Ang Una at Huli

40 1 1
                                    


"Love, aalis ka na naman ba?" bungad na tanong ko sa asawa ko. Nakasilip ako sa nang bahagya sa nakabukas na pinto ng kwarto namin.

Nakaupo ito sa kama habang nag-iimpake ng mga damit. Aalis na naman ito. Itinigil muna nito ang ginagawa at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Agad naman akong lumapit. Hinila niya ang kanang kamay ko at iginiya para mapaupo ako sa kandungan niya. Agad niyang ipinalibot ang mga braso sa bewang ko.

"Alam mo naman kung bakit ako aalis, 'di ba?" malambing niyang tanong sa akin habang hinahalik-halikan ang balikat kong naka-expose dahil sa sleeveless kong damit.

"Pwede naman kasing 'di ka na umalis. Dito ka na lang tapos magtatrabaho na lang ako para magkasama pa rin tayo."

Malalim siyang napabuntong-hininga.

"Para sa kinabukasan natin 'to, Love. Alam kong mahirap na malayo tayo sa isa't-isa pero konting tiis na lang. Tatlong taon lang ako sa Dubai at pagkatapos noon for good na ako dito," malumanay niyang pagpapaliwanag sa akin. "Saka isa pa malapit nang matapos ang bahay natin pero malaki pa ang kakailanganin nating pera. Alam mong di kakayanin sa budget natin kung hindi ako aalis kahit na tayong dalawa pa ang magtrabaho. Masyadong malaki ang kinakailangan nating pera. Basta pangako natin sa isa't-isa na hindi tayo maghahanap ng iba."

Paulit-ulit kong napapanaginipan ang scenario namin na iyon ng aking asawang si Paul. Simula nang umalis siya, araw-araw kaming nag-uusap ng walang palya. Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon pero hanggang ngayon hindi pa rin ako tuluyang makapag-adjust na magkalayo kami sa isa't-isa. Hinahanap-hanap ko pa rin ang presensya niya. Hindi na sapat ang mga chat at video calls. Hinahanap na ng katawan ko ang yakap at halik niya...

"Hi, Love. Miss na miss na kita kailan ka ba pwedeng magbakasyon dito?" agad kong bungad kay Paul nang sagutin ko ang tawag niya. Hating-gabi na sa Pinas habang alas otso pa ng gabi sa Dubai. Napatawa ito nang mahina sa kakulitan ko. Everytime na tumatawag siya kung kailan siya uuwi ang lagi kong pambungad sa kanya.

"I miss you too, Love. 'Wag kang mag-alala malapit na malapit na at pag nangyari iyon, hindi na ako aalis. Diyan lang ako lagi sa tabi mo," nakangiti niyang sabi sa akin. Bakas sa mata niya ang pangungulila sa akin. Alam kong pareho kami ng nararamdaman at ngayon ay sinusubok ang tatag ng pagsasama namin.

"Alam ko naman iyon, Love. Sana sa darating na pasko payagan ka nila na umuwi muna ng Pinas para magbakasyon."

"Huwag kang mag-alala nagpasa na ako ng leave of absence, hinihintay ko na lang ang sagot nila doon."

"Sana naman may sagot na sila. Miss na miss na talaga kita, Love. Namimiss ko na ang mga yakap at halik mo," nang-aakit kong sabi sa kanya. Nagbabakasakali na sa paraang iyon ay mas pursigido siyang makauwi.

"Humanda ka talaga sa akin, Love kapag nakauwi ako. Hindi kita patutulugin buong magdamag. Ihi lang ang pahinga natin."

Pareho kaming napatawa.

"Aasahan ko iyan, Love. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita at alam kong kahit di mo sabihin. Nag-aalala ka na baka maghanap ako dito ng iba. Hinding-hindi ko sisirain ang tiwala mo sa akin, Love at alam kong ganoon ka rin sa akin. Pangako nating dalawa iyon sa isa't-isa, di ba?" madamdamin niyang wika sa akin.

Napalunok ako.

At pilit na ngumiti...

"I love you so much, Love," sagot ko na lang sa kanya.

Ilang oras pa kaming nagkwentuhan ng kung anu-ano bago tuluyang nagpaalam sa isa't-isa. Mahal na mahal ko ang asawa ko at alam ko sa sarili kong hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino.

I'll Be Home For Christmas (One Shot Story)Where stories live. Discover now