CHAPTER 6

311 25 3
                                    

. C H A P T E R 6 .

Rainne's POV

So mas nauna pa akong magising kesa sa tumunog ang alarm clock ko.Bumangon na ako at dahan-dahang nagtungo sa banyo upang magbawas ng sama ng loob.Wala atang stell na nang-iinis,hay salamat!

"hmmm,ang bango naman nun"bumaba ako at nagtungo ng kusina dahil dun nanggagaling ang mabangong amoy,ang ngiti at pagkasabik ko ay napalitan ng inis dahil si stell pala ang nagluluto

"good morning"pang-iinis nitong bumati at nakangiti pa.Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang topless ito at tanging apron lang ang nakatakip dito.Agad kong tinakpan ang mga mata ko but my eyes keep on betrayin me dahil sumisilip!

"bastos!Mag damit ka!"tumawa ito ng mahina at nagsuot ng damit

"sus parang di mo naman nakita to"babatukan ko na sana siya pero nahawakan niya ang kamay ko

"ano ba!"

Inilapit naman ni stell sakin ang mukha niya

Stell's POV

Iniinis ko si ulan at inilapit pa ang mukha ko sa kaniya.Natitigan ko ang buong mukha niya.Mula sa makapal nitong kilay,kulay kayumanggi na mga mata sa cute nitong ilong,at yung labi niya.Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang atensyon ko sa adobong niluto ko.

Lumapit naman si ulan sakin,at akmang kukuha ng isang pirasong adobo.Pero nilayo ko ito sa kaniya.

"ang damot!Bakal!"pagmamaktol nito.B-ba't ang cute niya pag naiinis?

"magluto ka ng iyo"

"mabulunan ka sana!"magbibigay na sana ako sa kaniya,kaso nga lang mas gusto ko yung naiinis siya.Lumapit ito sa kalan at nagluto ng itlog

Rainne's POV

And so nginunguya ko na yung itlog na niluto ko.Kasi ang damot ni stell!Nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain at ganun din siya.

"hmm ang sarap!"sabay painggit sakin,sinamaan ko lang siya ng tingin

"mabulunan ka sana!"nagulat na lang ako ng mabulunan nga si stell

"t-tubig"nginitian ko lang siya kasi baka nang-iinis lang pero takte!Di na siya tumigil,kaya kumuha na ako ng tubig at lumapit sa kaniya

"ito inumin mo"inabot niya ang baso pero nasama yung kamay ko,magkahawak na kami ng kamay.Hinaplos haplos ko naman ang likod niya.

Nagkatinginan kami,at naging awkward ang paligid.B-ba't ganto?Ang bilis ng tibok ng puso ko!Nag-iwas na ako ng tingin,magsasalita pa sana si stell.Pero tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko.Nagpunta na ako ng banyo para maghandang pumasok ng school.

Pero di ko pa rin maalis sa isipan ko yung titigan namin kanina.

"rainne ano ba!?"sabay sampal ko sa magkabilang pisngi ko,ano ba to?!

HousematesWhere stories live. Discover now