Chapter 16

10.9K 378 52
                                    


Hiroki Yoshiro

"Please wake up... please don't stay in your dreams, please let go of your nightmares, please, please open your eyes..." I silently prayed with my eyes closed when suddenly, I felt a movement in her bed.

Minulat ko ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita, nakita kong gumalaw ang daliri ni Yessa kasabay ng dahan dahang pagmulat ng kanyang mata, tulad ko ay halatang nagulat rin siya nang nakita ako.

"H-Hiro..." Nanghihinang saad niya.

Hindi ko maiwasang hawakan ang kanyang kamay, dati'y malamig ito... pero ngayon, mainit na at punong puno ng buhay, nginitihan ko siya, kahit na nanghihina siya ay tinaas niya ang kanyang kamay, dumapo ito sa aking pisngi, gamit ang kanyang hintuturo ay pinunasan niya ang aking luha.

"B-Bakit ka... umiiyak?"

Niyakap ko siya kasabay ng pagbukas ng pinto, bumungad doon si Tito Dreig na halatang nagulat, "anak!" Tawag niya sa kanya na parang nabunutan ng tinik ang puso.

"P-Papa..."

Naluluhang tumingin sa akin si Tito Dreig na halata ang pagkagulat, ngumiti siya, "m-maiwan ko muna kayong dalawa." Sabi niya saka siya ngumiti sa akin at lumabas na sa pinto, halatang masaya na siya at kontentong nagising na si Yessa, nang sinara na ni Tito ang pinto ay hindi ko maiwasang tignan siya, medyo pumayat na siya at mas lalong pumutla.

"Yessa..." Tawag ko sa kanya, she looked at me, I know she was sad, my heart knows with those tears she was crying, I can't help but claim her warm lips, it was a long passionate kiss, "Mahal kita, mahal na mahal." I murmured, knowing she'll hear it.

She smiled, "will you a-accept... this broken... heart?" Tinuro niya ang dibdib niya, ngumiti siya sa akin habang may luha sa mata, "n-nahulog... ang puso k-ko..."

"I'll catch it." Sagot ko saka ko hinawakan ang kamay niya, hinalikan ko ang likod ng palad niya at nginitihan siya, "just let me."

She smiled before closing her eyes.

"I will pray for a miracle, I will pray that a miracle will happen and your heart will be fixed, I will silently pray for God's miracle that I don't even know if it will come true, but one thing I know... I'll keep on praying."

Umiling si Yessa, doon ko nakita na mapupula ang kanyang mga mata -tandang matagal siyang nakatulog at nakapikit -ngumiti muna siya bago nagsalita, "y-you don't have to pray for a miracle, I already met it... I already met my miracle, it is you... you are my miracle that keeps my heart beating, you are my miracle that my la-last... tears will cry."

Nanlaki ang aking mga mata, in that moment, I felt my heart to skip a beat, I felt like some tears of happiness were coming out of my eyes, but at the same time is a glint of sadness and hope, mixed together. I just hugged her tighter, hoping that she'll never go, hoping that she'll be forever in my arms.

"H-Happy birthday, Yessa." Halatang nagulat siya at naguluhan sa aking sinabi, who wouldn't? She was fast asleep all these days, all these weeks, "Today is your 18th." Nakangiting wika ko, "sayang walang debut, pero ayos lang basta kasama mo ako sa birthday mo at si Tito Dreig, matagal kang nakatulog."

Saktong iyon ay bumukas ang pinto ng kwarto at tumakbo si Pachoy -ang puppy gift ko -papuntang sa amin, "isasara ko na ang pinto, pinapasok ko lang 'yong regalo mo." Rinig kong wika ni Tito Dreig mula sa labas.

"Arf!" Pachoy barked.

Nakita kong ngumiti si Yessa, "she's my gift to you..." Mahinang wika ko sabay hawak sa kanyang kamay, ngumiti siya ng bahagya sa akin.

"What's her name?"

"Pachoy. Payatot and Tabachoy."

***

Noong lumakas na ulit si Yessa ay pinaalam ko siya kay Tito Dreig at sinabing lalabas kami, pumayag naman siya dahil matagal nang nakatambay si Yessa sa loob ng bahay, basta raw bumalik agad kami, mahigpit na nakayakap sa katawan ko si Yessa habang ang ulo niya'y nakasandal sa likod ko, mabilis ang pagmamaneho ko ng sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya, hindi ko siya gaanong marinig dahil sa ingay ng big bike pero dahil malapit siya'y naintindihan ko naman.

Ngumiti ako, "a place I know you've never been to."

Halos kalahating oras bago kami tumigil sa harap ng isang amusement park. Kuminang ang kanyang mga mata, "waaah!"

Ngumiti ako saka ko pinark ang big bike, "we'll just do the booths, bawal ang rides sa 'yo."

Tumango siya habang nakangiti pa rin, na parang walang problema, it was better this way-I'll make sure she will always smile.

Hindi pa gaanong marami ang tao sa amusement park siguro dahil maaga kami ni Yessa, mas maganda na 'yon para hindi siya mawala sa paningin ko at para hindi siya mahirapan sa pakikisukot at pakikipagkumpulan.

Halos lahat na ata ng booths pinuntahan namin, maraming kinain si Yessa tulad ng popcorn, sweetcorn, cotton candy, at balot. Ew. Napilit niya akong kumain ng balot, ayaw ko pero pinilit ko na lang, pagbibigyan ko siya basta sumaya lang siya.

"Doon tayo sunod!" Hila ni Yessa sa kamay kong isa, 'yong isang kamay ko kasi ay nakahawak ng mga premyo na napanalunan namin.

"Teka, teka," ngumisi ako, "may pupuntahan tayo." Ako naman ang humila sa kanyang kamay, pumunta kami sa may gilid ng amusement park, tinignan ko ang orasan sa cellphone ko. "Malapit na."

"Ang ano?"

Tinuro ko ang taas, tumingin siya roon at saktong 'yon ay biglang nagkaroon ng putok at naging makulay ang kalangitan, kuminang ang mga mata ni Yessa, "fireworks display..." manghang sabi niya habang nakatingala.

I intertwines our fingers, tumingin siya sa akin na may matang nanlalaki, I smiled at her and fished my phone in my pocket, I opened the camera and stretched my arm for a picture with her, "smile." Halatang nagdalawang isip siya ngunit ngumiti rin siya, with that, I clicked the button for taking pictures.

Our first picture together...

Pinakita ko sa kanya ang kuha ko at mas lalong lumawak ang ngiti niya, tinago ko na ang cellphone at tinuon na namin ang atensyon namin sa mga makulay na paputok sa kalawakan habang nakahawak kamay pa rin, may isang segundo na nagkatinginan kami at doon ko na nilapit ang ulo ko sa kanya, sinandal ko ang noo ko sa noo niya, "Yessa..." Hindi ko alam pero ginawa ko, I claimed her lips, she remained like a stiff statue but she kissed back after a moment and I felt like I was the happiest man.

This scene might be cliché but we kissed, we kissed below the fireworks display. Her kiss was the sweetest, I hate to admit it but Yessa was my first kiss, with the CPR and thingy... maybe tonight, we forget all our problems, we forget everything and be happy, Yessa and I savored the moment, as if this night meant everything like the playground...

Sinandal ni Yessa ang ulo niya sa dibdib ko, ramdam ko ang pagtulo ng luha niya, "s-salamat..."

Hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa mukha niya noong tumingin siya sa akin, "don't cry, ngumiti ka lang."

I felt her nod. "Oo, hindi na ako iiyak, ngingiti na lang ako. Tonight is the last time I will cry."

***

Teardrops of An AngelWhere stories live. Discover now