CHAPTER 19

42 6 0
                                    

NEW POWER UNLOCKED

MARGAUX THALIA'S POV

Ilang minuto na kaming nasa loob ng shield na ginawa sa amin ni Marikit. Totoo nga na sobrang babangis ng mga hayop dito.

Bukod sa tigre, meron din palang mga crocodiles, jaguar, makamandag na mga ahas at isang kakaibang hayop na ngayon ko lang nakita. Ang sabi ni Kahel ay siraw daw ang tawag doon. Napaka amo ng mukha nito ngunit kapag binuka niya ang bibig niya ay doon pipintig ang puso mo sa kaba. Sobrang pino na napakatatalas ang ngipin niya.

Dagdag pa ni Sylfer na oras na mahuli ka nito ay uunti untiin ka nito. At sa bawat kagat ay sobrang sakit ang dala. Na parang tinusok ka ng napakaraming karayom ng sabay sabay. Sisipsipin muna ang dugo bago gilingin ng ngipin ang laman.

Iniisip ko palang ang sarili ko sa ganong sitwasyon ay naiiyak na ako. Sobrang kapit na kapit ako ngayon kay Asmir. Halos hindi siya makaalis sa tabi ko dahil bawat galaw niya kasunod ako.

Sinimulan ng sugurin ng tigre at ahas ang barrier namin na ikinabahala namin ng sobra. Nagpatuloy ang ginagawa nila at napapansin naming tila nagkakalamat ang barrier. Napatingin kaming lahat kay Marikit.

"Nahihirapan ang kapangyarihan ko na pigilan sila" nag aalalang balita niya.

"Ilang minuto nalang ang itatagal ng kapangyarihan mo?" Tanong ni Asmir.

"Dalawang minuto!" Parang nanlamig ako sa narinig ko. Dalawang minuto? Iyon na lamang ba ang itatagal ng mga buhay namin? Hindi pwede.

Agad nagtinginan si Asmir at Sylfer na parang naguusap gamit lamang ang mga mata nila. Pagkatapos ay agad ng humanda si Sylfer.

"Teka, lalaban kayo? Hindi ka pa magaling ng tuluyan!" Sita ko kay Sylfer. Bagama't hawak ko si Asmir ay alam kong handa na din itong lumaban.

"Kaya kong ibuwis ang buhay ko, mailigtas ka lang!" Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi niya. Natutuwa akong malaman na sa maikling panahon na nagkasama kami ay ganon na pala ako kainportante sa kaniya pero at the same time ay naguguilty, dahil ako ang dahilan kung bakit sila naririto at nanganganib din ang mga buhay.

Kailangang may gawin ako. Responsibilidad ko ang bawat isa sa kanila. Hindi lang dahil pinasama ko sila sa paglalakbay na ito kundi dahil ako ang prinsesa nila. Kung may isang tao man dito na matapang, dapat ako iyon.

Ilang sugod nalang sa barrier at mawawasak na ito ng tuluyan at kapag nangyari iyon ay maaari na nila kaming atakihin. Nakahanda na rin sa pagdepensa si Asmir at Sylfer.

Kumalas ako sa pagkahawak kay Asmir at humakbang ng dalawa paunahan. Ikinagulat niya ito kaya hinawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya at sinenyasan na okay lang at bitawan niya ako. Kahit labag sa loob niya ay napilitan itong bumitaw.

Lumakad pa ako ng mas malapit. Huminto saglit ang tigre sa paghampas sa barrier na tila sinisipat ang kaharap niya. Ngumiti ako sa tigre pagkatapos ay umupo. Pinagmasdan ko silang lahat.

"Marikit, alisin mo na ang kapangyarihan mo" mahinahon kong utos.

"Pero mahal na Prinsesa!" Sabay sabay nilang sigaw sa akin. Nilingon ko sila para ngitian.

"Magtiwala kayo sa akin!" Sabi ko. Bakas ang sobrang kaba at takot sa mga mata nila. At hindi iyon takot para sa kanilang mga sarili, kundi para sa akin. Nag aalala sila sa akin. Pero kailangan nila akong pagtiwalaan.

Huminga ng malalim si Marikit bago tumango.

Muli kong hinarap ang mababangis na hayop na nakapaligid sa amin. Tinitigan ko ang tigre na tila kanilang lider. Grabe ang kaba ko lalo ng magsimulang mawala ang barrier namin. Umingay ang huni ng mga hayop na tila sila ay nagwagi.

CHRONICLES OF CASMARINE(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora