Chapter 49

2.3K 39 1
                                    

Cold Treatment

Nanay Minda's POV

Papunta na sana ko sa kwarto ni Samantha para matingnan ko kung okay na ba siya. Pero laking gulat ko ng wala akong makita sa kwartong inookupa niya dito. Sinubukan ko ring tingnan siya sa banyo niya pero wala rin.

Tulog na ang mga kasama namin sa bahay kaya naman pinili kong hanapin siya mag-isa. 

"Anak!"nagulat ako ng makita ko siyang walang malay na nakahandusay sa sahig."Tulong!"sigaw ko dahil hindi ko naman siyang kayang buhatin. Ipinatong ko ang ulo niya sa kandungan ko at tinapik ang ng marahan ang pisngi niya."Anak, gumising ka."sabi ko sa kanya pero walang pagbabago. Sobra na akong kinakabahan kaya patuloy lamang akong sumigaw ng tulong.

Sobrang naaawa na ko sa batang ito. Nang pagmasdan ko ang napakaamo niyang mukha ay punong-puno ito ng mga tuyong luha.

Sa kasisigaw ko ng tulong ay maya-maya, dumating na si Angelo.

Agad siyang lumapit sa amin."Ano pong nangyari sa kanya, Nay?"nag-aalalang tanong nito sa akin. Alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa dahil kitang-kita naman 'to sa kanilang mga mata. Kaya nga tinulungan ko si Angelo noong nagalit sa kanya si Samantha.

"Nay, mukhang hinimatay po siya. Dadalhin ko na siya sa kwarto niya."sabi niya.

"O sige. Ihahanda ko lang ang gamot at ang pamunas."tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang natigilan habang nakatingin sa mga inihanda ni Samantha kanina.

"Inihanda niya iyan lahat para sayo."wala akong planong konsensyahin siya o ano, pero dapat din naman sigurong malaman niya ang bagay na iyon."Nakita ko kung paano niya paghandaan ang araw na ito. Hindi rin siya pumayag na tulungan namin siya dahil gusto niya daw na gawin ang lahat ng ito para sa'yo."napatango-tango siya at kitang-kita sa mata niya ang pagsisisi.

Binuhat niya na si Samantha at ako nama'y dumiretso sa kusina upang maghanda ng ipamumunas sa kanya. Kumatok muna ko sa kwarto ni Samantha bago pumasok. Nakita ko naman si Angelo na tinitingnan lang ang nagpapahingang si Sam. Hinahawi niya ang mga buhok na nakaharang sa mukha nito.

"Nay, I made her cry."sabi niya sa malungkot na tono."Again..."halos pabulong na sabi niya.

"Hinihintay ka niya simula pa kanina."patuloy lang siya sa gingawa niya.

"Nay..."tawag niya saka tumingin sakin."Iiwan ko po muna sa inyo si Sam. Alagaan niyo po siya."sabi niya at saka tumayo.

Nagtaka naman ako at hindi iyon naitago sa mga mata ko na agad niya namang napansin."Kailangan ko na pong mauna sa Maynila. Sabihan niyo po siya na umuwi na lang doon at magpahatid sa driver kapag gusto niya ng umuwi."paliwanag niya.

"Hijo, parang anak ko na 'yang batang iyan."panimula ko. Dahil nalulungkot din ako para kaya Sam."At sa ilang taong inalagaan ko siya ay kilalang-kilala ko na siya. Mabilis siyang masaktan pero hinding-hindi niya iyon hahayaang makita ng iba. At alam kong lalo siyang masasaktan kapag hindi ka niya nakita paggising niya."dagdag ko pa.

"Hindi po talaga pwede, Nay. Kahit na gusto ko pong mag-stay muna dito, hindi ko po kaya. May importanteng bagay po akong kailangang asikasuhin sa Maynila."tumango na lang ako."Sorry po talaga. Alis na po ako."tango na lang ang naisagot ko at hinatid ko na siya sa labas.

Pinunasan ko si Sam pagkabalik ko sa kwarto niya at agad na pinalitan ng komportableng damit. At habang ginagawa ko ang lahat ng iyon, hindi ko maiwasang mapaisip... Kitang-kita ko sa mata ng batang iyon ang kagustuhan niyang manatili pero parang may humahadlang sa kanya. At kung ano iyon... sigradong nahihirapan din siya.

Pagkatapos ko siyang linisan ay nagpahinga na din ako. Dati, lagi ring ganito ang set-up ni Sam. At ngayon ko na lang ulit ito nakita. Noong bata pa siya, palagi niyang hinihintay kahit gabi na ang mga namatay na niyang mga magulang. At ngayon, hindi na ang mga magulang niyang galing sa trabaho ang hinihintay niya kahit alam niyang malabo ang tiyansa na abutan niya ang mga ito dahil minsan ay hindi na nakakauwi ang mga ito. Ngayon, nakita ko kung paano siyang matiyagang naghintay sa asawa niya kahit madaling-araw na. At hindi siya noon inaabot sa ganoong oras sa paghihintay sa mga magulang niya. At isa iyon sa patunay kung gaano niya kamahal si Angelo, at natutuwa ako para sa kanya. Alam kong mahal din naman siya ni Angelo. Alam ko ring may mga bagay-bagay na hindi maganda ang dumarating upang hadlangan ang pagmamahalan nila. Tadhana. Pero alam ko rin naman na malalagpasan nilang lahat iyon.

ATM 1:A Total Mess (FBS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon