Bitter Gourd, Hugot Lord

125 0 0
                                    

"Mi, alis na ko. Hoy kuya! Wag nga kayo maglandian sa harap ko!" Agang-aga! Kung makapaglandian wagas!

"hahaha okie! Ingat nak!"

"Hoy Mandy! Bitter mo talaga kahit kailan! Maghanap ka nga ng lovelife hahahahahaha XD"

At umalis na nga ako. Pake ko dyan sa malandi kong kuya! Habang naglalakad ako may nakita ako sa harapan kong isang couple na ang sweet sweet na naglalakad papasok ng school, actually schoolmates kami, parehong uniform suot namen eh.

Tsk

Lagpasan ko nga sabay sigaw ng....

"Puta! Wag kayo maglandian dito! Walang forever bwiset!"

"Tsk bitter!" Narinig kong sigaw ng bwiset na babaeng clown. If you know what I mean.

Pagdating naman sa school pagpasok ko palang ng schoolgate dami ko nanamang nadatnang couples na ang sweet sweet sa isa't isa. Edi sige na! Kayo na may lovelife at ako ng mag-isa bwiset!

Habang naglalakad ako papasok ng building sumisigaw ako ng...

"MAY MGA BAGAY TALAGA NA DI PANGMATAGALAN, MERONG MGA PAMPALIPAS ORAS LANG! KAYA WAG KAYONG MAGLANDIAN SA HARAP KO DAHIL WALANG FOREVER BWISET!"

"Tsk, kahit kailan talaga ang bitter niyang si Mandy"

"Bitter Mandy talaga!"

"Palibhasa walang lovelife"

Ilan lang yan sa mga araw-araw kong naririnig sa campus kapag humuhugot ako. Hindi kase ako nauubusan ng kabitteran sa katawan. Kaya nga tinagurian akong bitter Mandy eh. Pake ba nila? Para naman malaman nila na may mga taong nagdudusa habang sila nagsasaya! Ako si Mandy, ang tinaguriang campus bitter. Sawi sa pag-ibig, nasaktan ng sobra! At nasobrahan ata sa pagkain ng ampalaya. Pero ang totoo, di ako nakain ng ampalaya. Pinanganak lang ata ako para maging bitter.

"Uy Mandy, humuhugot ka nanaman dyan! Lika na nga sa room!" At sabay na nga kaming naglakad papunta sa room

Siya si Madelline. Made, for short. Bestfriend ko. Hindi BFF dahil wala ngang forever kase.

"Hoy Mandy! Tigilan mo na nga yang kabitteran mo! Kaya wala kang lovelife eh. Believe in love, di lang talaga para sayo si stephen."

Aray! Eh sa mahal ko paren si stephen eh. Si Stephen nga pala ang punyeta kong ex na niloko ako pero mahal ko paren

"Gaga! Kung di ako bitter, di ako si Mandy, di ako si bitter Mandy"

"Eh kesa naman wala kang lovelife!'

"Palibhasa kase may lovelife ka bwiset!"

"Hahahahaha kase I've found love. Hihihi gwapo talaga ni patrick!! Hihihi love love love"

Puta at kinilig pa! Edi siya na nakakaramdam ng kilig edi sigi na! Siya na masaya!

"Edi dun ka na! Dun ka masaya eh! Pagbuhulin ko kayo eh!"

"Hehe joke lang! Love you best!

"Che!"

"Ay nga pala best! Kinikilig ako!"

"Ha?" Oo na bwiset!

"Hindi sakin best hihihihi sayo!"

"Ha?" Pinagsasabi nito? Crush na ba ko neto? Natibo na ba si best?

"Ayun oh" sabay nguso patungo sa pinto at nakita ko nga si Baron dun. Kaklase namen. Yung PLAYBOY naming classmate.

"Oh tapos? Anong gagawin ko sa playboy na yan?"

Bitter Gourd, Hugot Lord(One Shot)Where stories live. Discover now