DG #72

484 11 21
                                    

Dahlia's Point of View


"Happy birthday Dahliaaaa!!!" Agad akong napabalikwas ng bangon dahil aa sobrang lakas ng sigaw ni--


Sinamaan ko ng tingin si Tacey na naka pajama pa at naka jacket. Halatang kakagising lang din niya. "Ang aga aga, Tacey!" Asik ko.


She pouted and sit beside me. "Sorry na! Gusto ko lang naman na ako yung first na bumati sayo hihi" aniya.


Napailing nalang ako. "Maybe it's not you" ani ko


Awtomatiko syang napatayo at napamweywang sa harapan ko. "What?! At sino naman?!" Masama nya akong tiningnan.


Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at nakangiting ipinakita sa kanya ang message ni Trevon. Napaawang naman ang labi nya at nagpapadyak padyak. So childish. 


"Ano ba yan! Ang daya naman ni Kuya! Dapat ako yung una!! Ako!!" Nakanguso nyang sabi.


Natawa nalang ako sa itsura nya at tiningnan muli ang message kanina ni Trevon. I smiled, sakto kasing 12.00 ng umaga nya yun chinat. At alam kong sya ang unang nag-greet sakin.


"Eh yung Chasin bumati na ba sayo?" Tanong ni Tacey.

Nilingon ko sya at kumunot ang noo ko ng mapansing kakaiba yung ngiti nya. Hindi ko din maintindihan tong isang to e.


Nagbikit ako ng balikat at hinanap ang pangalan ni Chasin sa messenger ko. Ngumuso ako ng makitang wala pa syang text. 


"Wala pa" ani ko.


Tumawa si Tacey kaya napalingon ulit ako sa kanya. "Nag-greet na sayo yan!" Aniya.


"What?" Takang tanong ko.


Hindi nya ako sinagot sa halip ay lumundag nalang sa kama ko at niyakap yung teddy bear na bigay ni Chasin. Hinayaan ko nalang sya at ako naman ay tumayo na para pumunta sa cr ng makapag-hilamos at toothbrush na.


"Uuwi ba sina Tita?" Tanong sakin ni Tacey pagkatapos kung lumabas ng cr.


Tumango ako at nag-punas muna. "Yeah. Kasama sina Kuya at Ate" sagot ko.


Napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay nakanguso na. "Tacey matuto kang makontento sa isa" sabi ko sa kanya.


Sinamaan nya naman ako ng tingin. "Waw nagsalita ang dalawa din ang crush." Bwelta nya.


Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi kaya, isa nalang ang crush ko" sabi ko sa kanya.


"Hala di nga?! Sino sa kanilang dalawa?! Si Chasin ba?" Tanong ni Tacey


Umiling ako. "Hindi nya. Yung Kuya mo" sagot ko.


Dream Girl (Dahlia Felane)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon