Chapter Seven: A Poisonous Banquet

436 62 14
                                    

-chapter seven-

"They're planning to poison the Duke."

"So ano na ngayon ang plano mo?"

Inirapan ko ang tanong ni Zorran. Nakatayo ako sa gilid ng stall ni Miss Zippel nang lumapit siya. Dahil chismoso ang magkakaibigan na 'to, sumunod din sa kaniya ang tatlo.

"Wala ka na do'n." sagot ko.

I kept staring at the man being showered with attention at the center of the market. His hair is neatly combed, and the clothes he's wearing scream high status. Even with his ugly face, he could still attract a lot of girls. They look like moths flocking toward a bright light. Nakasuot ang mga babae ng mga damit na sobrang ganda at medyo nagpapakita ng katawan. I grimaced as I observe them flaunt their pushed-up breasts. Hindi ko maatim na gawin 'yan para sa isang kadugo ni Parkinson.

I mean... of course, I was taught the art of seduction, but this man doesn't have enough riches and power for me to take advantage of. He's just a snobby kid of a noble.

"Why are you staring at him?" biglang tanong ng laging-galit na unggoy.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mas wala ka na doon."

The next thing on my plan involves entering Parkinson's mansion. Ngunit hindi ko 'yon magagawa as plain Vashtianna. I thought I'll use my stealth to suddenly go inside, but acting as one of the workers won't let me monitor the banquet. I could use this boy but I would rather play with the monkeys than seduce his sorry ass-

Naningkit ang mata ko nang makita ang paghatak ng Earl of Wiston sa isang babae. Kaagad na nanlaki ang mata ng babae. There was fear in her eyes, lalo na nang gumapang ang mala-ahas na kamay ng Earl sa likuran niya. Every subtle movement to get closer made her pale. Still, she swallowed all fear and stood among the flock like a statue, giving occasional glances to a stall where her mother probably stands. 

Tch.

Huminga ako ng malalim at umalis sa pagkakahilig. Lumapit ako sa pwesto nila at binilisan ang paglakad, sa pag-aktong may hinahanap na tao. I had to elbow some ladies who refused to move, tuning out their complaints. Sinigurado ko lang na mababangga ko ang lalaki nang tuluyang makalapit. 

A surprised curse left his lips as I bumped into his chest. Nabitawan niya ang babae sa pagkagulat at tahimik itong umatras nang agad na matuon sa direksiyon ko ang limang espada. My busy eyes focused on the earl, raising both hands in both fear and shock. 

"N-Nako po!" I anxiously stuttered as our eyes met. "H-Humihingi po ako ng paumanhin! Hindi ko na po nakita a-ang dinadaanan ko. M-May hinahanap po kasi ako. P-P-Pasensya na po talaga!"

Yumuko ako ng sobrang lalim na kulang na lang ay lumuhod ako't makipaghalikan sa lupa. Hindi ako umahon kahit na ibinaba ng mga guwardiya niya ang espada at humakbang palapit ang earl. I could smell the stinky perfume of the rich that he's wearing. Nahagip rin ng mata ko ang nag-aalalang tingin ng mga unggoy kaya inikot ko ang mata. May iba sa kanila na mukhang iritado pero wala na akong pakialam sa trip nila at buhay ko 'to.

"Oh, it's alright. Raise your head." tugon ng Earl. Napaka-malumanay nang boses na sunod na siyang makikita sa lamay.

Umiling ako. "Hindi ako maari! Nasaktan ko ang Earl Wiston at isa iyong malaking kasalanan!." edi wow. "Ipagpatawad niyo po ang serbidorang ito. Hindi po ako tumitingin sa dinaraanan."

The Steal GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon