15 Untangled Relationship

88 12 3
                                    

Zeverev's POV

Nag aalala ako para kay Valeen ilang araw na siyang parang wala sa sarili. Hindi nag titigil sa bahay napunta ng office pero wala namang ginagawa kundi mag kulong sa office niya.

Bilang asawa alam ko na responsibilidad ko na alagaan siya.

Hindi na ako tumawag pa sa kaniya at nag desisyong puntahan na lamang siya kasi alam ko na pag sinabi kong mapunta ako hindi yun papayag.

Gusto kong malaman kung ano bang gumugulo sa isip niya at bakit nag kakaganun siya. Hindi na rin nga niya naaasikaso si Var.

"hello"
Aniko ng masagot ang tawag

Kanina pang tumatawag si Juancho ang alam ko kakitaan niya si Cole.

"Bro we need to talk"
Natataranta pa nitong sabi

Nakunot noo ako ng marinig ang boses niya ngunit natigilan ng maabot ng aking mga mata ang babaeng hindi ko inaasahang makikita ko pa.

"Ava"
I whispered

Akmang lalapitan ko siya ng tumakbo ito palapit sa akin at mahigpit na yumakap.

Sa mga segundo na dumadaan bumabalik ang lahat, nakakalimutan ng puso ang tampo at galit na meron dito.

Lahat nag katagpo bumalik ang nararamdaman ng pusong naligaw na ngayon ay nakauwi sa kaniyang tahanan.

"Ava"

"Zev, sorry.... Sorry naging mahina ako"
Anito na mas lumakas ang iyak

Kumalas ako sa yakap habang nakatitig sa basa niyang mata.

Umuulan ang ulap na minsan ko ng naging taga kwento.

"Ano bang nangyari? Bakit ka nandito"
Naguguluhan kong tanong sa kaniya

Sa hindi inaasahan nakita ko sa likod ni Ava si Valeen na kasunod lamang din si Matilda.

And that explains everything.

"Zeverev"
Gulat pang tawag ni Valeen

"Go"

Nabalik ang tingin ko kay Ava ng sabihin niya iyon... Pero sa halip na sundin nailing ako at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

Akala ko hindi na siya bibitaw, pero nag kamali ako bumitaw siya at iniwan akong muli.

"Ganito ba kadali Ava?"

Ang pag lakad niya ay natigilan sa sinabi ko,ngunit lingon ay hindi ko natanaw

"meron sa puso kong may pag asa Ava ng makita ka, pero isa lang yung tanong na gusto kong masagot ngayon. Ganito ba talaga kadaling iwan ako"

Sarkastik ang tawang sinunod ko dahil sa takot na Oo ang isagot niya.

Tinalikuran ko siya tulad ng pag talikod niya sa akin. Tapos na nga siguro ang lahat sa amin. Kasi kung hindi alam ko na hindi niya ako hahayaan na bumalik kay Valeen gayong nandito na ulit siya.

Ganun ang Ava na nakilala ko, kayang ipag laban ang mga taong mahal niya.

"Zev..."

Gusto kong makinig pero parang may sariling isip ang tenga ko na ayaw ng makinig pa.

Nag patuloy ako sa pag lalakad kasama si Valeen.

Tama nga siguro na huwag na kaming mag usap at sana ito na din ang huli naming pag kikita.

Masaya naman ako e, masaya na ako kasama si Val at ang anak namin.

Yung naramdaman ko kanina, baka parte lang yun ng pag papatawad.

COUNTLESS PAIN Where stories live. Discover now