3

302 14 3
                                    


"Senyorita mag bangon na daw ho kayo at naka handa na daw ho ang hapag."

Inis kong tinakpan ng unan ang tenga ko muling nag kumot.

"Senyorita?"

Pero naririnig ko padin ang pag katok nila sa pintuan.

Kaya naman inis na akong bumangon habang pupungas pungas pa at medyo sumasakit ang ulo.

Hindi naman ako nalasing kagabi ah?

*knock...knock...knock.*

"Susunod na!" Sigaw ko at tumayo na sa kama ko at pumasok sa banyo ng kwarto ko.

Napa pikit ako ng paulit ulit ng hindi ko makita ang sink sa cr hala bakit puro timba na kahoy ang nandito?

Wah? Nasaan ako?

Agad akong bumalik sa loob ng kwarto at doon ay napag tanto ko ang makalumang desenyo nito.

Nag bakasyon ba kami?

O

Baka naman habang natutulog ako inerenovate yung bahay namin?

Hala?!

Pero imbis na mag mukmok ako ay binuksan ko nalamang ang pag kalaki laking bintana sa kwarto kaya naman bumungad sakin ang nakakasilaw na liwanag ng araw at ang malamig na simoy ng hangin.

"Luh nasan ako? Hindi kaya pinag titripan ako ni Madi? Isa pa ba ito sa mga surprise nya?" Lito kong tanong sa sarili ko.

Napa kamot na lang ako ng ulo ko at umiling.

Nababaliw na ba ako?

"Senyorita gising na ho ba kayo?"

"Lalabas na po!" Balik kong sigaw at napa sampal na lang sa noo ko.

Sinuklay ko muna ang buhok ko bago lumabas sa kwarto at dahan dahan akong nag lakad papalapit sa hapag kung saan natatanaw ko ang dalawang mag asawa na masayang kumakain.

"Senyora Amelia at Senyor Rolando ang senyorita Helena gising na ho," Helena? Amelia? Rolando?

Pamilyar.

"Maupo kana hija at saluhan mo na kami ng iyong Ama," naka ngiti na sabi nung magandang babae.

"P-po?" Naguguluhan kong tanong at itinuro ko pa ang sarili ko.

"Hija hindi mo ba nais ang naka hain sa hapag?" Agad akong umiling at naupo sa upuan.

"Helena anak sa darating na ika-anim ng gabi ngayong araw mag kakaroon ng maliit na pag diriwang para ganapin ang iyong kapanganakan may nais kaba na paanyayahan?" Napa lunok ako ng mag tama ang mata namin nung Rolando.

Pero teka tinawag nya ba akong anak?

"Pagdiriwang? Kapanganakan?" Nalilito kong tanong kahapon pa ang birthday ko ah?

Pamilyar talaga sakin ang mga pangalan.

"Makikilala mo rin ang ginoo na papakasalan mo Helena," sambit ni Rolando at napa tingin ako kay Amelia.

Marahan lang itong ngumiti sa akin.

Pinag sawalang bahala ko na lamang ang lahat at kumain na hindi ko alam kung bakit tinatawag nya akong anak at Helena kahit na ang pangalan ko ay Hera, pero hinayaan ko na lang.

Baka kaya nanaginip ako?

Pero imposible kase parang totoong totoo.

OMG hindi kaya naka pasok ako sa isang storyang binabasa ko? Kase may nababasa ako na ganito eh, pero kung naka pasok ako sa story anong story naman ito?

I Love You Until 365 Days (On- Going)Where stories live. Discover now