Kabanata 12
Andrada
Ilang linggo ang lumipas wala akong nakita kahit anino ni Mama. Mababaliw na yata ako. Wala akong ideya kung nasaan man siya ngayon o totoo bang nasa syudad siya.
Dahil sa madalas akong wala sa sarili, nalaman rin ni Isaiah ang dahilan kung bakit ako nandito sa Maynila. Maliban na lang ang tungkol sa mga Andrada. Ang tanging alam niya ay kung sino ang hinahanap ko.
Tinutulungan niya ako pero palaging bigo. Tuwing sa Sabado at Linggo namin nililibot ang iba't ibang bahagi ng Maynila, para mahanap lang si Mama.
He's been good to me so i trusted him. Wala na akong ibang kilala at malalapitan dito kung hindi si Isaiah.
Hindi niya ako binigo sa pangako niyang hindi ipagsasabi sa mga Andrada na kasama niya ako. Ilang linggo ang lumipas, walang lumapit o dumakip sa akin.
Hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan kapag lumalabas ng condo dahil maaaring may tauhan sila na pakalat-kalat.
Ang tanging magandang nangyari sa akin sa mga nakalipas na linggo ay nakahanap ako ng trabaho sa isang karinderya. Hindi man kalakihan ang sweldo, mabuti na rin kaysa wala.
Medyo malayo iyon sa condo kaya isinasabay na ako ni Isaiah sa umaga at sinusundo kapag gabi.
Sa sitwasyon ko ngayon, natuto akong ipagpasalamat ang mga maliliit na nangyayari sa akin. Hindi pa man nangyayari ang mga gusto ko ay ayos lang. May tamang oras doon at maghihintay ako.
Sabado ngayon kaya kasama ko si Isaiah sa sasakyan, maghahanap muli. Nasa bintana ang mga mata ko sa buong oras na paglilibot. Minsan ay bumababa kami para mapasok ang isang eskinita.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming nabigo. Ramdam ko ang bawat kirot ng puso ko sa tuwing natatapos ang araw na wala man lang kaming nahanap. Hindi ko narinig na nagreklamo si Isaiah sa paghahanap namin kaya wala akong karapatan na sumuko na lang.
"Pasensya ka na kung nadamay ka pa sa paghahanap ko." mahinang sabi ko habang nakatingin sa bintana.
He laugh a little. "It's okay. Wala naman akong ginagawa."
His voice is soft. I suddenly remember someone. My heart hurts when suddenly an image of him pops my mind.
Marahan kong isinandal ang sarili sa bintana at inabala na lang sa pagtingin sa labas.
"I got some news,"
Sumulyap ako sa kanya at agad ibinalik ang mata sa daan.
"Declan is getting married."
Natigil yata ang paghinga ko sa kanyang sinabi.
"I just heard that from my officemates. I'm not sure if that is true but there's a possibility."
I should be happy.
"Hindi naman kakalat kung walang katotohanan, lalo na kapag Andrada."
Sumulyap siya sa akin siguro nang mapansin ang pagtahimik ko. Agad na akong nagsalita para mawala ang ideya na namumuo sa isip niya.
"Mabuti naman. Kailan daw?" sinubukan kong magtunog interesado.
"I'm not sure but maybe next month."
Tumango-tango ako at maliit na ngumiti.
I should be happy. This what I wanted, even before when he's with me. I can still remember how I picture him with his wife before. Now, it's going to happen. I can't wait to see him together with his wife, even from afar.
BINABASA MO ANG
DM #1: Declan Andrada
RomanceKnown for his ruthless and cold demeanor, Declan Andrada is synonymous with just two words. In the world of business, he believes these traits are essential. With his fame, looks, wealth, and women, Declan is content with his worldly possessions. Lo...