♤Fifty-Six♤

110 2 0
                                    

Callirrhoe Titania Albertine

Sa halip na may maramdaman akong sakit sa parte ng katawan ko dahil sa bala ay isang mainit at mahigpit na yakap ang naramdaman ko. Kasabay noon ay ang pagkabasa ng balikat ko dahil sa luha ng yumakap sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mukha nya na may pilit na ngiti sa akin kahit na patuloy ang pag-agos ng luha sa mata nya. Paulit ulit kong naririnig sa kanya ang paghingi ng tawad at pagsasabi ng mahal nya ako. At bago pa sya bumagsak sa harap ko ay hinawakan ko na sya.

"I'm s-sorry T-Titania." He almost whispered and I look at my hands with his blood. Saka ako napatingin kay Empress Augusta at kita sa kanyang mukha ang pagkabigla. Nabitawan nya ang hawak nyang baril dahil sa pangangatal ng kamay nya saka sya parang wala sa sariling tumakbo palabas ng hukuman kasama ng mga kawal ng palasyo nila.

"Why did you do this Brentt?" Umiiyak na sabi ko sa kanya. Sinalo nya ang bala na para sa akin. Bakit nya ba kaylangan gawin pa 'to?

"B-Because I l-love you so m-much." Simpleng sabi nya sa akin na parang wala syang sakit nanararamdaman. Umiling lang ako sa kanya at hinigpitan ang hawak sa kanya para manatili syang nakatayo sa akin.

"Y-You don't have t-to answer me. Just live for me Titania. R-Run away Titania. Save y-yourself and y-your child." Nahihirapan nyang sabi sa akin at nagawa pa nyang punasan ang luha sa pisngi ko. Sa kabila ng sakit na pinaranas nya, hindi ko maintindihan pero may parte parin talaga sya sa puso ko. Hindi ko akalain na mararamdaman ko parin ito sa kanya.

"N-No Brentt. Come with me." Sabi ko sa kanya pero umiling lang sya sa akin.

"I will stop my Mom. And if I need to fight with my Mom for you I w-will do that so you can be safe and have a peaceful life."

"You don't have to do that Brentt. Just come with me and accept the punishment from the laws. Don't die like this Brentt please!"

"I've cause you so much pain. You have all the guts to be happy because I am finally dying and leaving you at peace Titania. And I know that this will be easy for you to accept if I will be gone. I still remember what you said. If I will die in front of you, you won't hesitate to hold a sword and kill me again and again. And that's fine Titania." Ramdam ko ang bawat sakit sa lahat nang salitang binibitawan nya sa akin ngayon. Tuluyan na syang nawalan ng lakas at napaluhod na sya sa sahig. Naupo ako para magpantay kaming dalawa at sinubukan ko syang itayo. Lahat nang masasakit na salitang sinabi ko sa kanya, hindi ko parin pala kayang gawin at ibalik ang sakit na ginawa nya para sa akin. Seeing him like this hurts me......a lot.

"Stop saying nonsense Brentt. Come with me please!"

"Leave me here Titania. Just go." Sabi nito sa akin saka ako pilit na inilalayo sa kanya.

"No come with me! I won't leave you here!"

"You n-need to go Titania. I'm s-sure that our soldiers are on the w-way here to get you. My Mom will d-definitely hurt you." Nahihirapan na nitong sabi sa akin hanggang sa narinig namin ang malakas na pagbukas ng pinto ng hukuman at doon ko nga nakita ang ilang sundalo na papalapit sa amin.

"R-Run Titania and n-never look b-back." Sabi nito sa akin saka nya tuluyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya. Pinagmasdan ko sya sa huling pagkakataon at kita ko sa mukha nya na nahihirapan na sya dahil sa tama ng bala sa kanya. Pero kahit ganon, nakaya nya paring pilit na ngumiti sa akin.

Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon