE Where stories live. Discover now