Chapter @1

26 4 4
                                    

Hi guys,My name is Ophelia Amana Dixon.

Pero ang tawag ng nanay ko sakin ay Lia kasi daw masiyadong mahaba ang Ophelia. Marisol, yan ang pangalan ng nanay ko. Di ko alam kung nasaan ang tatay ko,tuwing tinatanong ko si nanay tungkol sa tatay ko ay iniiba nito ang topic kaya wala akong alam siya kanya. Wala rin akong kapatid at kaibigan, Di ko alam kung bakit wala akong kaibigan dito sa probinsiya,marahil wala kasi akong tatay. Lagi nila akong inaasar na wala akong tatay.Tuwing may family day sa school namin ako lang lagi ang walang kasamang tatay.

Ewan ko pa kung bakit big deal sa kanila yon. Pero okay lang yun kasi may masipag naman akong nanay at syempre sa sobrang talino ko who you sila. De joke lang, pero tunay nga! Lagi akong nakakasali sa mga pacontest ng school namin. Oh dba may ipagmamayabang naman ako eh, di katulad ng iba na ang yabang at ang ganda nga wala naming brainy. Sorry for the word pero totoo naman eh..

Ngayon ay summer break na namin. Napagisipan kong magtrabaho para tulungan si nanay kaysa naman na nasa bahay ako .Pero hindi ako pinayagan kasi daw baka daw may mangyaring masama kaya hindi na rin ako tumuloy. Tinulungan ko nalang si nanay sa karinderya namin.

Malapit na ang pasukan pero di ko alam kung saan ko ipapatuloy ang high school ko. Ayaw ko na dun sa dati kong school dahil madaming bully at the same time hindi maganda ang pagtuturo doon. Napagisipan ko na magpunta kami ni nanay sa Laguna at doon manirahan. Dahil taga roon daw si nanay dati.

"Nay,kung sa Laguna nalang kaya akong magaral" sabi ko habang hinuhugasan ko yung mga pinagkainan ng mga costumer.

"Naku,wala tayong pera pampaaral mo sa Laguna. Mahirap mamuhay doon"sagot naman sakin ni nanay.

"Nay isipin mo, may mga taong nagtatrabaho doon tapos may karinderya kayo,mas lalaki na ang kita mo kesa dito sa probinsiya"

"Pero anak yung pagaaral mo ang iniisip ko baka di natin kayanin doon"pagtanggi pa rin niya

"Nay,pwede naman akong magapply ng scholarship ehh" Pagpilit ko sa kanya.

"Basta dapat makaapply ka ng scholarship dun na tayo titira,okay?" pagsagot niya sakin

"Syempre naman nay. Matalino kaya tong anak niyo"paglalambing ko sa kanya at niyakap niya naman ako.

Ilang linggo na rin ang lumipas ng pagtira naman dito sa Laguna .Nakahanap kami ng bahay na may konting space para sa karinderyang itatayo ni nanay. Sabi ni nanay dito raw siya lumaki pero nung nagretiro siya sa pagiging yaya pumunta nalang siya sa probinsya naming upang samahan si Lola. Unang araw palang ng binuksan ang karinderya ni nanay ay marami na agad bumuli dahil sa sarap ng luto ni nanay.

Yung bahay naming simple pero masaya. Kahit maliit lang ito masaya naman ang mga kasama ko sa Bahay. That's all that matter. Di kailangan ng malaking Bahay para lang sumaya. Gusto ko ng malaki ang bahay pero mas gusto ko parin ang ganitong sakto lang para sa amin. Kaysa naman sa malaki ang bahay, mukhang boring, tapos minsan lang kayo mag kikita kasi malaki yung bahay di din kayo magkikita. Gets niyo ba ako?

Papunta na ako sa school na pagaaplyan ko ng scholarship ang SKYLINE HIGH. Isa ito sa pinakamagandang school sa buong Laguna, kita palang sa mga karatula na maganda at puro mayayaman ang mga napasok dito.Kaya nakuha nito ang interest ko.Papunta na ako sa room kung saan ako magtatake ng exam nang biglang may nambangga sakin na isang babae.

"Ano ba"naiirita kong sabi.

"Why,ohhhh sorry I didn't see you there. Oh san ka pupunta? Sinulyapan niya yung room na papasukan ko. "Ohh you'll take the scholarship exam?" Tumigil siya ng ilang segundo at biglang humagalpak ng tawa.

"Yuck di afford" Sabi naman nung kasama niya.

Narinig ko pang magtawanan yung mga kasama niya. Halatang mayaman siya. Sa pananamit niya palang aakalain mong model dahil maganda rin siya. Maganda rin naman ako kaso hindi mayaman, pero kahit na! Mas Maganda naman yung may magandang ugali katulad ko kesa sa kanya ang ganda nga basura naman ang ugali. Edi waley den.. Hays ganto talaga problema sa taga ibang lugar ang mamaldita akala naman ikagaganda nila yon.

Infairness, madadali lang yung mga questions. Hindi sa pagmamayabang ha, masyado kasi akong advance sabi ng nanay.

After kong magtake ng exam ay muntik na akong masagasaan dahil sa pagkakairita ko don sa bruhang bumangga saken, well she's not worth to think naman. Sa sobrang gulat ko napaupo ako sa lupa. Bumaba naman yung lalaking nagdadrive.

"Miss, are you okay?"tanong niya sakin. hawt.

"Mukha ba akong okay?Kung magdidrive ka sana bagalan mo ha. Makakapatay ka ng tao ng wala sa oras."ani ko habang pinapagpagan ang damit ko. Umalis na agad ako dun kahit nakatulala pa rin siya sa sinabi ko. Narinig ko siyang magsorry pero di ko na siya nilingon.

Nagiintay nalang ako sa text kung nakapasa ba ako o hindi.

Sumunod na araw ay natanggap ko na agad yung resulta ng scholarship exam ko sa Skyline High. Grabe ha ang bilis naman checkan.

"Nay,sorry"

"Anak.okay lang may iba pa diyang school"pagcocomfort sakin ni nanay."Balik nalang tayo sa probinsya."

Biglang lumaki ang mga mata ko.Hala! "Teka naman Ma." Paiyak kong sabi."Wag naman ganon."

"Napagkasunduan natin na pagnaka pasa ka sa Skyline tsyaka lang tayo lilipat ng permanente dito. Bilisan mo mag impake ka na." Aligagang sabi ni nanay.

"Ma, sorry ma."Malungkot kong pagtatapat sa kanya. "Sorry kung nagsinungaling ako"

"Ha?"nagtatakang tanong ni nanay

"NAKAPASA AKO NAY!!!"

Akala ko ay yayakapin niya ako.

"Nay ang sakit non!" sabay himas ng batok ko.

"Buti nga sayo! Aatakihin ako sa puso dahil sayo." Galit na saad niya.

Yumakap ako sa kanya."Sorry na nay!" Napangiti naman ako nang yakapin niya ako pabalik.

"Ang galling talaga ng anak ko"pagsabi niya sakin ng nakangiti.

"Kanino pa kaya ako magmamana edi sayo"at sabay kaming nagtawanan.

"Bakit naman kailangan mo akong biglain kanina? May pa 'Nay sorry' ka pang nalalaman." Ginaya naman niya yung pagkakasabi ko sa kanya kanina.

"Ano ba Nay siyempre di ko agad sasabihin sa inyo agad agad na nakapasa ako para naman Makita ko yung reaksyon mo nay. HAHA Nay kung nakita niyo lang itsura niyo kanina! Laughtrip!" Di parin ako maka-move on sa reaksyon niya kanina.

"Luka ka talagang bata ka." Umiling iling pa siya. "Halika nga rito." Napangiti naman ako at yumakap kay nanay. "Anak mag iingat ka sa bagong paaralan mo ha? Pag may naka-usap ka man na nagtanong tungkol sa pamilya mo o tungkol sakin wag mo nang sasagutin."

Nagtaka naman ako sa sinabi ni nanay. "Ha Nay bakit po?"

"Basta sundin mo nalang sinabi ko ha. Matigas pa naman ulo mo!" Napatawa naman ako sa sinabi ni nanay. Bumuntong hininga si nanay at pumunta na sa kuwarto niya. Hindi ko na natanong kung bakit ko kailangang iwasan yung mga magtatanong sa pamilya ko? Di bale na kailangan ko na pala bumili bukas ng mga requirements.

SKYLINE HIGH HERE I COME!!!!

to be continued~

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon