1

263 28 1
                                    

CAMP


Simula nang tour namin ngayong araw, kaya nag abala ang lahat sa pagaayos. Nakahanda na ang mga sasakyan na gagamitin ng buong mag aaral ng SFH, Señor Fatima High. 

"Oh.. here comes the bitch." tatlong babaeng nakasandal sa kanilang van. Wala naman talaga akong pake sa kanila o kung ano man ang isipin nila saakin. Isa sa mga karaniwang pangyayari sa loob ng  isang paaralan. "Uneducated person." mahina kong bulong sa hangin kaya hindi nila narinig. 

Dala ko ang tatlong kahon puno ng pagkain para sa section A lang ang supply nato base sa mga kasamahan ko kasing takaw sila ng oso. 

"Emily!," rinig ko ang boses ng kaibigan kong si Ajin na kasing ingay ng motor tuwing bagong taon."yan na ba lahat?" tanong niya at tinignan ang laman, ni hindi man ako tinulungan. "Opo ma'am eto napo lahat. Baka gusto niyo akong tulungan?" sarkastiko kong sabi. 

agad naman niyang kinuha ung dalawang medium box kaya natira nalang ang isang malaking box sakin. "One week lang tayo don noh?" tanong ko habang papunta kami sa na assign na van samin.

"Oo, sabi nila maraming mga wild animals don. Bagay na bagay ka don sis!" sinapok ko naman siya agad. "merong mga nagkalat na usa don, base on my research."sabi niya sabay patong mga box sa compartment ng sasakyan.

"Pede bang hindi na sumama? nakakatakot kasi baka kung anong mangyari" pangamba ko. "Gaga, kakanood mo lang yan ng horror. May tapang tapangan ka pang na lalaman basta makasama lang si On-" agad kong tinakpan ang bibig niya nang makita ko si Onue na papalapit samin.

"Okay na ba ang lahat diyan? tara na." sabi nito at sinusuri pa ang mga box. Kinurot naman ako ni Ajin "lagot ka sakin mamaya!" I mouth to her. Bwisit to panira ng love life este ano.. ano ba?

--

Nakapunta na kami sa camp may mga kung ano anong nakaayos don like obstacle course, campfire, booth for foods, at mga tent na nakakalat. 

Mag se-set up naden ako ng tent namin dahil sa hindi ako marunong magluto. "sino pa? wala na marunong mag ayos ng tent? sure na? sige! Onue and Emi kayo na bahala sa dalawang tent nandon sa taas ng van ung tent." turo ni Ajin sa sasakyan at nakathumbs up pa sakin. Napaka utak talaga ng babaeng to. 

halos mapabitaw ako sa chichiryang hawak ko nang hatakin ako ni Onue. Di nga pala ako nakasunod.

nung una nahihirapan pakong pag dugtungin ung poles pero tinulungan nako ni Onue kaya mabilis lang rin namin naitayo ung dalawa.

"kain ka na don, ako na bahalang mag ayos sa loob" sabi ko at kinuha ung malaking kahon na nag lalaman ng sleeping bags at  inflatable camp pillow.

"ako na," kinuha naman niya nito sabay pasok sa loob ng tent "ikaw ang mauna kumain." Wala nakong nagawa kundi ang tumulong na din sakanya. 

--
"Sure kayong gabe tayo mag lilibot? baka may makasalubong tayong kung ano, di ba pedeng pagpabukas na." sila naman kasi masyadong adventurer. 

"alam mo, wala namang multo, zombie, murderer dito gaya ng napapanood mo chaka kung man edi takbo tayo." at nauna pang mag lakad. "basta walang mag tatapon ng kung ano ano sa woods okay!" 

"Hi!!" napatingin naman kami sa tatlong babae, sila Margarret, Lazy at Beatrice. "pede bang sumama? Tara na!" sabi ng isa sakanila. hinayaan nalang namin sila wala rin naman kaming magagawa.

sa kala gitnaan ng paglalakad, ung tatlong maaarte lang ang maingay samin. Reklamo sila ng reklamo. Wala na ba silang magawa sa buhay nila? Puro sila kaartehan.

"ew! what is that! ang daming lamok !" isa sa mga reklamo nila. "mag sprey ka kasi nitong Insect repeller." 

Binilisan ko na ang lakad ko kasi rinding rindi nako sa boses nila ganon din sila Guind, Mark, Ajin, Kyla at Onue.

"Ang baho naman niyan etapon mo na nga lang!" 



Beginning



A PLACE OF NOWHEREWhere stories live. Discover now