Chapter 11 (EDITED)

143 35 27
                                    

Isang linggo na hindi ako hinahatid ni KD. Dahil isang linggo na ring hindi pumapasok si KD. Walang KD nag paramdam pagtapos ng Valentine's day. Hindi natuloy ang usapan namin nakaraang liggo.  Dahil hindi siya nagpaparamdam.

Sinubukan ko itong itext, pero walang reply. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. Kinakabahan ako para sa kaniya. 

"ilang araw na hindi pumpasok si Kurt Daniel, anong nangyari sa kaniya?" tanong ng prof namin.

"hindi rin po namin alam, sibukan na po namin itext o tawagan pero hindi sumasagot" tugon ni Theuse.

"pag pumasok, pumunta agad siya sa office, paki sabi nalang sa kaniya kapag na contact niyo na. " yun lang at nag simula nang mag turo ang prof namin.

Wala akong naintindihan, iniisip ko pa rin kung anong nangyari kay KD. Baka na aksidente ito or what. Pero wag naman sana. Nag aalala na ako sa kaniya.

"Khloe, tara na" biglang sabi ni Sunny. Tapos na pala ang oras ni sir.

"tara sa canteen" sabi ko.

"anong canteen? Uwian na heller?" sabi ni Sunny. Uwian na pala hindi ko ramdam.

"okay lang ba?" tanong saakin ni Theuse.

"hindi" malungkot kong sabi. "nag aalala ako para kay KD" dagdag ko.

"kami rin. Kupal na yun walang paramdam" sabi ni Theuse.

"puntahan kaya natin sa kanila?" sabi ko.

"hindi ako makakapunta, bday ni mommy" sabi ni Sunny.

"ganun din ako. Hindi ako makakapunta may dinner kami" si Theuse.

"ganun, sige ako nalang. Balitaan ko nalang kayo. Tara na" sabi ko at nag simula na kami mag lakad.

Tinext ko si mommy na gagabihin ako dahil dadaan muna ako kila KD.  Kinakabahan ako, hindi ko mawari ba't ganun. Natatakot din ako.

Taxi ang ginamit ko papunta sa kanila. "manong diyan nalang" turo ko sa bahay nila KD.

May kalakihan ang bahay nila. Mas malaki ang bahay nila kesa saamin, may maids din sila dahil walang oras ang mommy ni KD para mag luto. Busy sila sa kanilang kompanya.

Natutuwa nga ako na naintindihan ni KD ang magulang niya. Kahit busy ang mga magulang niya, hindi siya nag rebelde o nag karoon ng galit sa magulang niya. Dahil ang importante raw naman ay nandiyan ang parents niya pag kaarawan niya. Importante ang kaarawan niya.

Nang makarating ako sa gate nila ay na door bell ako. Maya maya ay lumabas ang yaya nila.

"ma'am Khloe" may ngiting pag bati saakin. Kilala ako ng mga kasama nila dahil simula na naging sweet saakin si KD ay madalas ay nasa kanila ako.

"maganda gabi po, aling Susan" pabalik na bati ko.

"ano maitutulong ko?" tanong nito saakin.

"Si KD ay nandiyan?" tanong ko kay aling Susan.

"Nasa US si sir. Pero ngayon po uwi niya, kaninang tanghali pa po siya umalis don"

Ano naman ginawa niya sa US? At isang linggo talaga siyang wala.

"ang aga naman mag bakasyon nun" patawa kong sabi. Nakitawa na din si Aling Susan.

"pasok na muna kayo. Dito ka na mag kumain" sabi ni Aling Susan.

"wag na po, nakakahiya"

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now