Chapter 3

1K 66 1
                                    

"The deadly flower," mahinang bigkas ni Cypher. Tumango naman sa kanya si Min Jae.

"I've heard about that," biglang saad ni Nikos. "It's a very toxic plant. Poisonous from its flowers to its stems, twigs and roots."

Those facts really triggered the interest of the Pythons towards the only female of the Venenatus guild.

"Now I'm really curious of her family history. Where'd she come from?" Draco.

"About that, Zacharius Volcov himself secured the confidentiality of her background. Nakaka-curious tuloy. Nakakati ako pag may data na hindi ko alam," bigkas ni Kwon Min Jae na literal na napakamot sa leeg niya para pakalmahin ang sarili.

Doon naman bumukas ang pinto at iniluwal ang kanina pa hinihintay ni Cypher Markow. Pumasok si Yazafra Loverde na walang kaemo-emosyon sa mukha.

Nagtama ang tingin nina Cypher at Yazafra pero agad ding umiwas ang babae at tinungo ang puwesto ng mga Venenatus, sa kabilang tapat ng mga Pythons. Pa letrang-C ang conference room kaya't nasa kanan na area ang mga Pythons habang nasa kaliwa naman ang mga Venenatus.

"If you think Cypher Markow is emotionless, that girl has no soul of emotions," komento ni Kwon Min Jae na rinig ng lahat ng Pythons.

Si Cypher naman ay inoobserbahan ang babaeng umupo sa tabi ni Kano Fuego. Bumaling na lang ang mga Pythons at Venenatus nang pumasok ang mga Volkovs sa area.

"May social issues ba kayo? Ba't anlalayo niyo!?" malakas na bulyaw ni Maxim Petrova sa dalawang guild.

"Nakakatamad lumipat!" balik ni Draco Morfell kaya't inirapan na lang sila ni Maxim Petrova (Codename: Vicious) at naupo sa gitnang area kasama ang iba pang Volkovs na si Zayumi Violet Arkazel (Ferocious), Fire DeSimone (Atrocious), Izumi Fontel (Noxious) at Mitch Yen Kwon (Ruinous).

Nang makompleto ang mga guilds pati sa mga lower-ranking ay lumabas na ng stage si Zacharius Volcov.

"Prekrasnoye utro!" (Beautiful morning!) malugod na pagbati nito sa russian language. Napapa-ismid naman ang mga Volkovs sa tabi.

Habang nagsasalita ang boss nilang si Mr. Volcov ay ramdam ni Yaza na may nakatingin sa kanya. Unang tinignan niya ang mga Volkovs pero nakikinig lang din ang mga ito sa nagsasalita kaya naman lumipat ang tingin nito sa mga Pythons. Nagtama ulit ang tingin nila ni Cypher.

'What are you looking at, Markow?' Ang tanong sa kanyang isip. Ngumisi naman pabalik ang lalaki.

Natigil na lang ang titigan ng dalawa nang magpalakpakan ang mga nasa paligid nila. Pinapalakpakan pala ang mga Volkovs sa kanilang bagong record.

"Next month will be the annual training week. So prepare yourselves, agents. We'll have so much fun this year. I guarantee you that," ngisi ni Zacharius Volcov. Ibig sabihin nun, mas malala ang magiging kahihinatnan ng training week.

Nang matapos mag-anunsiyo ni Mr. Volcov ay tumayo na ang mga Venenatus para umalis pero lumapit sa kanila si Izumi Fontel o mas kilala ng lahat bilang Noxious.

"Tinawag tayo ni tanda sa Banquet Hall. Let's go," yun lang at sumunod din ito agad sa ibang Volkovs.

"It's about the relocation, isn't it?" tanong ni Mentos sa likod. Nagkibit balikat naman ang lahat at sumunod na din sa mga Volkovs.

Pagdating nila sa Banquet hall ay nakaupo na ang mga Volkovs pati si Zacharius Volcov. Isang pahabang lamesa lang ang narito at nakahain na ang mga pagkain nila. Umupo na rin ang mga Venenatus at hindi naman mapigilan nina Yusue at Mentos na mapalunok sa mga pagkaing nakikita.

Kaswal na nag-uusap ang mga Volkovs at ni Zacharius Volcov. Sila lang talaga ang may kakayahan na sumbat-sumbatan ang kanilang big boss.

"Gusto ko nang bumalik ng Pilipinas," pagpaparinig ni Zayumi Violet Arkazel, o mas kilala ng lahat bilang Ferocious, kay Mr. Volcov. Si Ferocious ang may pinaka-mataas na ranggo sa mga guilds sa individual na kategorya.

"Uh, nope. You just want to see your boyfriend. I told you before Fero, having a lovelife is a major distraction," kaswal na sagot ni Mr. Volcov. Alam ng lahat ng nandito na kasintahan ni Ferocious ang nagmamay-ari ng Verrero Mafia na nasa Pilipinas.

Umiwas naman ng tingin sina Mitch Yen Kwon, Maxim Petrova at Izumi Fontel dahil lahat sila ay may kasintahan sa Pilipinas.

"That reminds me--" pinutol si Mr. Volcov ni Fire DeSimone. Itinaas nito ang isang kamay dahil alam niyang bibiruin siya ng matanda sa pagiging single niya.

Doon naman pumasok ang Pythons sa Banquet hall kaya't bumaling sa kanila ang lahat. May pinuntahan pa sila kaya huli silang nakarating.

Nang mapansin ni Cypher Markow ang bakanteng upuan sa tabi ni Yazafra ay doon ito dumiretso.

Sinundan naman ni Yaza ng tingin si Cypher hanggang sa kaswal itong umupo sa kanyang tabi. Hindi siya tinignan ng lalaki kaya side profile lang nito ang nakikita niya pero alam niyang sinadya ng lalaki ang umupo doon.

Umiwas na lang ng tingin si Yaza nang magsalita si Mr. Volcov. "Now that my precious high ranking guilds are here. Let's eat! God bless our foods!"

Nagsimulang kumain ang lahat. At habang kumakain ay nagsalitang muli si Mr. Volcov.

"Do you not plan on defeating the Kinghawks as the second high ranking guild?" kaswal na tanong nito sa mga Pythons.

Bumaling naman ang mga Pythons kay Cypher Markow.

"Of course, we do," walang emosyong sagot ni Cypher.

"Good," seryosong saad ni Mr. Volcov bago bumalik ang ngiti nito. "By the way, Noxious will be this year's training week mastermind," anunsiyo nito.

Sinamaan naman ng tingin ng mga Volkovs si Izumi Fontel.

"Why her?" inis na tanong ni Maxim. Tinaasan naman siya ng kilay ni Izumi. "Why not me?"

"You're a merciless training coach. Ayus-ayusin mo mga plano mo. Kung hindi, ibabalibag kita." Dinilaan naman ni Izumi si Maxim sa sinabi nito.

Napabuga na lang ng hangin ang ibang Venenatus at Pythons dahil totoo ang mga sinabi ni Maxim. Kung si Izumi Fontel ang magiging mastermind, paniguradong nakakapagod at nakakamatay ang training.

Kahit si Yaza ay naramdaman agad ang pagod ng training.

"Yaz! Sama ka sa amin mamayang gabi," biglang pag-iimbita ni Maxim kay Yaza.

"Saan?" awtomatikong tanong ni Kano.

"Si Yaz kinakausap ko, Kano. You're too protective," taas kilay na saad ni Maxim.

"What are they saying?" bulong ni DK kay Mentos. "Iniimbita si Yaz," sagot ni Mentos kaya siniko siya ni DK. "You did not translate what they said!"

"Saan ba?" si Yaza ang nagtanong. Ngumisi naman si Maxim at tinignan ang ibang Volkovs.

"Come with us. It's a girls' night out," ngiti at eleganteng saad naman ni Fire DeSimone.

Nerium oleander: The Deadly FlowerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora