Chapter 1

1.6K 64 58
                                    

To All The Boys I've Ghosted
Chapter 1


"Matagal pa ba 'yan?"


I groaned as I heard Aubs complain for the nth time today. Charm, just standing beside her, was already frowning. Kanina pa kasi nila gustong pumasok sa loob para hindi kami maagawan ng seat. The only thing that's keeping them from doing that is, well... me.


"Bulag ba? Hindi kitang napakahaba ng pila?" My voice was laced with sarcasm, making Aubs roll her eyes at me. Kahit kailan talaga 'to, napakaikli ng pasensya.


Sandaling tinignan ni Charm ang napakahabang pila sa food kiosk ng takoyaki sa loob ng MOA bago ibinalik sa akin ang mata niya, tapos ay hinila ang dulo ng buhok ko, "Bitch ka, the line is so long kaya! We're gonna be late!"


"Teka lang kasi, mauna na lang kayo kung gusto niyo." Pinalis ko ang butil ng pawis na namuo sa noo ko. May aircon naman, sadyang mainit lang dahil masyadong maraming tao ngayon. "Gusto ko nga ng takoyaki." I flimsily stomped my feet on the ground.


Hindi na rin nakapagtataka kung bakit. Today's the opening of UAAP '83, maraming estudyante mula sa iba't ibang unibersidad ang narito ngayon para manood at sumuporta.


Aubs eyed me teasingly. "Hmm, takoyaki ba talaga? O baka naman takot ka lang na may makasalubong ka na naghost mo dati?"


I was stunned with her statement, and although I wanna deny it, I know she's right. Mayroong maliit na parte sa sarili ko na umaasang wala akong makasalubong na lalaking na-ghost ko dati. That would be so weird and awkward!


"Ayan kasi, GhoUste pala ah!" Patuloy ang pang-aasar ni Aubrey habang naghihintay kasi sa mahabang pila.


"At least hindi ako isinakay sa ferris wheel ng ex ko saka ako iniwan."


"Hoy foul! No hitting below the belt 'di ba!"


Patuloy lang kami sa asaran hanggang sa tuluyan ng marindi sa amin si Charm kaya inawat na kami. Kahit daw kasi maingay sa paligid ay sobrang nangingibabaw ang boses naming dalawa.


Tahimik lang kaming naghihintay nang makita namin na nagsisimula nang pumasok ang mga tao sa arena. Charm tried to pull my arms in an attempt to drag me out of the line but I didn't budge.


"What?" Natatawa kong tanong habang pilit na binabawi ang braso mula sa kaniya. Charm's the type of person who always follows her plan, lahat ng bagay ay gusto niyang nakaplano, even the time!


"Lacey, we'll lose our seats na talaga!" She said while pouting, akala niya siguro ay tatalab sa'kin ang pout na 'yon, bruha siya.


I glanced at the line, may apat na tao pa sa harapan ko. "Mauna na kayo sa loob, susunod na lang ako."


"Gaga, baka i-ghost mo din kami." Singit ni Aubs.


To All The Boys I've Ghosted (U-Belt Series #1)Where stories live. Discover now