CHAPTER 23

79 5 0
                                    

"Nasaan ang inaanak ko?" Agad na tanong ko kay Nicca dahil may pasalubong akong cookies na paboritong-paborito baby namin.



"Baby, nandito ulit si Mama Valerie." Rinig kong sabi ni Nicca at nakita kong kinuha niya mula sa crib ang inaanak ko.



"Akin na nga muna, tingnan mo itsura mo Nicca. Sinabi ko naman sa'yo na magpahinga ka na lang, kaya ko naman kayong suportahan kung papayag lang 'yung boyfriend mo. Hindi mo na kailangan pagurin ang sarili mo sa hospital." Pagsermon ko sa kanya at tinalikuran naman nya ako para ipagpatuloy ang ginagawa nya sa kusina.



"Salamat na lang girl. Sobrang swerte ko talaga na kaibigan kita." Humarap siya sa akin at bumuntong hininga. "May hiya rin naman ako. Kahit kaibigan kita ayaw ko pa ring ikaw ang sumuporta sa pamilya ko tsaka may trabaho naman ang boyfriend ko, hindi nga lang kalakihan ang kita pero sinisikap naman namin na mapalaki ng malusog si Wennica." Ngumiti siya ng marahan pero kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya. "Kung kaya ko lang dalawahin ang katawan ko, gagawin ko, para habang nagtatrabaho ako naaalagaan ko rin ang anak ko."



"Hay nako anak, umiiyak na naman ang Mommy mo." Hinele-hele ko si Wennica habang pinupunasan ko naman ang luha sa pisngi ni Nicca. "Kahit ngayon lang sana Nicca, ngayon lang ako babawi sa'yo sa lahat ng utang ko sa'yo. Hayaan mo naman akong tulungan ka. Ganito na lang, since ayaw mo rin naman tumigil sa trabaho pwede mo naman iwan kay Mama si Wennica! Para din makatipid ka 'diba! Imbis na magbayad ka pa ng ibang tao na mag-aalaga sa anak mo, kay Mama na lang. Libre pa at sigurado akong ligtas sya don."



"Ay nako! Nakakahiya kay Mama! Halos sya na nga ang nagbayad ng kalahati sa bill ng hospital noong nanganak ako tapos sya pa ang papagurin ko para mag-alaga ng anak ko? eh dumoble na nga ang likot ni Wennica." Natawa na lang ako dahil ang bilis nyang magsalita.



"Wala namang kaso kay Mama 'yon tsaka parang hindi mo kilala 'yon, noong unang beses nyang binuhat si Wennica halos ayaw nang bitawan. Ayaw mo ba non? Makakasiguro ka nang ligtas si Wennica tapos nakakabonding pa nya ang lola nya, kaya pumayag ka na please? Nag-aalala lang naman ako sa inyong dalawa." Halos magdrama ako sa harap ni Nicca para lang pumayag sya na kay Mama na lang nya iiwan si Baby kapag nasa trabaho kami.



"Oo na..." Bumuntong hininga siya. "Pero tatanungin ko muna si Sky, nakakahiya naman kasi baka isipin nyang tumanggi akong ipaalaga si Wennica sa Parents nya tapos papayag ako na ipaalaga sa Parents mo ang sarili naming anak."



May punto din naman sya pero mabait naman si Sky, sigurado akong maiintindihan nya ang kalagayan nila ni Nicca.



"Speaking of your boyfriend, there he is. Kausapin mo na, akin muna si Wennica at mamasyal kami. Usap well." Buhat ko si Wennica at nakasalubong ko si Sky. Huminto sya sa harapan ko para halikan ang anak nya.



"Nandito ka pala." Nahihiyang sabi niya at napakamot pa sa batok.



"Ah oo, dinadalaw ko lang si Nicca pati 'tong inaanak ko. Alagaan mo sila kung ayaw mong sunugin ko bahay nyo!" Pagbibiro kong sabi at natawa naman siya at itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko.



"Opo, aalagaan ko po ang apo at anak nyo." Aba! Nakikisakay na sya ngayon sa mga biro ko ah! Dati sobrang nahihiya sa'kin, good, improving ka.



"Tama na nga 'yan. Hayaan mo nang umalis 'yang nanay ko, hiniran nya lang apo nya." Si Nicca naman ang bumuwelta ngayon at pinagtawanan nila akong dalawa!



"Hoy kayong dalawa! Kikidnappin ko 'tong anak nyo isa pang tawa nyo!" Tumigil sila sa pagtawa pero si baby Wennica naman ang bumungisngis kaya ang ending lahat kami ay nagsitawanan.



Love In The Clouds | ✔Where stories live. Discover now