Chapter 22 (Part 2)

2.3K 114 4
                                    

Part 2...

-----

Ji-Eun's POV:

Natahimik ako ng ilang segundo. Pinag-iisipan ko ang tamang salita na dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ako dapat magpadalos-dalos nalang sa mga sasabihin ko. Ji-Eun kumalma ka lang,si Taehyung lang naman yan. Si Taehyung na mahal na mahal mo. Be strong! Fighting!

Huminga ako ng malalim bago magsalita,"Hahaha! Ako buntis at ikaw ang ama? Ano ka ba naman Taehyung,naniwala ka naman sa sinabi ko bago ako umalis satin. Biro ko lang yun noh!"normal na sabi ko sa kanya. Napacross finger nalang ako at napakagat ng labi. Maniwala ka Taehyung! Ako ang nahihirapan satin eh.

"Alam naman natin pareho na may nangyari sa atin bago ka umalis dito..."hindi naman ako tanga para hindi malaman yun no! At wala akong amnesia para agad kong makalimutan yung---"...so wag na wag mo akong lolokohin"mas naging cold ang boses niya ngayon. Ramdam na ramdam ko ito.

"So kapag sinabi ko bang oo maibabalik pa ba yun sa dating tayo ha!? Babalik ka ba sa akin o babalik ba ako sayo? Ulul ka pala eh!"napataas na ang boses ko ngayon. Naiinis na kasi ako. No! More on nagagalit na ako sa oras na to.

"So you're saying that you're pregnant. Okay,I'm just asking it. Nothing more. Nothing less. Ano namang pakialam ko kung buntis ka sakin? Ano ba kita?"uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niyang yun. Ano niya ako? Ex-paper wife! Nakakabaliw na talaga tong tao na to!

"Hindi! Hindi ako buntis! Nyeta. Baog ka kayang gago ka! Asa ka naman na mabubuntis mo ko! Tsaka wag mo na nga akong guguluhin kahit kailan!"sigaw ko dito saka pagalit na pinatay ang tawag. Agad kong in-off to at tinanggal ng mabilisan yung sim para di na siya makatawag pa. Para makasigurado din na hindi na niya ako mako-contact,pinira-piraso ko na rin ito at tinago sa bag. Bahala ka diyan Taehyung.

"Ahm...hey? Tapos na ba ang pag-uusap niyo ni Taehyung?"tanong ni Jaejoong sa akin. Nagulat ako kasi nasa harap ko na pala siya at nakaupo na. Dala na rin niya ung pagkain na pina-order ko kasama ng kanya.

Agad ko naman kinuha ung mga pagkain ko at nagsimula nang kumain. Sinimulan ko sa pagkain ng french fries.

"Paano mo pala nalaman na si Taehyung kausap ko?"tanong ko dito nang hindi tumitingin sa kanya.

"Haayst. Sa sobrang busy mo sa pakikipag-usap kay Taehyung,hindi mo napansin na nandito ako sa harap mo kanina pa"sagot niya. Bigla akong napatigil sa pagkain.

Oh-ow! So narinig niya yung...yung about dun? O____O

"Ah--eh a-anong m-mga n-narinig m-mo Jae---Jaejoong?"nauutal kong tanong. Kinakabahan ako. Sana hindi niya narinig ung about dun!

"Simula sa tinanong mo kung buntis ka at siya ang ama lang ang narinig ko"nakatitig siya sa akin ng seryoso. Narinig niya nga...fvck!

"A-ah? Hehehe. Joke joke?"wala sa sarili kong sinabi at pilit na ngumiti. Ramdam ko na rin ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Napatigil na rin ako sa pagkain dahil parang natigilan ang buong sistema ko sa mga oras na to.

"So kaya ba lagi nalang masama ang pakiramdam mo---"pinutol ko agad siya sa sasabihin niya.

"Ano ka ba naman Jaejoong,sinabi ko na nga kay Taehyung na hindi ako buntis tapos pati ikaw tatanungin mo,hindi nga ako bu---"natigil ako sa pagsasalita ng biglang...

Tumakbo agad ako sa cr habang hawak ang tyan at bibig ko. Fvck! This can't be happening. Hindi niya nakita to. Hindi nangyari to sa harap niya! HINDI PWEDE! Not this time.

I vomite as I entered the comfort room. Naghilamos agad ako pagkatapos nito at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Namumutla nanaman ako.

Pero teka! Ano nalang sasabihin ko kay Jaejoong kung bakit ako nagsuka? Masama nanaman ang pakiramdam ko? Maghihinala na yun for sure.

Wala na akong ibang choice kung hindi ang sabihin nalang sa kanya ito. It's now or never.

Lumabas agad ako ng cr at naglakad papuntang kinauupuan namin. Tinignan ko lang siya sa mata niya na nakatitig nanaman sa akin ng seryoso at napakatalim. Ano bang tamang sasabihin ko?

Scenario 1:

Me: Jaejoong---

Jaejoong: BUNTIS KA!? Ama na ako?

*iling iling*

Scenario 2:

Jaejoong: bakit ka nagsuka ha!?

Me: ano kasi Jaejoong...wag kang magugulat ha...

Jaejoong: sige hindi ako magugulat prinsesa :)

Me: ano kasi eh...buntis ako?

Jaejoong: *labas shotgun* anong sabi mo!? *tutok sa akin*

*waaaa! Ang brutal naman nun.*

Hay! Bahala na nga si batman dito. Pag eto nagalit,tanggal ang holy sword ni batman sa harap. Makikita niya! Mawawalan siya ng buntot sa harap. Hmmp!

"So ano nanamang palusot mo kung bakit ka sumuka? You're sick? Always sick Ji-Eun?"napakalalim ng boses niya,mahinahon ito pero nakakatakot.

Napalunok nalang ako ng sobrang diin,"Jaejoong kasi---"tumigil ako sa pagsasalita. Sasabihin ko na ba? Eto na ba talaga ang oras para sabihin ko?

Napahawak ako sa tyan ko bago magpatuloy,"JAEJOONG I'M---I'M PREGNANT"mahina kong pagsasalita. Sa pagkakataong ito,tumulo na ang mga luha na kanina pa gustong-gusto na lumabas. Nasabi ko na rin sa wakas.

Nakita ko naman na napayukom siya ng kamao,maya maya lang ay bigla siyang napahilamos ng mukha at halos sabunutan na ang sarili.

"Kailan pa yan?"mahina niyang tanong.

"Be-before akong umalis sa bahay...may--may nangyari sa amin"patuloy pa rin ako sa paghagulgol.

"Anong plano mo sa baby niyo?"nilalaro nalang niya ung mga pagkain na inorder niya para sa kanya.

"Hi-hindi ko alam. Basta ayaw ko siyang ipalapit kay Taehyung once na lumabas na ito. He betrayed us,so do I"sagot ko dito.

Napadeep sigh nalang siya,"Then we're going to U.S. next week for your own sake. And that's final"tumayo na siya at naunang naglakad palabas ng McDo.

Naiwan akong tulala dito,inaabsorb ang gusto niyang mangyari.

U.S.? What. The. Fvck.!?

-----

A/N: Dedicated to @Earthlings26 Hello sayo! Thank you sa flood votes. Hihi ^3^

Special mention to @KkamjongKai14 Hello sayo thanks sa pagbabasa! ^-^

Waaaaa! Ang saya saya ni author hanggang ngayon. Napansin kasi siya ng ultimate crush niya sa twitter kagabi. Simpleng "hi" lang tumili na si author. La lang share ko lang.

Happy 6K reads! Oh my g! Ngayon lang lumuwag ung sched kaya ngayon lang nakaupdate. Hihihi sarreh! Daming floodlikes kaya naman ang daming reservation para sa dedication for every chapter. Don't worry lahat kayong nagvovotes at comments bibigyan ko ng dedications/special mention. Promise! ^_^

☞Comment your opinions☜

I Am MRS. Kim || TaehyungTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang