CHAPTER 19: ESCAPE

61 31 2
                                    


SAMANTHA POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman na may humahaplos sa aking pisngi. Kahit na hindi ko kailangan imulat ang aking mga mata ay alam ko si Demetre ito.

Mas pinili ko nalang ang magpanggap na natutulog para hindi niya malaman na gising ako.

"I know you are confused by what I said earlier but I will also tell you the reason why I always hurt you then but at the right time. When everything is fine we will be happy again with our child."

Gusto kung matawa sa pinagsasabi ni Demetre pero pinigilan ko.

Pero ano ba ang ibig niyang sabihin? May tinatago ba siya na hindi ko nalalaman noon paman? Tanong ko sa aking sarili

"For now, I need you here with me first because I do not want you to perish at the hands of another Mafia." Pagpatuloy nito sa sinasabi.

Napigil ko ang aking hininga ng marinig ang Mafia. Alam ko yun dahil sila ang pumapatay ng tao para lang sa pera at mga halang din ang kaluluwa.

Ayoko ko magisip ng masama tungkol kay Demetre dahil may tinatago din naman akong secreto.

"Promise wife, I will protect you with our child. I will not allow anyone of you or Kieth to perish. I really love you wife and I hope you will forgive me when that day comes. I love. . .

"Calling. . .

Naputol ang sasabihin ni Demetre ng biglang may tumunog na cellphone. Kanino kaya yun sa akin ba o kay Demetre?

"Yeah?" Malambing nitong tanong.

"Okay, okay. We will meet." Nakangiti nitong sagot.

Kunot noo naman ako nakikinig sa usapan nila Demetre pero hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa kabilang linya. Hindi kaya ang malanding higad na yun? Mabuti nalang pala at hindi ako naniwala sa pinagsasabi ng bwesit na ito.

"Yes. I will explain tomorrow. Okay. . . I already miss you three."

Three? Sino yung tatlo na tinutukoy ni Demetre? Ewan! Wala akong pakialam, ang gusto ko lang ay makatakas ngayon. Hindi ko nga lang alam kung umaga na ba. Ang kapal kasi ng kurtina na tumatabing sa bintana na ito.

"Okay. Bye."

Ng maputol ang kabilang linya saka naman humarap sa akin si Demetre at maingat na inilapit ang mukha sa akin.

"Goodnight, wife."

Naramdaman ko naman ang malambot niyang labi na humalik sa aking labi at lumabas ng pinto. Iminulat ko ang mga mata saka hinawakan ang labi ko na hinalikan ni Demetre, mukhang ibang iba na siya.

Kahit ang kanyang pangangatawan ay nag bago na rin. Mas lalo siya naging makisig mula sa kanyang mga braso at kamay. Ang kanyang matipunong dibdib at mga pandesal na nagtatago sa kanyang suot na business attire. Yummy..Saka yung. . . Teka ano ba itong naiisip ko.

Hoy, Samantha! Mag hunusdili ka! Sumbat ng aking isip

Oh my gosh!! Tatakas nga pala ako. Nagmadali naman ako bumangon ng kama at hinawi ang makapal na kurtina na tumatabing sa bintana na gawa sa sliding window. Mula dito sa taas na kinahantungan ko tinignan ko ang labas ng bintana at malalim na rin pala ang gabi.

Napatingin ako sa bedside table at may nakita akong alarm clock. Nilapitan ko ito at tinignan kung anong oras na. It's past twelve in the morning. Kailangan ko ng nagmadali dahil mayroong CCTV dito sa kuwarto. Alam ko na nakikita ang mga ginagawa ko pero hindi pa naman pumapasok si Demetre o baka tulog na yun sa ibang kuwarto.

Lahat ng pwede ko mapagbuhol buhol na tela ay kinuha ko. Pagkatapos mapagbuhol buhol lahat at maitali sa paa ng kama ay nagmadali naman ako pumunta sa terrace habang dala ang mga pinagbuhol na tela at inilaglag sa ibaba, sakto naman na malapit ng sumayad sa lupa. Tumingin muna ako sa ibaba at may nakita akong mga bantay na naglalakad sa paligid. Kahit natatakot ako dahil nasa ikaapat na palapag ako ngayon ay kinaya ko parin para lang makaalis sa impyernong mansion na ito.

Huminga muna ako ng malalim bago ko napag desisyunan na bumaba gamit ang mga kumot at kurtina na pinagbuhol buhol ko. Hindi naman ako nahirapan sa pagbaba dahil fitted at saka may slit din yung gown na suot ko. Naging maingat naman ako sa paglalakad para lang hindi ako makagawa ng anumang ingay at laking pasalamat ko dahil may mga rose bushes na nakahilira sa labas ng mansion. Tinitigan ko naman ng mabuti ang bawat galaw ng mga bantay bago ako hahakbang at matatago ulit.

Hakbang Tago. .

Hakbang Tago. .

Sa wakas nakarating din ako sa gate. Mukhang pinapaburan yata ako ng panahon dahil walang bantay ang gate at madilim parin ang paligid. Hay! Thanks God!! Mukhang makatakas na ako. Naku, kung makatakas na ako dito magpaparty ako sa bahay. Natatawa nalang ako sa mga naiisip ko na kalokohan.

"Don't underestimate me, Demetre because I can escape now. HAHAHAHA." *Evil laugh

Baka magpaparty pa ako eh. Kausap ko sa aking sarili

Akmang bubuksan ko na ang gate pero hindi mabuksan. Letsi! Totoo nga ang sinabi ni Demetre na may pass code itong gate! Arghh! Nakakainis!!

Sa sobrang inis ko kumuha ako ng malaking bato at pinukpok sa gate. Oh, shit! Fuck! Dahil sa ginawa ko mo Samantha, tumingin ang mga bantay sa gawi mo at worst sumigaw pa!

Ano ka ngayon ha? Nga-nga! Tanga, tanga mo kasi! Yan tuloy hindi kana makapagpaparty!!

Bwesit! Malas, malas! Sa isip ko

Gusto ko magpapadyak sa sobrang inis dahil nakita ako ng mga bantay pero wala rin naman magagawa.

"My Lord, Si Madam Samantha nag tangka sa pagtakas!" Sigaw ng mga letseng bantay.

Narinig ko naman ang galit na boses ni Demetre mula sa terrace ng kuwarto na pinanggalingan ko.

"Get her!"

Galit nitong sigaw na nakaturo sa akin at mabilis na nawala sa aking paningin siguro nagmadali din itong bamaba para habulin ako.

No! Hindi ito pwedeng mangyari!

Tumingin naman ako sa mga bantay na nag sitakbuhan papunta sa gawi ko dahil na rin sa takot na baka mahuli nila ako ay agad din ako tumakbo patungo sa likod ng mansion.

Wrong move yata ang ginawa ko dahil may biglang humawak sa pulsuhan ko na ikinalingon ko naman.

I'm doomed!! Wala na akong takas. Malas!

"Demetre."

"Trying to escape, wife?" His face darkened as he smiled at me.

-----------

Hello, my readers!! Enjoy reading ❤️😊

HEIRESS OF MAFIA WORLD PALACE Where stories live. Discover now