章 17

237 11 0
                                    


"Wag ka nang kabahan, family ko lang ang nandito." 


Sabi naman ni Atlas sa akin habang hinihila ako papasok ng bahay nila, wala akong nagawa kung hindi sumama sa kaniya ngayon e dahil pinilit niya 'ko nang sobra kagabi at akala ko mag-aaway pa kami. Okay lang din naman sa sumama, para masanay ako kasama ang pamilya niya.


"Oo na, oo na. Eto na." Sabi ko at tumayo nang maayos.


"Okay, good." Sabi niya habang pinupulupot ang braso sa beywang ko. Pangalawang beses ko pa lang pumunta rito sa bahay nila, lagi kasi duon sa mansion ng mga Jiraanan ang event.


Nang makapasok kami ng bahay nila Atlas, nabighani na naman ako sa ganda nito. Ngayon ko lang siya natitigan nang matagal at naappreciate. Una ko kasing punta rito, nagmamadali ako dahil lasing si Atlas non at hindi ko namang intensyon na pumunta rito sa bahay nila. Napalunok ako sa kaba nang makita kong bumababa ang dalawang magulagn ni Atlas. Parang ang babata pa nila tingnan, para silang panganay na kapatid lang ni Atlas.


"Mom! Dad!" Kumaway naman si Atlas sa nanay at tatay niya. Nilagpasan namin ang staircase at dumeretso  sa may dining area nila. Ang laki rin ng bahay nila talaga, grabe. "Are you okay?" Tanong niya sa aking habang inaalalayan akong umupo. 


"Uhm." Tumango ako. 


Umupo na siya sa tabi ko at inantay na naming makarating ang parents niya rito dahil mukhang may pinag-usapan pa. Nang makaupo sila sa harapan namin, duon na 'ko nakaramdam ng kaba. Grabe, dinner lang but they look really expensive kahit nasa bahay lang.


"Ivory.." Bati sakin ni Captain Sanchez. "I didn't expect this.." Sabi niya at tumingin pa kay Atlas.


"Good evening po, Cap!" Sabi ko habang nakangiti. "Good evening po, Ma'am." Sabi ko sa mother ni Atlas at nginitian lang ako nito.


"Good evening, hija." Bati naman ni Captain Sanchez pabalik.


Hindi rin naman nagtagal, sinerve na ang mga pagkain sa table namin. Medyo may karamihan, pero hindi na 'ko nagtaka duon. Chinese cuisine ang dinner ngayon at chopsticks lang ang maaaring gamitin dahil 'yon lang ang kubyertos na nakahanda sa lamesa. Hindi pa naman ako marunong gumamit nito, pero bahala na talaga.


"Kain na tayo habang mainit." Sabi ng Mommy ni Atlas. "You don't need to call me ma'am, Hija. Just call me Tita Antoinette." Ngiti naman nito sa akin.


"Okay po, tita. Thank you po." Sabi ko.


Hindi ko alam kung paano ako kukuha ng pagkain dahil hindi naman ako marunong magchopsticks, hindi ko rin namang pwedeng kamayin. Ang pwede ko lang kunin dito ang mg putaheng may mga serving spoon. Gustong gusto kong humingi ng spoon and fork kaso nahihiya ako sobra. Nang makakuha ako ng pagkain ko, kumain na 'ko nang paonti onti. Hirap na hirap akong gumamit ng chopsticks pero sinusubukan ko, mukha na talaga akong tanga sa harapan nila. 


"You can't use chopsticks?" Tanong ni Tita Antoinette sa akin, nagulat naman ako duon. Pinansin pa niya 'yon.

Along Taft AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon