BATA

655 2 0
                                    

KINABAHAN AKO

____Sa super market habang nag lalakad, may nakita ako na bata do'n, di sya umaalis sa pwesto nya, kaya naman napalibot ang paningin ko sa palagid. Pero wala naman ibang na ro'n sa mga oras na 'yon, kaya nilapitan ko na sya.

Baka nawawala eh, tutulungan ko.

“Hello bata” kinausap ko sya sa malumanay na boses “nawawala kaba.”

Tanong ko sa kaniya yo'n, subalit wala ako nakuhang tugon kaya nag pa tuloy ako.

“Gusto mo ba may tawagin ako oh.. samahan kita para makauwi—” pinutol nya yung pag sasalita ko.

“Bakit” sabi nya, napa tanga naman ako, anong bakit. Naguguluhan ako, mukang naintindihan nya naman 'yon kaya dinugtungan nya.

“Bakit mo ako nakikita, ikaw pa lang yung unang taong nakakakita sakin dito” nag tayuan yung balahibo ko, kasabay no'n ay parang may malamig na hanging dumaan. Meron nag sasabi sakin na dapat umalis na ako, oh- kaya tumakbo na.

Pero di ako maka galaw.

Yung bata nakatitig lang sakin ng inosente habang patuloy sa pag kabog yung dibdib ko.

“Hailey!.” boses ng babae kaya napalingon ako, di pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

“Anak diba sinabi ko sayo na wag ka manakot ng kung sinu sino.” gusto ko mapamura, hinawakan nya yung bata at nginitian ako na para bang humihingi ng paumanhin.

Nakahinga ko ng maluwag, grabe. Palakad na sila nilingon pa ako ng bata at nilabas dila nya bilang pang aasar sakin.

Bwisit na 'yon. Nadali ako


SOLIVAGANTLAW

ISTORYAWhere stories live. Discover now