CHAPTER ONE

1.9K 38 0
                                    

“I’ll miss you Davao.”  Mangiyak-ngiyak na sabi ni Chaeng nang lumipad na yung eroplanong sinasakyan namin.

So wala talaga akong choice kundi umuwi nalang at tapusin na yung trabaho ko dito, kailangan ko kasi to para sa susunod na trabaho ko sa Paris, Oo sa Paris, pangarap ko yun  kaya di pwedeng di nila ako payagan.

Mga isang oras ang dumaan at lumalapag na ang eroplano sa lupa ng manila. Ewan ko ba at ayaw na ayaw ko dito, masyadong polluted tapos ang init pa, pati hangin ang init, hays..

Kukuha kami ng taxi kasi di alam nila mama na ngayong yung uwi namin.

“Chaeng magpasundo nalang tayo sa kotse niyo.” Sabi ko sa kanya dahil ang init na tas wala pa kaming makitang taxi.

“No, I’ll surprise them too.” Sabi niya, kaya naparoll eyes nalang ako.

Mga ilang minuto lang nakasakay na kami sa wakas ng taxi, una kong pinahatid si Chaeng at pagkatapos ay ako, nang malapit na ako sa bahay ay napabuntong hininga ako.
Nag bayad na ako sa driver at lumabas para sa kunin yung maleta ko sa trunk. Bumontong hininga muna ako bago pinindot yung door bell.
Bumukas na yung gate at ganoon nalang ang gulat ni Kuya nang makita ako.

“Lil Sis!” Masayang sabi ni Kuya, I just rolled my eyes nang yakapin niya ako.

“Okay tama na” Sabi ko at kumalas ng yakap

“Akala ko di ka uuwi.” Sabi niya at tinulongan ako sa bagahe ko, “Syempre di ko pwedeng ma-missed yung wedding mo.” Biro ko sa kanya

Tumawa naman siya, “Ang saihin mo ayaw kang payagan ni mama mag trabaho overseas kapag di ka pumunta, hahaha that is my idea.”

“What?! Ang daya mo!” Di makapaniwalang sabi ko

“Hahaha, so see you at dinner. Sundoin ko muna yung love ko.” Pabirong sabi niya

“Yaks, corny.” Sabi ko sa kanya at nailing na pumunta sa kwarto ko, hmm saan kaya si mama?
Pagod na hinagis ko ang katawan ko sa kama at pumikit, nakakamiss din pala dito. 

Narinig kong bumukas yung pinto kaya napamulat ako.

“Lalisa.” Si mama

“Ma.” Sabi ko at ngumite ng matamlay sa kanya, lumapit naman siya sakin at niyakap ako.

“Buti naman at umuwi ka, namiss ka namin.”
“I miss you too ma.” Sabi ko sa kanya

“O siya, magluluto muna ako for dinner mamaya kasi andito yung fiancé ng kuya mo, at para magkakilala naman kayong dalawa.” Sabi ni mama

“Opo.” Sabi ko at lumabas na si mama sa kwarto, anong oras na ba? Almost 5 pm na pala, grabe ang bilis ng oras dito. Matulog nalang muna ako.

Nagising ako dahil medyo maingay sa labas, kinusot ko muna ang mata ko at humikab. Anong oras na ba? What? Magse-seven na?? Ang haba naman ng tulog ko, pero sobrang pagod parin ng katawan ko, nako naman.

“Lisa, mag ayos ka na, dinner na tayo maya-maya.” Sabi ni mama sa labas ng kwarto, “Opo.” Sagot ko at matamlay na tumayo, kaya hate na hate kong mag byahe ng malayo eh kasi parang di kaya ng katawan ko. Pumasok ma akong cr at naligo nalang para naman mabuhayan ang Sistema ko.
Nang matapos ay nagbihis na ako. Tumingin pa muna ako sa salamin bago tuloyang lumabas ng kwarto. Nakarinig naman ako ng ingay galling sa kusina kaya siguro andoon na sila lahat.
Pag dating ko napatahimik sila at napatingin sakin, agad nakakuha ng atensyon ko ay ang babaeng nakaupo sa gilid ni Kuya, siya siguro ang Fiance' nito.

“Lil Sis, umupo ka na and ipapakilala ko siya sayo.” Sabi ni Kuya

“Hm Babe, si Lisa my sister and Lisa, si Jennie my soon to be wife.”
Pakilala ni Kuya sa amin,
kaya tumingin ako kay Ruby Jane, so Jennie is her nickname..

“Hi..” She simply said at ngumite sakin

“Hi..” Bati ko rin pabalik at ngumite, at nag iwas na agada ko ng tingin. She have a nice smile.
The whole dinner naguusap sila about sa venue ng kasal nila, so next month na yung kasal nila at di pa sila nakapag decide kung saan yung venue?

“Masaya rin ang beach wedding.” Suggestion ni mama

“What do you think Lil Sis?” Napatigil ako sap ag subo at napatingin sa kanila, “Hmm okay naman.” Sabi ko nalang, nananahimik ako dito eh.

“I think that’s nice tita, but I think I prefer churches more than any other places, since church is a sacred place and so is love..” Sabi ni Jennie kaya napatingn ako ulit sa kanya, she’s sweet.

“That’s why I love her.” Sabi ni Kuya sakin nang mapansin niyang medyo na-amaze ako sa Fiance niya tsk.

Napatango nalang ako, “I agree. And you can held your honeymoon at the beach, I think that’s perfect.” Sabi ko

“Yeah, that’s a good idea.” Singit ni kuya, “So Lil Sis, can you do that for me?”

“Ang alin?” Tanong ko

“Maghanap ka ng magandang beach for honeymoon and vacation narin natin.” Sabi niya

“I can’t Kuya, busy ako for my papers.” Sabi ko sa kanya

“Pero di ka papayagan ni mama magtrabaho abroad.”

“No way, buong buhay kong hinintay to nu.” Sabi ko sa kanila

“It’s okay babe, ako na, magpapatulong nalang ako kay Jisoo.”

“Sure ka?” Sabi ni Kuya sa kanya na tinanguan lang ni Jennie.

“Sobrang bagay talaga kayo.” Singit ni mama na nagpa-ikot ng mata ko, tsk.

Parang di naman.

MY BROTHER'S FIANCÉ (JENLISA GXG)(COMPLETED)Where stories live. Discover now