Bloody Valentine

692 16 1
                                    

Bloody Valentine

++++++++++

Luna

Today, it's Valentine. Madami nanamang mag eepal sa school. Bakit kasi kaylangan may pasok pa 'to? Eh irregular din naman ang class, so why bother. But whatever, not that I'm bitter okay? Tch.

Nandito na ko sa kotse on the way sa school. 'Yung libro kahapon, hindi ko na binasa, but dala 'ko today. "Luna, nandito na tayo." saad ni Manong sakin, kaya naman bumaba na 'ko.

Pero, my eyebrows met when I saw white petals nang makababa ako. And exactly pa sa binabaan 'ko. Okay, what type of gimmick is this, huh? Well, sinundan 'ko lang 'yung petals na white. Fuck, baka mamaya hindi pala sakin 'to no? But dinala ako ng petals sa gymnasium. At nang makapasok ako, wala namang tao.

Tangina, hindi ata para sakin 'to eh. Makalis na nga, mapahiya pa 'ko.. Tch. 

I was about to go out nang may marinig akong strum ng gitara,

And I'd give up forever to touch you,

Si Xavier.

Cause I know that you feel me somehow,

You've got to be kidding me,

You're the closest in heaven, that I'll ever be

He walked towards me, with a white rose,

And I don't want to go home right now.

Nagpatuloy 'yung strum ng gitara, at isa isa na ding pumapasok 'yung mga estudyante. Madaming nag tatake ng videos, and some are screaming and chanting. But nag focus ako kay Xavier, looking at his gaze, and.. He's serious.

"Well, hi Luna?" he said while scratching his head, at inabot sakin 'yung isang flower. Maganda 'yung paligid, puro bulaklak na puti at may dalawang malaking teddy bear sa stage, which I assume na akin. "Uhm, matagal na tayong magkaibigan, or bestfriend? I dont really label our friendship. Cause being with you is enough. But now, can I step over the line,"

Then lumuhod siya sa harapan 'ko, eyes still glued on mine, "Can I court you?" That's it. All I heard was a loud screaming galing sa mga estudyante, na kinikilig daw sila at umoo na daw ako.

Nginitian 'ko naman si Xavier, and tried to pull him up at tumayo, but ayaw niya, "I won't. Um-oo ka muna." he said, then I chuckled. Such a kid.

I was about to say 'yes' when I heard a very loud scream, na lahat kami ay napukaw ang atensyon, even Xavier na napatayo dahil na alarma sa sigaw. I don't know but yung sigaw niya ay hindi dahil sa kinikilig siya, but may iba pang dahilan.

Isa isang nang umalis 'yung mga tao para tignan 'kung san nanggaling 'yung sigaw. Kaya't sumunod na kami ni Xavier bilang siya ang incharge sa pagiging presidente.

Lumabas na kami ng gym, at may naramdaman akong pumatak sa balikat 'ko. Tinignan 'ko 'kung ano 'yun then I froze sa nakita 'ko at nabitawan 'ko yung bulaklak na hawak ko. Dugo.  Fuck.. si Ma'am.. si Ma'am Kylie, she was hanged up there sa taas ng gymnasium. At sa mismong pwesto 'ko tumutulo 'yung dugo niya, making the white rose that Xavier gave, red.

Umalis ako sa pwesto 'ko, at tumingala para tignan siyang mabuti, sa lubid na nakatali sa leeg niya, may mga bubog kaya't tumutulo 'yung mga dugo galing sa leeg niya dahil nahihiwa. She was also holding the rope and mouth wide open.

That made me super confuse, teka.. Suicide? No.. no.. this is not a suicide.

Well, a bloody valentines indeed.

++++++++++++++++

Pinapasok lahat ng mga estudyante sa klase, para kunin 'yung gamit dahil dismissed na daw. Wala nang klase because of the incident.

"Hey, let's shop? Na stress ako kanina kasi eh, let's unwind!" sigaw ni Lorren kaya't napatingin ako sakanya. Shopping? Wala ba silang respeto kay Ma'am Kylie? Kaya't laking gulat 'ko nang umoo sila at pumayag.

Naramdaman ko din ang paghawak sakin ni Saphire, "You'll go okay?" and by that. Wala na akong naggawa. Tinignan ko si Fatima sa dulo ng room, because I'm pretty sure na walang magyayaya sakanya, but she only mouthed, 'Go. Go get some info.' at nag nod nalang ako.

Naglalakad kami ngayong klase, karamihan ay sumama sa amin, kaya marami rami na kami, "So, ano na Luna?" tinignan 'ko si Xavier, and yep. Kasama ko siya ngayon, nginitian ko lang siya ng isang matamis na ngiti, inikot ko muna 'yung carter bracelet 'ko before answering him, "Uhm, yes. Ofcourse you can court me," and that made him interwined our fingers and smiled. "Thank you baby,"

Nahagip ng paningin 'ko si Lorren, and she's staring at me. Parang 'yung tingin kahapon ni Mary kay Ma'am Kylie, but this stare. A blank stare.

"Wait guys," si Shane, isa sa mga kaklase 'ko, "Look, kamuka ng cellphone ko na nawala last month oh!" may tinuro siya, at nagulat ako dahil 'yun 'yung shop na nakita 'kong nagbukas kagabi nang dumaan ako.

Napailing naman si Chis sakanya, "Sus Shane, ikaw lang ba may ganyang phone? Paranoid much."

The Kleptomaniac's Dilemma (REVISING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora