TEASER

6K 84 0
                                    

Teaser

MASAYANG ikinasal si Jaydel Carter sa asawa niyang si Elysian Domingo. Mahal na mahal nila ang isa't isa at sa mga oras na iyon ay alam niyang habang-buhay ay magiging masaya na siya sa piling ng babaeng mahal niya.

Kontento na siya sa ano mang mayroon siya at wala na siyang ibang hihingilin pa. Pero kanyang natuklasan ang sekreto ng asawa niya.

May ibang lalaki ito at tila nadurog ang puso niya sa malamang buntis ito at hindi siya ang ama. Sakit, galit, at pagkamuhi ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Pero nangingibabaw ang sakit, nasaktan siya. Dahil sa labis na nasaktan siya dahil sa pagtataksil sa kanya ni Elysian ay mas pinili niya ang lumayo.

Umalis siya sa bahay nila ng walang paalam at pumunta sa lugar na kailanman ay hindi siya mahahanap ng asawa niya o maski ang pamilya niya.

Sa dalawang taong pagtatago niya ay hindi niya inaasahang mahahanap siya roon ng asawa niya.

Gusto nitong bumalik siya at umuwi na ngunit hindi naman siya nito pinilit. Pero bakit ganoon? Imbis na magalit siya at sana nakalimutan na ito pero nandoon pa rin, nandoon pa rin ang pagmamahal niya sa kanyang asawa.

Pero paano kung ang lahat ng nalaman niya two years ago ay hindi naman pala totoo? Paano kung nagkamali lang siya? Na maling akala lang pala? Na hindi naman talaga siya pinagtaksilan ng asawa niya?

Maibabalik kaya niya ang dati na nasa maayos pa ang lahat? Muling maibabalik kaya ang taong sinayang niya dahil sa maling akala?

O, tatanggapin pa kaya siya ni Elysian?

BIS#1: The Runaway Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now