The song is performed by Ian Pangilinan, composed by juanmigsev (Juan Miguel Severo) and arranged by Patricia Lasaten.
I
(Read this stanza on the intro of the song)
Ano na ba ko sa'yo?
Ano na ba ako dyan sa puso mo?
Ako pa din ba yung dating pinagpupuyatan mo,
Dahil hindi maubusan ng kwento?
Ako pa din ba yung matalik mong kaibigan?
Kakampi, kahit saan?
Ako pa din ba yung ninanais mong masilayan
bago matulog at pagkagising sa umaga?
Ano na ba?
II
(Read this stanza on the instrumentals after the 1st chorus)
Ano na nga ba?
Ano na ba ako sa'yo?
Ano na bang nararamdaman mo kapag kasama mo ako?
Ako parin ba yung kayang magpasaya sayo?
Yung kayang bumuo ng araw mo?
Ano na nga ba?
Ano na ba akp sa'yo?
Ako pa din ba yung laging kinasasabikan mong makita at makasama?
Ako pa din ba, yung pinangakuan mong sasamahan,
Aalalayan, alalagaan at mamahalin habambuhay?
Ako padin ba yung hinatak mo palayo sa kawalan
at dinala sa landas ng pagmamahalan?
Ano na ba?
III
(Read this stanza at the end of the song)
Ano na ba?
Ano na ba ako sa'yo?
Ako pa din ba yung hindi mo kayang lisanin at iwan?
O ako nalang ba, yung pipiliin mong tiisin at kalimutan?

YOU ARE READING
Your Unspoken Words
PoetryI'm coming back to my passion. Passion for writing. Writing my stories. Stories that shaped my life. Life that seems so unfair. --‐----- Hi guys. It's my first time and I'll be very glad if you will interact / comment to my writings. Thank you s...