JUNGKOOK POV .
Hindi ko alam kung paano ako maguumpisang kausapin si tae . Nahihiya ako . Parang umuurong ung dila ko na magslita kapag kaharap ko na siya , Magpasalamat pa kaya ! Baka pati pagihi ko umurong din .
Ganon naba ako kaduwag!
Nasa banyo parin ako nagbibihis . Kinuha ko ung paper bag na binigay sakin ni tae . Tatlo ung binigay niya sakin ung isa , laman ay uniform ewan lang dito sa dalawa .
Binuksan ko ung isang paper bag , may kahon sa loob . Ano kaya to?
* BALENCIAGA *,
Mukhang galing nga talaga siya sa mall . Tinignan ko kung anong laman ng kahon.
Bumungad sakin ang isang dosenang underwear na panlalaki .
Andami naman nito . Mapagsasabay ko ba to ? .
Ay ang tanga gguk , Shempre siguro nahirapan siyang mamili ng kulay . Ang babaw ko talaga mag isip . Dumampot ako ng isa at sinuot . Napatingin pa ako sa isang paper bag . Merong tshirt na puti at may tatak na Gucci . Anak pala to ng brand na to .
Sinuot ko na ung uniform ko na pinalaundry niya . Plantsado at mabango rin ito . Nagmadali na ako isuot to at baka nainip na siya sa labas sa kahihintay sakin .
Pagkatapos kong magbihis , lumabas din agad ako ng banyo at bumungad siya sakin na nasa sofa at .
Nagkakape ..
May dala itong lunch box na katamtaman lang ang laki . Pero satingin ko pang isahang tao lang ang kakain nito .
" Kumain kana "saad niya saka binigay sakin ung dala niyang lunchbox
" Pano~"
" Hindi na , Tapos naku . Sayo talaga yan "saad niya habang humihigop ng kape .
Hindi naku nagsalita .Umupo nalang ako sa kabilang sofa at kinuha ung pagkain na inalok niya .
Tumitingin pa ako ng bahagya kay tae habang sumusubo . Busy siya sa kakapindot sa selpon niya . Mukhang may katext .
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at pumunta sa ref . May kinuha siyang maliit na kahon at tubig .Umupo ito sa dati niyang inupuan at binigay sakin ung dala niya .
" Ano to?" tanong ko .
" Bomba"pamimilosopo niya " Try mo kayang buksan bago magtanong "saad niya . Binuksan ko naman at bumungad sakin ang isang slice ng cake . Strawberry flavor .
" Pathankyou ko yan , Dahil sa pagsalo mo sa ginawa ni lisa " saad niya
Hindi naku nakasagot . Parang may iba kay tae . Ibang tae ang kaharap ko . Hindi ako binubulyawan , hindi rin ako tinatarayan . Pero sinusungitan , Oo . Di na yata mawawala yan kapag kaharap niya ako .
Huminga ako ng malalim para sabihin ung gusto kong sabihin . Alam ko namang walang mawawala kapag sinabi ko yun .
" S-Salamat din "saad ko .
Humarap ako sakanya pero pagtingin ko . Nakangiti ang kumag , Anong nakakatawa sa sinabi ko? Baliw naba to .
" Anong nakakatawa? "
" Wala!, -----Ganyan ka dapat , Marunong magpasalamat " saad niya
" Tsk . " irap ko at kumain na ulit .
Nasasarapan ako sa binaon niya sakin na bistek at may pakwan na naislice pa sa gilid . Mukhang inayos pa .
" Mauna na ako sayo , Tapusin muna yan "saad niya at lumabas na ng kwarto .
![](https://img.wattpad.com/cover/252309272-288-k699119.jpg)
YOU ARE READING
Love Zone ^_^(taekook editon )
Randomdisclaimer lang guyz ayun lang to sa aking munting imagination tsaka please lang dont copy paste kung gusto niyong mag vote sige pero kung ayaw niyo okay lang di ko ikakamatay HAHA juwk . Gusto ko lang ishare ung imagination ko sa inyong mga army mu...