CHAPTER 55

1.4K 107 3
                                    

Lance P. O. V

Malapit ko ng pagbuhol-buhulin ang mga nakakalat na damit na hinahalungkat ko para i-bigti sa sarili ko
T_T pano kasi, wala nakong pants na maisusuot dahil marumi na lahat.

Ang tanging  pag-asa ko nalang ay ang short na pinakamatino sa lahat ng kupas na nadala ko dito....yawa! kung babalik pako sa bahay baka abutin ako ng syam-syam at hindi makakuha ng magandang pwesto para mapanood si Kei mamaya, baka bungangaan ako nun pag wala ako sa game nya...asarr!!!

Wala naman sigurong maninita pag ito ang suot ko tutal sabado naman at manonood lang ako... 

Halos wala akong saplot dahil natatakpan ng bigay ni Shin na damit ang short na suot ko...yawa!! bat kasi lang laki nitong damit nato? mukha bakong may anak na labingwalo at ganito nalang kalaki ang suot ko?.
 

Naabutan ko pa yung bombay na kumakain sa dining nila ng bigla nalang sumama ang timpla ng mukha nito...ano na naman kayang engkantong sumapi sa lalaking to at umagang-umaga di maipinta ang mukha.

"Fvck!!! seriously?!...ganyan kang papasok?!" napakunot naman ang noo ko at tinignan pababa ang suot ko....yung rubber shoes kong kasing tanda na ni ron-ron, yung damit na sahod ko kahapon at etong short na halos tumago na sa damit na suot ko...wala naman akong nakikitang mali kaya anong "seriously" dito..

"Ano naman?! sabado ngayon!saka manonood lang ako!" pagsabay ko sa init ng ulo nya kaya mas lalong nakusot ang mukha nito

"FVCK!!!, don't you ever try to go in school with that look!....wait me here!!" walang gana nitong sabi pero nakakunot parin ang mukha nitong tumalikod sakin at umakyat sa taas....

Bahala sya!! At dahil sa dakila tayong matigas ang ulo eh hindi ko pinakinggan ang sinabi nito at dali-daling tinungo palabas ang mansyon nila at naglakad papuntang school....mas malilintikan pako kay Kei ng sermon pag nalate ako kesa antayin ang pa-V.I.P-ing kumag na yun.... 

                                          _ _ _

Nasa may bandang harapan ako naupo para madali akong makita ni Kei at hindi ako makatikim ng talak sakanya, marami-rami narin ang mga naglilibot libot na sa dome na naghahanap ng upuan kaya pinagmasdan ko lang sila, balloon theme ata ang etchos ng mga istudyante ngayon dahil halos lahat eh may daldalang pahabang balloon parang sa mga soccer events lang ganun hehe. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagtunganga sa may court ng may taong humarang sa harapan ko kaya napatingala ako para sana sabihin na nakaharang sya pero laking gulat ko nalang ng isang higanteng kapreng ungas na kulang-kulang na bombay ang nasa harapan ko na hindi maipinta ang mukhang nakatingin din sakin...

"Ang tigas talaga ng kokote mo kahit kailan ano?!" segundamano nitong sermon sa harap ko

"...now get dressed!!" baritono nitong sabi ng may kinuha sa paper bag na dala nito at ibinato sa mukha ko....yawa!!! bastos talaga ang bombay nato kahit kailan, hindi nako nakapagpigil ng inis at binilog ko ang jogging pants na nasa mukha ko at binato rin to sa mukha nya...blehh!!!, sapul ang mukha nya na ikinatawa ko, pero natigil nalang ako ng hindi nagbago ang pwesto ng gusot nyang mukha na ikinakaba ko... juiceko hindi naman mabiro oh

"hehe bawi lang" saka ako nag peace habang nakatingala parin sa kanya...

Napaurong ako sa kinau-upuan ko ng bigla itong yumuko at pumantay sa mukha ko...///+///

Yawa!!!...yung red blood cells ko naipon sa mukha ko

*Dug....*Dug.....*Dug......*Dug.....

"Don't try my patience Lance... baka hubad ka na ng dimo namamalayan habang binibihisan kita" naramdaman ko ang pagngisi nito sa tenga ko kaya agad kong napatayo at dinampot ang jogging pants na ibinato ko sa mukha nito...

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon