Chapter 1: Her enemy.

121 9 5
                                    

Kaisha's POV

" Bakit ba ganon! Palagi nalang akong iniiwan!" Pagmumukmok ko sa dalawang bestfriend ko. Si Colly at si Xena.

"Sis, Baka hindi talaga kayo para sa isat isa." Sabi ni Xena.

"Ts. Yan naman palagi mong sinasabi eh!" Sagot ko sakanya.

"Shasha, Di naman kasi yan hinahanap eh. Kusang dumarating yan. okay." Colly.

"Palibhasa kasi kayo never nyo pang maramdaman to eh!" Sigaw ko sakanila.

"Sis! Hindi sa ganon. Oo,hindi pa namin nararamdaman yan. Dahil kami marunong kaming maghintay!" Sigaw ni Xena.

"Girls hinay lang ah? Nandito po tayo sa room." Sabat ni Colly.

Nakakainis naman kasi eh. Makita mo yung boyfriend mo may kalandian! Sige nga anong maffeel nyo? Haist! Lahat nalang. Lahat nalang nagffailed! Ginagawa ko naman lahat para maging maayos kaso hindi eh. Pang ilang beses na ba ito? Paulit ulit. Dina natuto tuto itong pusong tooo!

"Oh! Crying? Pinaiyak ka na naman ba ng Forever mo? Hahaha!" Ayan na naman narinig ko na naman yang boses ng lalaking yan! Asar. Pinagtawanan pa nila ako.

"FYI Babaerong Chismoso! Wala kang pakialam sa buhay ko ah! Kaya tigil tigilan mo ako!" Dinuru duro ko pa sya! Palagi nalang. Palagi nalang umeepal to!

"Oh? Natakot naman ako. Hahaha! Ayan ang napapala ng mga babaeng baliw na baliw sa pag ibig! Pinapaasa palagi!" Sigaw nya.

"Woooooh!" Sigawan ng mga classmates namin. Ayan na naman eh. Pinanonood na naman nila kami.

"Hoy! Lalaking bitter! BITTER KA KASE KAYA "ANTI" KA SA FOREVER THINGY! BITTER!" Sigaw ko at naghiyawan na naman ang mga kaklase namin.

"Ako bitter? Ha-Ha-Ha! In your dreams! Nagsasabi lang ako ng totoo sayo Babaeng baliw sa FOREVER! Ayan tuloy umiiyak ka na naman! kawawa naman sya guys! Hahaha!" Sigaw na naman sila ng sigaw.

Nako. Makaalis na nga lang. Wala ako sa mood ngayon!

"Oh ano magwwalk out nalang? Ano narealize mo na ba? Hahaha! Guys natauhan na sya" Hinarangan pa ang daanan ko ng mokong nato.

"Aalis ka sa dadaanan ko o sisipain ko yang ano mo?!" Sabi ko sakanya nang nakatitig ng matalim!

Nagsitahimikan ang lahat. Nasa likod na kasi ng mokong nato ang Prof namin.

"Ano ang sabi mo? Hindi kamo magaling magturo si Mam Ladao?" Sabi ko,sakanya. Sinigaw ko para rinig ni Mam. Haha! Dali ka ngayon.

Tiningnan nya ko ng nagtataka. Nakita ko namang nagsisitunguhan na ang mga classmates namin.

"What Mr. Rovizo?" Sigaw ni Mam at naglakad papunta sa harap nya.

Nakakatawa ang reaction nya. Hahaha! Ang tawag dyan KARMA.

"Mam? No, Its not what you think!" Sigaw nya at sabay titig sakin ng masama. Dinilaan ko lang sya.

"Miss Zores and Mr. Rovizo Go out. Antayin nyo ako sa office ko!" Sigaw ni Mam. At bakit nadamay ako?

"Mam? Ako din? Bakit ako? Mam Sya po yun. Sinabihan nya po kayong hindi magaling magturo! Pinagtanggol ko na nga po kayo Mam eh" Paawa effect lang. Ayokong na ooffice. Mahal ko ang grade ko kaya hindi pwedeng mangyari to!

"Mam ang totoo po nyan kaming dalawa po talaga ang nagsabi. Kahit itanong niyo pa salahat. Diba guys?" Sabi nya sabay akbay sakin. Nakangise pa!

"KAYONG DALAWA! OUT NOW!"

PATAY! PAGBABAYARAN ITO NANG,

MOKONG NA TO!

"Lets go Ms. Zores" Bulong nya sakin at umakbay pa! Ang kapal ng mukha!

Pagkalabas namin ng room. Siniko ko sya ng malakas at kinagat ko ang naka akbay na kamay nya!

Sabay takboooo!


"What the f*ck!! You bitch! Magbabayad kaaa!" Sigaw nya sakin.

Ganti ko lang yun sakanya hahaha!

That Mutual ThingyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon