IX

1 0 0
                                    



Death of the singing Falcon
I

Destry



"How's the operation?"

Napatalon ako sa gulat nang makita si Triangle sa loob ng condo ko. Anong ginagawa nito dito? Agad akong lumapit sa kaniya at tiningnan ang ginagawa niya, nagluluto ng pagkain si abno?

"Yeah, I'm bored. And your house have lot of groceries." Napangiwi na lang ako , wala bang pera 'to? Mas mayaman pa sa'kin 'to, pero sabagay walang laman ref nito puto fast food ang tangnang Prosecutor na 'to.

"Wala naman nangyari, na hostage lang naman ako." Wika ko at saktong pinalabas na sa TV ang nangyari. Naalala ko kanina in-a ssign ako sa isang operation kung saan ninakaw ang highest security Philippine bank. Kasama ko si Inspector Romualdez na nakipag negotiate sa mga magnanakaw, 'yun nga lang ay mukhang ayaw kumilos ni Inspector kahit may namatay ng hostage kanina.

"That means he's expecting someone nagagawa ng operation." Tumango ako sa sinabi ni Triangle. At mukhang 'yung lalaking bakla ang gumawa ng operation, hindi kasama ang mukha niya sa pinakitang mga magnanakaw sa bangko. Kung ganoon traydor talaga ang baklang 'yon, iniwan niya ang mga kasapi niya! "You should be grateful that he betrayed his group for the name of law." Ngumiwi na lang ako dahil parehas sila ng linya. Parehas sila ng ugali, mas nakakaira nga lang ang Illumati na ito.


"Do you see this advertisement? It's fucking ugly." Hinablot ko ang cellphone niya at tiningnan ang sinasabi niyang advertisement. It's about singing competition?

"Ikaw ba'y magaling kumanta? Kung ganoon ay sali na sa Singing Philippines!"

Napatawa ako nang makitang sinend sa kaniya, isang advertisement, inaaya ang Illumati na ito na sumali sa competition. "Tangna, ang judge si Welson Falcon!" Hindi ko mapigilan mamangha, nakasama ko na dati si Welson Falcon sa isang operation na kung saan sangkot siya, sobrang bait at maalaga! Sobrang approachable 'rin niya at sobrang bilis makipag cooperate during his interrogations. "Tsk, your eyes is fucking sparkling. It's iritating." Ngumuwi na lang ako sa kaniya at tingnan ang mga sinend na details sa kaniya. Malaki 'rin ang makukuhang premyo mga fifty thousand lang naman, aguy!

"Yeah, If ever I can buy lot of briefcases." Palihim akong napatawa sa sinabi niya, obsess sa brief case si Prosecutor! "Ako 'rin! Makakabili ako ng maraming posas!" Parehas kaming napatawa sa mga sinabi namin, ang mga gusto naming bilhin umuugnay talaga sa trabaho namin.

"Marunong ka ba namang kumanta?" Pagtatanong ko, nakita ko naman ang pagtigil niya sa paginom ng kape. "Yeah, but I hate singing."

"It's remind me of my past."






"Patay ang isang kilalang mangangakanta na si Welson Falcon. Natagpuan ang katawan nito sa kaniyang opisina bandang Alas singko ng madaling araw. Iinbestigahan pa ng Pulisya ang detalye."


Napatigil ako nang pagkagising ko palang iyon na ang maririnig ko. Galing ang ingay sa silid ni Triangle. "Pinaguusapan lang na'tin siya kahapon." Wika ko habang nakikinig pa'rin sa balita, narinig ko naman ang pagbutong hininga ni Triangle na mukhang hindi 'rin makapaniwala.

"Yeah, and for the one who send me that advertisement, he know something." Napakagat ako sa labi ko habang iniisip ang nangyari kahapon, ba't pinaghinalaan naman niya agad ang nag send sa kaniya ng advertisement? Pwede namang nagkataon lang 'yon kaya mahirap mag conclude. "Baka nagkataon lang." Kinatok niya ng mahina ang pader na ibig sabihin ay hindi siya naniniwalang nagkataon lang lahat.

Detective's OathWhere stories live. Discover now