Prologue

23 3 0
                                    

WARNING UNEDITED PIECE!!

"Ate please, please hold on. Lumaban ka ate please." paulit ulit akong nagmakaawa kay ate. Nasa ambulance kami ngayon papuntang hospital. I was just holding her hand the whole time. Natatakot akong kapag bumitaw ako ay bumitaw din siya.

Busy ang mga nurse sa pagbigay ng paunang lunas naming dalawa. Mas pinagtutuunan ng pasin si ate na mas malala ang natamong mga sugat. Wala nang malay si ate kanina pa. Ako naman ay unti-unti naring nanlalabo ang mga mata pero pilit ko paring pinigilan. Natatakot akong sa pagpikit at muling pagmulat ay wala na siya.

I don't want that to happen but it's all my fault. Ako ang dahilan kung bakit nangyari ito. At sobrang natatakot ako. Natatakot akong mawala ang ate ko.

Kasabay ng panlalabo ng mga mata ko sa luha ang unti-unting pagkain sa akin ng dilim. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko si ate.

Halos hindi kona maintindihan ang nangyayari ng aligagang dinaluhan ng mga nurse si ate. Nag c-cpr na sila.

Gusto ko mang mag wala, sumigaw at umiyak ay di ko magawa. Pagod na pagod ako at unti-unti na talagang kinakain ng dilim.

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko si ate...

I wish this was all just a dream, a nightmare that will end the moment I open my eyes again. Na kapag gumising ako ay nandiyan pa ang ate ko para sermonan ako.

Ate please hold on.

🍀Until We Meet Again~

Until we meet again (Unedited)Where stories live. Discover now