Agnes's POV
"Alam mo ba nung unang araw namin sa bahay na yun? Grabe talagang napakatahimik ng bahay at niisa samin ay walang may balak na gumalaw o magsalita. Pero nagsimulang umingay nalang nung magreklamo si ace at harris na nagugutom raw sila at wala man lang may gustong gumalaw para magluto. Tapos sinermonan nila kami na ano nalang ang mangyayari samin kung mananatili kaming tahimik. Kaya ayun, gumalaw narin si Sebastian at Anthony na magluto para sa lahat, since silang dalawa lang ang may alam sa pagluluto bukod kay Heidi" pagkukwento nya sakin. Tumango tango ako habang nakikinig sa kanya at napapatawa ng mailarawan ko sa isip ang mga kinukwento nya. Si ace at harris na naninermon sa kanila at ang hindi maipintang reaksyon ng iba sa kanila.
"Kina bukasan narin nang malaman namin ang mga pangalan ng isa't isa, tapos unti unti na kaming nasanay sa isa't isa" dagdag nya. Napangiti ako dahil ramdam ko ang saya nya at naiingit tuloy ako dahil wala ako nung panahon na yun.
"Ikaw? Marunong ka bang magluto? Ano bang pinagkakaabalahan mo?" Sunod sunod nyang tanong sakin. Ngumiti ako ng maramdamang nakuha ng tanong nya ang atensyon ng iba kahit hindi nila pinapahalata, nararamdaman kong nakikinig sila samin.
"Isa sa hobby ko ang magluto, habang tinatapos ko ang pag-aaral sa tourism. Freelance model rin ako at singer" sagot ko. Bumakas ang pagkamangha sa mukha nya.
"Waahh you must be a celebrity then. Grabe!! Busy ka palang tao" komento nya. Tumango ako at ngumiti.
"Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw pa akong papuntahin ng mga magulang ko rito, ayaw nilang ilayo ako sa bagay na gusto kong gawin" dagdag ko. Tumango sya.
"Kahit naman ako, nahirapan rin akong iwan ang mundong kinagisnan ko. Pareho kaming malapit nang grumaduate ng pagdodoktor" sagot nya. And there my curiosity again, about them.
"Magkakilala na talaga kayo since then? Talagang mag-asawa kayo?" Tanong ko. Tumango sya at mas lumawak ang ngiti na tila inaalala ang love story nila ni hiro.
"Yes. Actually it was an arrange marriage. We fell in love eventually and then boom bigla nalang namin na receive ang letter Olympus academy" sagot nya. Kahit maikli lang ang sinabi nya, her smile is telling the whole story.
"You are so in love" komento ko. Tumingin sya sakin at nanlaki ang mga mata.
"You are the goddess of love, diba? So alam mo ang nararamdaman ko?" Hysterical nyang tanong. Tumango ako at ngumiti ng mapang-asar kaya napatakip sya sa namumula nyang mukha.
"Waahhh nakakahiya" natawa ako sa sinabi nya at nagpatuloy na sa pagkain.
"Kumain ka nalang. Mutual naman kayo kaya wag kang mahiya" sagot ko. Tinanggal naman nya ang kamay nya sa pagkakatakip nito sa mukha nya at hinarap nya ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Talaga? Mutual kami?" Tanong nya. Tumango tango ako na ikinangiti nya at naging magana ito sa pagkain.
Pagkaubos namin ng pagkain ay nagtungo kami sa maliit na tulay na gawa sa kahoy at binabad muna ang paa namin sa tubig habang naliligo parin ang apat.
"Takbo naaaa!" Rinig kong sigaw ni Harris sa likuran namin ni Prea at ilang sigundo lang ay sunod sunod ang pag talsik ng tubig sa tabi nila Ace at nadamay pa nga ang tatlong babae.
Nakita kong lumitaw ang ulo ni Harris natatawa tawa habang nakikipagsabuyan kay Ace at sumunod naman na lumitaw sina Zachary, hiro, Petter, at Anthony.
Napansin ko rin na nawala si Prea sa tabi ko yun pala ay nahulog ito ng dumaan si Harris. Natigilan ako ng may umupo sa tabi ko at nagabot ng barbeque. Ngumiti ako at tinanggap rin naman ito, sya nalang at ako ang hindi pa naliligo. Who? Si Sebastian na ngayon ay katabi ko at syang nagbigay ng barbeque.
"Salamat" salita ko at kinain na ang binigay nya. Ngumiti lang sya at sumulong narin sa tubig.
Sa pagkakabasa ko, panget si Hephaestus na asawa ni Aphrodite pero ibang iba si Sebastian kay Hephaestus, kitang kita ko ang personalidad nito na isang simpleng lalaki lang sya, yung tipong mahirap hanapin sa mundo ngayon. Yung tipong magaan kausap at hindi magpaglaro, yung tipong may respeto sa kapwa nya.
"Agnes! Hali ka na!" Ngumiti ako kay prea ng paanyayaan na naman nya ako. Tumango ako at tumayo, nilapag ko lang ang stick ng barbeque saka ko hinubad ang sando ko at lumusong sa tubig.
Agad akong lumangoy ako paitaas at nagtungo kay prea kaso may tubig na sumaboy sa mukha ko kaya nanlabo ang paningin ko pero nang makapag-adjust nakita ko si Ace na tatawa tawa kasama si Harris kaya tinalsikan ko rin sila at ayun, nagtampisaw na kaming tatlo sa tubig at nasali sina prea at heidi.
Matapos kaming magtampisaw ay bumalik kami ni heidi sa mesa dahil nagyaya itong kumain. Sinamahan ko naman at uminom lang ako ng softdrinks. Bumalik narin si Sebastian sa pagbarbeque kasama si Anthony habang sina helena ay nakaupo doon sa inuupuan namin ni prea.
"Agnes! Barbeque gusto mo?" Nag-angat ako ng tingin kay prea na nandoon pala sa nagbabarbeque. Tumango ako at lumapit ako sa kanila at kumuha ng barbeque at kinain ito.
"Heidi gusto mo?" Alok ko kay Heidi. Tumango naman ito at lumapit narin kaya nilagyan ko sya sa plato nya.
"Salamat agnes" salita nya at ngumiti lang ako saka kumain nalang ulit.
"Masarap noh?" Tanong ni prea. Tumango naman ako at ngumiti.
"Syempre dinaig pa ang pinakamahusay na chef ng buong mundo ang dalawang 'to" salita nya at tinuro turo pa si Sebastian at Anthony. Ngumiti lang ako sa dalawa.
"Walang binatbat silang dalawa pag ako ang nagluto" biro ko at bahagyang tumawa. Natawa narin sina prea at Heidi saka inasar ang dalawa habang si Anthony ay seryosong tao at si Sebastian naman ay pasimple lang na ngumiti.
Pagkatapos naming kumain at magligpit narin ng mga gamit ay bumalik na kami sa bahay. Pagkapasok sa kwarto ay hinyaan kong mauna si Akira sa banyo at nagtungo muna ako sa bintana at binuksan ito.
Nagtungo ako sa closet ko at kumuha ng pantulog saka nilapag sa kama. Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa drawer. Binuksan ko ito at nakitang nakawifi pala ito. Aba, meron palang wifi rito at ang dami na namang notification sa bawat social media accounts ko. Tapos biglang mag-appear ang isang litrato na nakakuha ng atensyon ko.
It was the car accident. Kitang kita roon ang katawan ng mga magulang ko at nakalagay na doon na patay na talaga sila. Muling bumalik sakin ang lungkot at sakit sa dibdib ko.
"I'm sure they are happy wherever they are" napalingon ako kay akira ng magsalita ito. Kakalabas nya lang pala mula sa banyo. Ngumiti ako at pinatay ang cellphone ko.
"You should be too" dagdag nya.
"Of course" sagot ko at kinuha ang damit at tuwalya na nasa kama saka pumasok ng cr at naligong muli.
Medyo nagtagalan ako sa pagkakaligo at nangmakalabas ako ay natutulog na si akira. Bumuntong hininga ako at kinuha sa drawer ng closet ko ang blower saka ako naupo sa mini table at sinaksak ang blower. Binuksan ko ito at gumawa ito ng tunog saka ko tinapat sa buhok ko.
Natigilan ako ng tila nakaramdam ako ng alarma sa magkabilang kwarto at ang sigawan nila.
"What the heck is that?" Rinig kong iritang tanong ni azra sa kabilang kwarto. Tila nagkamagnitude 5.0 dahil sa mga kalabog at sigawan nila sa labas.
Ilang minuto lang ay bumukas ang pintuan namin at ang gulong gulo na itsura ni Prea ang bumungad sakin at natawa ng makita ang hawak ko. Nakita ko ring sumilip si Ace at Hiro.
"Ah! Pasensya na agnes, akala kasi namin kung ano na" paumanhin ni prea saka sinara ang pinto.
"Blower lang po! Blower lang para sa buhok ni agnes. Wag kayong magpanic at matulog na tayong lahat" rinig kong salita ni Prea sa labas ng pinto. Teka, hindi ba uso sa kanila ang blower?
"Pasensyahan mo na sila agnes, we never had a housemate who use blower. Nandito ka na kaya, dapat masanay na sila" napatingin ako kay akira gamit ang salamin. Natatawa akong tumango at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Prim_rose7
BINABASA MO ANG
Reincarnation of goddess Aphrodite✓
FantasyHighest rating: #1 in Kindness, #1 in Greeks. #1 in Mystery. #1 in Aphrodite. #1 in Deities. They say she's the most beautiful women in the world, the typical woman who makes every man drool. Some says she's a total bitch and slut. But they forgot o...