chapter 1

10 0 0
                                    


" Dad gusto ko po sanang pumunta sa Band night mamayang gabi"

Andito ako ngayon sa office nya , nagbabakasaling mapayagan niya ko . Ako lang kasi sa magbabarkada ang hindi pa pinayagan.

" kasama ko naman po si rea"

Kaibigan ko kasi si Rea at pinagkakatiwalaan nila mom and dad siya , kada aalis ako dapat kasama ko sya para payagan ako.
Nakakainis lang hindi man lang nila ako mapagkatiwalaan. 

" Okay just call me if may problema , at wag na wag kang iinom"

Tumango ako , at umirap pero kamalas malasan nakita pato ni dad.

" Understood?! Ang bata mo pa para sa pagiinom patrisha!"

Napahinga ako nang malalim at tumango kay dad. Ang importante pinayagan niya ko.

" Hey rea pinayagan ako ni dad " walang gana kong sabi

Tinawagan ko si rea pagkalabas ko sa office ni dad .

" naks! Nice one! Sige pupuntahan kita mamaya matutulog muna ako pat! Bye!"

Naglakad nako papunta sa kwarto ko , nagtaka sguro kayo kung nasan ako andito ako sa bahay namin , may sariling opisina si dad dito samin , isa syang Building architect at busy sya palagi sa mga dinidesign nya.

Ako nga pala si Patrisha Vallerde , hilig kong kumanta , at tumugtog nang kahit ano, Yes? Aangal ka? , madali lang akong matuto sa kahit ano basta Instruments , pero hindi gusto ni dad yung mga hilig ko gusto niyang matulad ako sa kanila ni dad , and mom , pareho silang architect , marunong akong mag drawing  pero tinatamad ako , at alam kong hindi para sakin ang mga ganyan kasi , naiistress lang ako pag nag drawing ako , bata palang ako umiiyak nako basta pinapadraw ako nang bahay ni mommy .

Kaya hindi ko alam bakit ayaw na ayaw ni mom and dad na kumanta at tumugtog ako. Sinasabi nila wala daw patutunguhan ang lahat nang to, kaya wala akong magawa kung hindi humihiram lang ako nang mga gitara sa kaibigan ko, kasi hindi ako binibigyan nang pera para pambili nang mga gusto ko , pero mga ibat ibang klase nang lapis , at ballpen , ruler , papel , sobrang dami .

Napahiga lang ako sa kama kong sobrang lambot , at pinikit ang dalawang mata ko .

" anak gising anak gising"

Narinig ko ang boses ni mom , at agad akong napabangon . Nakatulog pala ako , hays.

" kumain kana andun nasa baba si Rea" ngumiti si mom and hinawakan na ang kamay ko para tumayo .

Ang aga naman ni rea shit! ano na bang oras ngayon?

8:30 pm?!

Nanlaki ang mata ko at agad pumasok sa Cr. Para maligo .

" Bumaba ka agad pagkatapos mo diyan anak" rinig ko pang habilin ni mom .

Nagmamadali akong naligo at nang matapos nagbihis ako , sinuot ko yung highwaist short and blue croptop na fitted sa katawan ko . Agad kong kinuha ang cap at wallet .

Nagmadali akong bumaba kasi baka anong sabihin ni Rea sa kanila , masyado akong natakot sa sasabihin nya kaysa malate sa event . Masyadong madaldal yun at baka masabi pa ang di dapat , masyado panamang conservating yung both parents ko .

" Oh bat parang hingal na hingal ka?" Tanong ni rea nang makababa ako. Inirapan ko sya , buti nasa sala pa sya at naka earphones , mukhang di pa sila nag uusap nang magulang ko  .

" kumain na tayo , pat , at rea " tawag ni mom

Agad kong tinignan nang masama si rea . Alam kong nakuha na nya yon .

" yes promise bespren!"

Inirapan ko lang sya 

" Ano ba ang pupuntahan niyo ngayon rea?"

Biglang tanong ni dad habang tahimik kaming kumakain.

Napairap ako nang marealize na , oo nga pala walang tiwala ang pamilya ko sakin.

" Band event po today tito" nakangiting sagot ni rea

Napailing ako , buti pa sya
Tinignan ko si dad , at tumango sya.

" Ito ba si patrisha , rea may boyfriend na ba?"

Nagulat ako nang tinanong ni dad yon . Did he thinks na may boyfriend ako Seriously?!

Tinignan naman ako ni rea , alam kong nakita nya yung pag iba nang mood ko .

" wala po tito , kaibigan niya po ako kaya alam ko po lahat"

Magalang na sagot ni rea , hindi naman sumagot si dad .

" buti ka pa alam mo lahat hija" biglang sinabi yun ni dad . Nakangiti sya pero ramdam ko ang sarcastic nang pagkasabi nya .

Tumingin ako nang masama kay dad , na ngayon nakatingin nasa pagkain nya .

" hon" si mom

Mukhang alam niya na kung san to papunta ang usapan. 

" yeah what hon?" Si dad na nakangiti at hinawakan ang kamay ni mom

Pero umiling lang si mom , at nagbuntong hinga . 

" well iuwi mo lang ang anak ko nang maayos rea" si dad  tumayo na at agad umalis.

Nawalan na din ako nang ganang kumain. Si rea din alam niya kasi kung gaano ko ka hate ang daddy ko . 

" pasensya na asawa ko hija" si mom nang iniwan na namin ang kusina.

"Okay lang po tita sge po aalis na po kami ni Pat" nag mano pa kami bago lumabas sa bahay. 

Binilinan naman ako ni mom na mag iingat .

" Grabe walang sawa ganun pa din daddy mo! Woah!" Napa woah talaga sya bago pumasok sa kotse nya.

Hindi ko sya sinagot at pumasok nalang din sa kotse nya.

" hindi nga pala niya alam na ang anak niya ay isang Bisexual" tumawa si rea 

" yeah at pag nalaman niya yan naku baka palayasin ako" umirap ako , tumawa naman si rea  " at pag nalaman niyang May jowa kang tomboy naku! Itatakwil ka din sa bahay namin at di na papasukin!"

Napailing si rea , kahit sguro sya , hindi maintindihan si dad. .





Can't Think StraightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon