Lesson 3: Purpose and Passion

510 2 0
                                    

SERIES #6: The Attributes of A Perfect Leader

(LESSON 3) Purpose and Passion
Read: Ephesians 3:2-11

Marahil ay nabalitaan na ninyo na dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay pinagkatiwalaan niya ako ng tungkuling ito para sa inyong ikabubuti. Tulad ng naisulat ko na sa ilang salita, ipinaalam sa akin ng Diyos ang kanyang lihim na panukala. At habang binabasa ninyo ito, malalaman ninyo kung ano ang pagkaunawa ko sa lihim na panukalang isinakatuparan ni Cristo. Ito'y hindi ipinaalam sa mga tao noong mga nakaraang panahon, ngunit inihayag ngayon ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu, sa kanyang mga banal na apostol at mga propeta. At ito ang lihim: sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay mga tagapagmana rin tulad ng mga Judio, kabilang din sa iisang katawan, at may bahagi sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus.  Sa kagandahang-loob ng Diyos, ako'y ginawa niyang lingkod upang ipangaral ang Magandang Balita. Ang tungkuling ito'y ibinigay niya sa akin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Ako ang pinakahamak sa lahat ng mga pinili ng Diyos. Gayunma'y minarapat niyang ipagkaloob sa akin ang natatanging kagandahang-loob na ito, na ipangaral sa mga Hentil ang Magandang Balita tungkol sa di-masukat na kayamanan ni Cristo, at upang maipaunawa sa lahat kung paano isasagawa ng Diyos ang kanyang lihim na plano. Sa mga nakaraang panahon ay inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipakilala ngayon sa mga pinuno at mga maykapangyarihan sa sangkalangitan ang walang hanggang karunungan ng Diyos na nahahayag sa iba't ibang paraan. Ito'y alinsunod sa kanyang layunin bago pa man likhain ang sanlibutan. Tinupad niya ang layuning ito sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Mga Taga-Efeso 3:2‭-‬11 MBBTAG12

Q: Anong pag kakaunawa mo sa iyong nabasa?

INTRODUCTION

Lahat naman tayo may goal and we really want to achieve it. In fact, marami tayong ginagawa at sina-sacrifice just to achieve it. Pero madalas kapag nandon na tayo sa goal nayun, narerealize natin na hindi naman pala yun yung gusto natin. Instead of celebrating the victory kasi nga naabot mo na yung goal mo, eh so much regrets lang ang nararamdaman mo. Na sana pala ganito ganyan, na sana pala pwede pang bumalik sa nakaraan.

Pero huli na nga ba ang lahat? Nope, hindi pa.

Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo.
Mga Kawikaan 19:20 MBBTAG12

Sabi nga, we should "Learn and live" instead "Live and learn". Matuto na tayo sa nakaraan at magpatuloy, GOD will send us person or HE alone will remind us, will give us advices in our life na dapat matuto na tayo upang mabuhay tayo ng ganap dito sa mundo.

THE GREAT PURPOSE OF GREAT GOD

• HIS WORKS IS GLORIOUS

Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan.  Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.
Isaias 55:8‭-‬9 MBBTAG12

Sa kasalukuyan ang ating nakikita ay tila malabong larawan sa salamin, subalit darating ang araw na ang lahat ay makikita natin nang harapan. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.
1 Mga Taga-Corinto 13:12 MBBTAG12

Sobrang layo natin sa LORD. Tao lamang tayo and HE is GOD. Yung knowledge na meron tayo sobrang limited lamang. Minsan mapapatanong nalang tayo "LORD, bakit pa ako nagawa?", dahil sa mga downs situation natin.

GOD has a passion of intimacy with HIS people through HIS son, JESUS CHRIST.

Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.
1 Juan 4:10 MBBTAG12

Life can be truly meaningful only when we find that GOD glorified in our lives.

Can we trust GOD's purpose than our own? Of course! We must practice our reveals priorities and beliefs.

Q: Sa tingin mo ano ang purpose ng LORD sayo?

• GOD'S PURPOSE IN US

- Our purpose is to know CHRIST and make HIM known.

- GOD don't want us to suffer.

Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.
2 Pedro 3:9 MBBTAG12

- GOD wanter us to grow.

Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging katulad ng kanyang Anak. Sa gayon, siya ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid.
Mga Taga-Roma 8:29 MBBTAG12

- GOD also have a unique purpose in every person.

CONCLUSION

Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob. Kahit na humihina ang aming katawang-lupa, patuloy namang pinalalakas ang aming espiritu araw-araw. Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad. Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.
2 Mga Taga-Corinto 4:16‭-‬18 MBBTAG12

Let us develop an eternal perspective so that we will have a passion to give our lives in exchange to the things that GOD tell us will endure.





Guide Lessons For Your Cellgroup | Leadership x DiscipleshipWhere stories live. Discover now