Chapter 32: Birthday

234 12 2
                                    

Ruby's POV

"Aalis din po ako kaagad, maglilinis lang ako ng katawan," paalam ko kay Xeres nang tanungin niya ako kung ihahanda niya ba ako ng pagkain.

Hindi pa ako kumakain sa totoo lang, pero titiisin ko na dahil pupunta rin kami sa kastilyo. Sigurado akong may nakahanda na roon.

"Balita ko magkasama raw kayo ni Zion kagabi?" Tanong niya kaya nanuyo ang lalamunan ko.

"Opo..." Kinakabahan na sagot ko. "Hindi ko po siya matiis."

"Handa ka bang pakasalan siya at ipasok sa mundo natin kahit na hindi mo alam kung siya ba ang kapares ng iyong kaluluwa?"

He's talking about being mates... And yes... Tama siya. Nahuhulog na ako sa lalaking hindi ko alam kung para ba sa akin talaga. Napalunok ako at nanlamig sa tanong niya. Ilang ulit ko na itong naririnig pero parang sampal sa akin kapag sinasabi nila ang bagay na iyan.

Gusto ko... Gustong-gusto ko siyang makasama nang matagal. Sobrang bilis namin pero ayaw ko na siyang pakawalan. Hindi ko na rin magawang indahin ang mundong humahadlang sa amin. Hindi ko alam kung saan nagsimula pero ayaw ko na siyang mawala pa. Ayaw ko nang tumigil pa.

Pero sa tuwing iisipin ko ang bagay na 'yon, hinaharang ako ng konsensiya ko at natatakot ako sa mga maaari niyang malaman sa hinaharap. Natatakot ako dahil baka kapag nalaman niya ang tungkol sa aksidente ay sisihin niya 'ko at iwan.

Natatakot akong sumugal dahil natatakot akong matalo ulit.

There's something inside me that screams that Zion is worth fighting for... But something outside us screams louder that we are just each other's danger.

"Alam mo ang kapalit kapag hindi mo pa siya minarkahan at mananatili kayong nagmamahalan," paalala niya.

I will die.

"Alam ko ang kapalit. Kumukuha lang ako ng tiyempo. Masyado pang maaga," sagot ko.

"Walang oras ang dapat na sinasayang sa mundo natin, Ruby. Ang bawat segundo ay mahalaga. Never waste it, do what you think is right before it's too late. When the time is gone, it will never come back again to fix the moment you wasted."

"Pag-iisipan ko ang bagay na 'yan, Xeres... Ang pinipigilan ko lang ay ang madala siya sa panganib. Mahal ko si Zion. Hindi ko kayang mawala siya," tugon ko at tumango.

"Pinalitan ko na ang mga bulaklak. Tumungo ka na roon at maghanda sa mission, dumarami na ang biktima ng mga kalaban."

I haven't visited her the day I met Zion. I was too occupied to take a look on her grave. Sana lang ay naiintindihan niya.

"I could not imagine myself without you, Uncle Xeres. Sana ikaw na lang ang naging magulang ko," mapait na bigkas ko dahil iyon ang totoo.

My parents were never here during my birthdays. Siya lang ang kasama ko at ang pamilya niya. He's a cousin of my mother who used to be my guard when I was young. He guided me in everything. Kung ano man ako ngayon ay dahil sa kanya. All my life, he's been there to be my family.

My lips parted when he handed me a small box. Ilang segundo bago ko iyon tinanggap at binuksan. Two diamond rings.

"What are these for?" Tanong ko.

"Happy Birthday, Ruby Shim," unang bigkas niya at tuluyang nanlabo ang mga mata ko sa luha.

March 2... Akala ko ay matagal pa ang araw na 'yan... How could I remember it when no one greeted me? Reis was too busy... Rashea too... Mom will only remember it if I will tell her... Si Papa naman ay hindi na ako binabati pa. My birthday means nothing to him. Maybe when I succeed doing what he wants, he will remember my birthday.

Scent of EclipseWhere stories live. Discover now