Prologue

4.6K 86 9
                                    

Prologue

Sa isang medyo may kalakihang bahay kung saan nakatira ang mag ina.
Mahimbing ang tulog ang mag-ina sa kani-kanilang silid, nang pasukin sila ng mga hindi kilalang mga kalalakihan,Dahil sa mga kalabog nagising ang ginang samantalang ang anak naman nito ay Mahimbing parin ang tulog sa kayang silid.

Ang mga dikilalang lalaki ay patuloy parin ang  pag halunghog sakanilang unang palapag na tili ba may inahanap hindi ano kung ay sino,
Paglabas ng ginang sa kanyang silid agad nitong tinungo ang inukupaang silid ng anak, nakaramdam ito ng takot ng mas maluminaw pa sa kanyang pandinig  ang ingay, hindi para sa sarili kung hindi para sa anak dahil alam nitong ang anak niya ang pakay ng mga ito

Nakahinga ng maluwag ang ginang ng nakitang mahimbing paring natutulog ang anak, dahan-dahan itong lumapit sa anak upang hindi magising, umupo ito sa kama katabi  ng natutulog na anak saka sinumulang haplusin ang buhok nito kasabay ng pagbikas ng kung ano-ano na tili ba isang chant.dahil dito naalimpungatan ang anak..

Naalimpungatan ang batang babae ng maramdaman nitong may humahaplos sakanyang buhok,"Mama"nagtatakang tawag nito sa ina, ngunit hindi ito pinansin ng ina at patuloy parin ito sa paghaplos sakanyang buhok kasabay ng pagbigkas nito sa isang wikang di niya maintindihan,

"Mama ano po bang sinasabi niyo?hindi ko po kayo maintindihan."wika ng batang babae sa ina, nginitian siya ng ina.

"Nak, lagi mong tatandaang masama ang manakit ng isang tao at walang magandang patutunguhan ang paghihigantin kahit gaano paman kalaki ang kasalanang nagawa matuto kang mag pakumbaba."nalilito man siya sa sinasabi ng ina sumangayon na lamang ito

"Opo Mama pangako ko po."nakangiting wika ng anak hahang nakataas ang kanang kamay

"Tatandaan mo Anak mahal na mahal ka ni Mama."wika ng ina, mahihimigan dito ang pagmamahal, takot at pangamba para sa anak

"Mahal din po kita Mama."nakangiting wika ng anak sa kanyang ina,

Nginitian siya ng ina saka tanggal nito sa kanyang suot na kwintas saka isinuot sa anak

"Nak pagkaingatan mo ang kwintas na toh, balang araw magagamit mo ito kaya wag mong hahayaang mawala at makuha ng iba lalo na ang masasamang tao."paalala ng ina pag kasuot ng kwintas sa anak

"Opo Mama."wika ng anak habang namamanghang pinagmamasdan ang kwintas na suot

"At para sayo din toh, gusto kong gamitin mo toh sa magandang paraan at para ipangtanggol ang sarili,alam kong kaya mo nayang gamitin yan, itinuro ko na sayo hindi ba?" tanong ng ina

"Opo Mama, tyaka sakin na po talaga toh."tukoy nito sa bigay ng ina na isang plawta at pana, matagal na niyang gustong mag karoon ng sariling ganito.Hindi ito ito tulad ng mga  karaniwang plawta at pana ayon sa ina meron itong mahika...

"Oo, pinapaubaya ko na yan sayo saka alam kong matagal mo nang gustong magkaroon niyan."wika ng ina, dahil sa sobrang tuwa niyakap niya ang ina ng mahigpit

"Mama maraming salamat po."tuwang tuwang wika ng anak.

"Lagi mong iingatan ang sarili mo ah*sign*lagi mong tatandaan ang mga itinuro at mga sinabi ko sayo."paalala ng ina sakanya niya natili ba namamaalam na

"Mama ano po bang sinasabi niyo, bakit parang namamaalam kayo aalis po ba kayo Mama iiwan niyo ako."wika ng anak at sa isang salita niya pa ay maari na itong umiyak

"Shhh, hindi naman ako mawawala kahit kailan sa tabi mo, lagi akong nandito."wika nito habang naka turo sa may pandang dibdib nito kung nasaan ang puso

Gustuhin pa manyang magpaliwanag sa anak hindi na niya magagawa dahil na uubusan na siya ng oras" Anak  halika dito."wika.ng ina saka inalalayan ang anak palapit sa isang may kalakihang kabinet kung saan nag kasiya ang anak

From Another World[Completed]Where stories live. Discover now