CHAPTER 28

21.3K 810 6
                                    

AS Prexia and I reached the ground floor we nodded at each other, then parted ways. Hindi pa man ako nakalalabas ng gusali ay agad na akong sinalubong ng mga putok ng baril mula sa mga nakapasok na kalaban. Mabilis akong nagtago sa isang pader at kinuha ang baril ko sa likuran, pumosisyon ako at inasinta ang apat na kalaban habang patuloy na dumedepensa sa pagpapaputok nila.

Isa, dalawa, tatlo, magkakasunod na pagpapakawala ko ng bala kasabay ng pagbagsak ng mga duguan nilang katawan. Umikot ako patungo sa kanan ng tinataguan kong pader at binaril ang isa pang natira.

"Are you okay, my lady?" usisa ni Lanz mula sa earpiece na nakakabit sa 'kin.

"Nakita mo ba si Kakia?" balik kong tanong at kumilos palabas ng gusali.

"Hindi ko pa siya napapansin," sagot ni Lanz sa kabila ng maiingay na putok ng baril sa linya niya.

"Prexia, napansin mo ba?" sunod kong tanong sa kaibigan ko.

"Not yet," she answered as I heard a clashing of blades on her line.

Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka at muling nagmasid sa paligid. Nagtago ako sa isang sulok at pinagmasdan ang mga nagkalat na kalaban.

"Ilan ang kalaban mo riyan sa hilaga, Lanz?"

"Around fifty."

"South, Prexia?"

"I can't count them properly, but I am sure they are around fifty as well."

I gritted my teeth as I darkly stared at the enemies around me. "Let our underlings handle this. Let's meet in the middle," I ordered coldly, gripping my sword on my left hand as I prepared my gun on my right.

Lumabas ako sa 'king pinagtataguan dahilan para sunod-sunod na sumugod sa 'kin ang mga kalaban. Dalawa ang naunang tumakbo patungo sa direksyon ko, iwinasiwas nila ang hawak nilang espada para asintahin ang aking leeg ngunit mabilis akong yumuko at saka hiniwa ang tiyan ng isa habang pinaputukan ko naman ulo ng isa pa.

Parang hangin akong tumakbo upang maiwasan ang parating na bala galing sa tatlo pang sumugod na kalaban. I kept running to dodge the bullet as I went towards them. I smirked devilishly when I saw them panic at my presence.

That's it. Be scared of me, assh*les.

"Die," I uttered, and I slashed the throats of the two opponents. Nagsimulang kumilos paatras ang isa pang natira, nagbabalak na tumakas habang nananatili ang pagpapaputok patungo sa 'kin.

Tulad ng ginawa ko kanina ay mabilis kong iniwasan ang mga iyon. Hindi na mahirap sa 'kin ito sapagkat sinanay ko ang aking sarili noon pa sa pagpapatalas ng pakiramdam ko upang makalkula ang bilis at direksyon ng bala mula sa nagpaputok nito.

"Game over," I stated, and I smiled emptily as the enemy's face went pale. His gun just ran out of bullets.

"Spare me." He stepped back as I walked closer.

I licked my bottom lip and lowered my gaze to my weapons. "How should I kill you?" walang emosyon kong tanong at tumigil sa paglalalakad saka siya tiningnan.

Mas lalo pa siyang nawalan ng dugo ngayon sa sobrang putla. I laughed evilly and aimed my gun at him. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumakbo.

Marahan akong umiling at itinaltik ang aking dila. "No matter how far you ran, you can never escape my bullet." I then pulled the trigger, watching him fall to the ground, lifeless.

Kumilos akong muli upang magtungo sa pinagkasunduang lugar. Marami pa ang kalaban na sumalubong sa 'kin ngunit ni isa sa kanila ay wala man lang nakatama sa 'kin, bagay na lalong ipinagngingitngit ng loob ko.

Taming The Mafia Queen (COMPLETED)Where stories live. Discover now