chapter 17: Alaala

0 0 0
                                    

Aldren pov

Umupo agad ako sa lamesa ko at tinitigan ang papel na hawak ko apat na pages yun kaya binasa ko mula sa una.

" alas dyis sa Domingo na dadating ay may ilang armas ang ipapadala sa hacienda bañaz maaring maunahan natin sila at tambangan upang magamit sa susunod na pagpaplano"

"Mahusay!--may tama ka!"

Parang isang memorya na pumapasok ang mga eksenang yun sa utak ko, lahat ng binasa ko lahat yun parang isang ala-ala

"Ang mga gwardya sibil ako ang siyang hinahanap nila at ang sugat sa kaliwang braso ang makakapagsabi"

Napatingin ako sa orasan ko at nagsimula ng magsulat.

Sa bilis ng nga eksena sa isipan ko ,ganun din kabilis ang pag tatype ng kamay ko sa laptop.

Parang gusto ko lang ipikit ang mata ko at alalahanin ang mga eksenang yun sa isip ko para bang ang mga eksena sa kwentong ito ay buhay na buhay sa akin at lahat yun nakikita ko.

Mahirap ipaliwanag pero ang kwentong ito, parang may parte sa loob ko na familiar kaya ganun nalang siguro ang pagka obsess ko na taousin ito, hindi ko man sabihin ang babae sa storyang ito parang gusto ko siyang makilala parang ang babaeng ito-----

Siya ang babaeng matagal ko ng nakikita sa panaginip ko.

..

1895 Philippines

Fransisca POV

Nang makaaalis na ang mga guardia sibil sa kwarto ay agad akong lumusot sa ilalim ng lamesa at dinampot ang hawak kong baril. dali dali akong tumayo at nilusot ang sarili ko sa maliit na pasilyo sa pagitan ng mga Aparador.

Ang lusot nun ay isang madilim na kwarto. Silong ito ng pueblo feliz inangat ko ang isang kahoy na sahig at binuksan ang baul doon, itinago ko ang hawak kong baril kasama pa ang ilang armas at pasabog.

tinakpan ko yun ng mga retasong damit at dayami at sinarado muli.

Pagsarado ay dali dali kong hinubad ang suot kong camisa pinunit ko rin ang panuelo ko at itinali iyon sa balikat ko upang di na magdugo pa panloob na lamang ang natira sa akin ,

Kahit daplis lamang ang tama ko ay ramdam ko ang hapdi at sakit nito kaya sa tuwing pinapahiran ko ng tubig ay napapapikit nalang ako.

Maykagat kagat rin akong piraso ng camisa upang di marining ang sigaw ko na Pinipigilan ko rin.

Kinuha ko ang sinulid at Karayom upang tahiin ang nakabukang sugat ibinabad ko muna iyon sa tubig na pinakulo ko kasama ang dahon ng bayabas ,

Ipinikit ko ang mata ko at pinunasan ang sugat ko ng maligamgam na tubig at bayabas,

huminga muna ako ng malalim bago ko itinusok ang karayom sa aking braso ramdam ko ang sakit pero dahil sa pagmamanhid narin ay kahit papaano di na masyadong masakit.

Sa pagtusok ng karayom ay hindi gaanong masakit ngunit kapag hinihala ko na ang sinulid tila napapasigaw ako buti nalamang ay may nakabusal sa aking bibig.

Nakailang tahi ako bago pa sumarado ng maayos ang sugat ko,

Dahil sa pagturo sa akin ni madam melia at pagsama sa kaniya sa paggamot sa mga sugatang kasamahan ko ay sisiw nalamang sa akin ang pag tahi dito kagat kagat ko rin ang sinulid upang maitali ko ng maayos.

Pagkatapos ko tahiiin iyon ay tinakpan ko na iyon ng puting Bandana.

Napapikit ako sa sakit, pero napangiti ako ng maalala kong sa sakit ng nararamdaman kong ito ay kahit papaano ay napawi dahil nagtagumpay ang aming misyon.

EL OCASO (Dapithapon)Where stories live. Discover now