lÖ$t Îñ Î$lâñd 6

0 0 0
                                    

"S-Sya na ba si Princess?" Nakatingin lang ako sa babaeng nasa harapan ko habang may mga luhang umaagos sa mga pisngi nito. Hindi nga maikakaila na sila yung mga magulang ko. Kasi s mukha palang nitong ginang na nasa harapan ko para kaming pinagbiyak na Bunga. Kuhang kuha lang walang naiba kahit konti para lang akong nanalamin kahit may kaedaran na ito kitang kita pa rin ang ganda nito.

"Welcome back my little sister" napatingin naman sa lalaking nagsalita. Kamukha naman sya nong lalaking nagpakilalang Daddy ko.

"S-sorry h-hindi pa kasi... Hindi pa kasi masydong nagpoprocess sa utak ko lahat nang ito eh, sorry" sabi ko at nanghihinang umupo. Sila Papa naman nakatingin lang saakin. Yup... nandito kami sa manila. Nang ikwento nila saakin agad kaming pumunta dito sa tulong ni Josh kasi anak pala ito nang may ari ng AAI kaya madali ng nakapunta dito.

Naramdaman ko nalang na may yumakap saakin. Nakaramdam ako ng relief, parang nawala yung problema ko. Kung problema man tong tatawagin.

"It's ok everything will be fine" bulong nang nakayakap saakin kaya tiningnan ko ito. Ito yung nagsabing Kuya ko sya. Kaya mas lalo akong naiyak

"K-kuya..." Bulong ko pero alam kong narinig nya kasi bumalatay sa mukha nya ang pagkagulat .

"Y-you c-call me...kuya?" Hindi makapaniwalang tanong nito saakin

"Y-yes..." Sabi ko sabay ngiti "a-ayaw mo ba?" Nakangiti pa ring tanong ko sakanya

"Ofcourse gusto.... Dad, Mom she call me Kuya" sabi nito at niyakap ulit ako ng mahigpit. Narinig ko naman ang pagtawa nila Daddy. Nakakailang pa rin pero kailangan ko tong tanggapin kasi sila ang totoo kong pamilya.

"I want to settle something" napahiwalay naman saakin si Kuya at sabay kaming tumingin kay Daddy

"Don't worry baby, hindi na babalik ang mga kinilala mong magulang sa bicol... Dito na sila titira sa katabing bahay, para hindi ka mahiwalay sakanila" nagulat ako sa sinabi ni Daddy

"T-talaga po...yes...salamat po" sabi ko at tumayo sabay yumakap sakanya narinig ko namang na tumawa sya. Umalis ako sa pagkakayakap nya at tumingin kila Papa nakita ko ang saya sa mga mata nila.

Mahirap pero kailangan tanggapin. Sa ngayon ito namang nararamdaman ko kay Josh ang lilinawin ko. Gusto kong maliwanagan.

"Pa-pahinga na po ako" sabi ko

"Ahm...Nanay Myrna...samahan mo sya sa kwarto nya" utos ni Mommy at may lumapit saakin na medyo may katandaan na din na babae. Iginaya nya ako sa kwarto at iniwan din nang makapasok na ako.

Nahiga ako sa kama at inisip yung mga nangyari kahapon.

-----------

Sabay kaming nagulat sa tanong nong lalaki...a-ano daw?

"ANO?" sabay na tanong namin ni Ate dahil sa pagkagulat Pero napatingin naman saakin si Ate kasi alam kong nagets nya yun.

"A-ahm Princess anak...alam kong hindi na sayo bago to, pero alam kong hindi ka nakapaghanda na makikita kana nang mga magulang mo, n-ngayong nahanap kana nila. Sana maging masaya ka kasi makakasama mo na sila." Sabi ni Papa habang pinipigilan ang pag iyak kaya lumapit ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit pati si Mama .

"J-Josh... Andito ka pala? Paano ka napunta dito?" Napatingin naman kami doon sa nagpakilalang Ama ko

"T-Tito Van..." Tawag naman ni Josh pero mukhang alam nito ang nangyari kaya di na ito nagtanong pa.

"Uuwi na tayo sa manila anak, naghihintay ang Mommy at Kuya mo" nakita ko ang kasiyahan sa mukha nito. Sino ba ko para tumanggi ito naman ang gusto ko eh, ang makasama ang totoo kong mga magulang at ito na yun natupad na sya.

Alone Series 1: PRINCESS & JOSHUA Where stories live. Discover now